"Salamat, Kuya. Heto na po ang ipinangako kong pera. Thank you po ulit." Iniabot niya ang ipinangakong pera saka walang hanggang pasasalamat ang nanulas sa labi ni James Deen sa piloto na naghatid sa kanya sa mismong harapan ng bahay nila o mas tamang sabihin ma family house nila pero nakiusap ang mga ninuno nila sa Mommy at Daddy nilang magkakapatid na huwag ng bumukod dahil wala din namang maiiwan doon kundi ang ninuno.
"Itago mo iyan, Bro. Kahit hindi mo iyan ibigay sa akin ay ihahatid kita. This is my job kaya't kahit hindi mo ako bayaran," magalang na sagot ng piloto.
"Pero out of duty ito, Kuya. Kahit minuto lang ang pagitan ng Baguio at Bontoc ay alam kong pagod ka rin kaya't please tanggapin mo ang bayad ko o ang pamasahe ko." Pilit iniaabot ni James Deen ang pera bilang pamasahe.
Pero pinanindigan ng piloto ang huwag tanggapin ang ilang libong iniaabot ng pasahero.
"Just sign this, master. I mean autograph, nasubaybayan ko ang bawat laban mo kaya't ang autograph mo ay sapat na upang mabayaran mo ang sinasabi mong pagod ko," giit ng piloto na walang iba kund si pilot Allick Francisco.
Kaya naman wala ng nagawa si James kundi ang tanggapin ang iniaabot nitong pilot's cap at ballpen saka pinirmahan ito.
"Thank you, Master James Deen Arellano. Don't worry hindi ako masamang tao nagkataon lang na fashion ko ang pagpipiloto. Take care lalo na sa anak mo," muli ay wika ni AF.
"Salamat ulit, Kuya. Sana magkaroon tayo ng time na makapag-usap uli. Ingat ka din sa himpapawid." Binitbit niya (James Deen) ang dalawang bag pack. Kahit nasa chopper siya'y nasa likod pa rin niya ang kaniyang swords.
Ngumiti na lamang ito sa kanya, hinintay na tuluyan siyang nakababa saka muling kumaway bago binuhay pabalik sa himpapawid ang chopper.
Samantalang nagulantang ang pamilya Arellano ng may maingay sa mismong harapan ng bahay nila. Kaya naman para silang isang platon na lumabas lahat upang alamin kung sino ang dumating.
The young master!
Finally came home!
But, he's not alone!
He's carrying a baby boy with carrier ad he holds the two bags with his left and right arm as his sword placed properly to his back!
Walang nakahuma sa kanila, they never expected that the young master will come as they never thought about the child his carrying. Pero ang magulang ay magulang, kahit gaano man katagal na nawalay ang anak ay matutunaw at matutunaw ang galit at tampo kapag ang anak ang magbabalik loob.
Sa nakitang hitsura ng anak na halatang pagod na pagod, walang maayos na tulog, at higit sa lahat sa hitsura pa lamg nito'y halata ng may pinagdadaanan.
"Anak ko!" Tumakbo ang mag-asawang Greg at Magdalene na unang nakahuma sa pagkabigla.
Patakbo silang sumalubong sa bagong dating sabay yakap dito. Hindi sila nagkamali dahil sa pagyakap pa lang nila dito'y umiyak na ang bagong dating. Binitawan nito ang hawak na bag saka gumanti ng yakap sa kanila.
"I'm sorry, Mommy, Daddy. I'm so sorry po." Humahagulhol itong gumanti ng yakap.
"Nothing to worry son, wala kang dapat ihingi ng paumanhin." Umiiyak na rin si Greg lalo at ilang taon din itong nawalay sa piling nila.
"Salamat, anak at naisipan mong umuwi. Halika na sa loob para makasabay ka sa amin ng mga pinsan mo---" sabad ni Magdalene pero hindi nito nagawang tapusin ang sinasabi dahil pumalahaw ng iyak ang batang dala-dala ng young master.
Marahil ay naipit ito at nasaktan sa sabayang pagyakap ng hindi nakikilalang ninuno kaya't nagising saka pumalahaw ng iyak.
"Tahan na, anak. Nandito na tayo sa tahanan natim ang tunay nating tahanan. Dito sa piling ng Lolo at Lola mo. Marami kang makikilala rito na kamag-anak natin, anak." Pagpapatahan ni James sa anak sa salitang Thai.
Na mas ikinagulat ng kanina pa nakatulala dahil sa biglaang pagdating ng bunso. Pero hindi nakatiis ang abuela't abuelo kaya lumapit sila sa bagong dating.
"Bago ka namin isalang sa interrogation apo ko, baka naman maaring pumasok na tayong lahat. Alam kong may hindi kami nalalaman patunay lamang ang batang dala-dala mo at ang pananalita mo sa kanya, ang biglang pagdating mo'y ramdam ko na may dapat kang sabihin pero kagaya ng sabi ko pasok na muna tayo," sabi ni Darwin sa apo.
"Akin na si baby alam kong pagod ka apo. Tama ang Lolo mo apo kaya't pasok na tayo," wika naman ni Lorie saka iminuwestra ang palad sa batang hindi pa nakikilala.
Pero yumakap ang bata sa ama, marahil nangingilala pa kaya't nangunyapit sa ama.
"Alam ko pong nagtataka kayong lahat pero it's a long story but to make the story short anak ko siya, he's Khemkhaeng," the young master said na siya namang paglapit nila Ally, Marcus Xander, at ang kuya nito na si Elijah Gregg or the chef.
Ramdam niyang maraming nais malaman ang mga ito lalo sa pangalan ng anak niya pero walang nangahas na nagsalita, bagkus ay ang mainit na pagtanggap muli sa kanilang pagbabalik ang nangibabaw.
"Welcome home, bunso. Na-miss ka namin." Ibinulsa ni Elijah Greg ang hawak na sandok saka yumakap sa bagong dating na kapatid. Nakakalalaki man pero hindi niya mapigilan ang sarili na maiyak.
"Salamat, Kuya. Hindi ka pa rin nagbabago pati sandok ay dala-dala mo. Buti kung 'di mo iyan dinadala sa gymnasium?" pangangantiyaw ni James.
Kaya naman napatawa sila kahit papaano. Kilala naman kasi nila ito. Kahit ito ang namumuno sa gymnasium ng ama ay mas sinusunod pa rin ang idinidikta ng damdamin, ang pagluluto. May tagaluto sila pero kadalasan ay ito ang nagluluto para sa kanilang lahat.
"Pasok na, bunso. May bago ang winery kaya't pasok na para matikman mo din." Nakalahad ang palad na paanyaya ni Ally na agad sinundan ni Marcus Xander.
"Grabe ka naman, Ally. Wine agad ang inialok mo kay bunso. Baka naman puweding tanghalian muna? Look at him oh," anito sabay nguso sa bagong dating bagay na ikinahalakhak nilang lahat.
Na pati ang batang nangungunyapit sa ama'y nakitawa na rin. Para bang nauunawaan nito ang nangyayari dahil nakisabay sa pagtawa. At mas napangiti sila ng imuwestra ang maliliit na palad kay Ally na dala-dala din ang bote ng alak.
"Aba'y marunong pumuli ang bata ah, anak naman dali na baka akala ni baby na pagkain iyang dala-dala mo." Nakatawang panunukso ng abuelo nilang si Darwin.
Kaya naman dali-daling ipinasa ng binata ang hawak na bote sa pinsan sa ama saka muling hinarap ang bata pero si Marcus Xander naman ang binalingan ng bata. Dito nila napagtanto na inaakala ng bata na pagkain nga ang laman ng bote. Kaya naman bilang ina, sumabad ang kanina pa nagmamasid na si Grandma Lorie.
"Baka naman nagugutom ang apo ko, James apo? Look at him, the way he's looking at the bottle baka naman gutom na siya," anito.
Dahil dito'y natigilan si Jame Deen, tama naman ang abuela niya hindi pa muling dumede ang kanyang anak simula lumapag ang eroplanong sinakyan nila sa Ninoy International Airport samantalang nag-eroplano din sila from Manila to Baguio kung saan siya naghanap ng private chopper na naghatid sa kanilang mag-ama sa Bontoc. Huli itong kumain kagaya niya sa eroplanong sinakyan nila galing Thailand.
"Sorry anak doon ka muna kay Lola at bibili muna ako ng gatas mo---"
Pero hindi na natapos ni James ang pananalita dahil si Marcus Xander ang kinapitan ng bata na halatang tuwang-tuwa sa bote sa pag-aakalang gatas ito o maiinum niya.
"Gutom ka anak? Ay ako ang tito mong pogi, Marcus Xander, pero hindi naman kaya ng konsensiya ko na painumin ka ng alak kaya't tara doon sa kunina ni tito mo chef para makakain ka rin. Maraming nakahain boy," tuwang-tuwa nitong sabi.
"Sorry, Kuya, pero Thai ang salita ni Khemkhaeng," agad na sabi ni James.
Kaya naman napa " ooh" silang lahat.
"No problem, Baby Khem na lang haba name mo eh hindi ko mabigkas. Gaya ng sabi ng Tito mo pogi pero mas pogi ako, let's go to my kitchen," ani Elijah na kinahalakhak nilang tatlo saka nauna sa kusina kasama ang batang halatang gutom na gutom. Nauna ang magpipinsan kasama ang batang Thailander.
Naiwan ang mag-asawang Greg at Magdalene, Lorie Joy at Darwin kasama ang bagong dating na si James Deen.
"Igagalang namin anak kung ano ang nasa likod ng pag-uwi mo ng biglaan. Handa kaming maghintay kung kailan mo ito sasabihin sa amin. Alam kong may problema ka pero sa ngayon ipanatag mo muna ang pakiramdam mo dahil nandito ka na sa tahanan natin." Sa nanulas sa labi ng padre de-familia ay sinabayan din nito ng malalim na paghinga. Nawala man ng ilang taon ang anak nila pero kailangan pa rin nila itong suportahan.
"Long story, Daddy. Pero tama ka po malaki ang dahilan ng pag-uwi namin ng anak ko." Nakayuko siya (James) lalo na ng maalala ang asawa na walang kasiguraduhan ang kaligtasan sa sariling kamay ng mga tauhan ng ama.
"James apo ko, ikaw na rin ang nagsabi na mahabang story kaya some other day na lang natin pag- usapan iyan. We understand you, alam naming pagod ka. Hindi ka ba naeengganyo sa mga Kuya mo sa kusina? Aba'y nagkakatuwaan na silang apat doon kasama si baby. Kung ano man ang problema mo apo tutulong kaming lahat para sa iyo, sa inyo ni baby." Hinaplos-haplos pa ni Darwin ang likuran nga apo bilang pang-aalo.
"Salamat, Lolo. Yes po kakausapin ko po kayong muli pero tama po kayo namiss ko po ang lutong pinoy," tugon nito.
Sabay-sabay silang nagsipasok habang bitbit nila ang bag ng mag-ama o mas tamang sabihin na tig-isa ang mag-asawang Greg at Magdalene sa parang papel lang ding bag ng mga bagong dating. Nadatnan nilang nakasalampak ang tatlo na nakapalibot sa batang si KhemKhaeng na may hawak na pagkain, tubig , at juice. Dahilan upang mapangiti ang ama nito. In his mind (James Deen) napakasuwerte nilang mag-ama dahil nagkaroon sila ng pamilyang handang tanggapin sila kahit anong oras.
Ibinaba niya ang swords niya sa dulo ng lamesa nila at akmang maghuhugas na ng kamay upang makakain na rin pero natigilan siya ng nagsalita ang anak.
"Papa eat." Nakamuwestra ang maliliit nitong palad na may hawak na pagkain.
"Thank you, anak. Sige lang kain ka na mamaya na tayo bibili ng gatas mo," tugon niya rito sa salitang Thai din kaya naman ang iminuwetra ng bata o ang ibinibigay sa ama'y isinubo.
Lihim namang napangiti ang mga nakapaligid dito, hindi man nila nauunawaan ang salita ng bata ay natutuwa sila dahil bata pa ito pero halatang makatao. Nagsimula na ring sumubo si James ng muling nagwika ang abuelo.
"Mabuti naman apo at naisipan mong ibinaba ang espada mo akala ko'y pati sa hapag ay nasa likod mo pa rin iyan," panunukso nito.
Na ang napapangiti lang kanina ay napahalakhak na. Tama naman kasi ang matanda, dumating sila, nagkumustahan, nangulit ang anak, nagsipasok sa kusina pero nanatili sa likod nito ang espada.
"Kumain ka na nga riyan asawa ko, huwag ka ng mangantiyaw." Binalingan ito ni Lorie saka sinita. Alam naman nilang nagbibiro lamang ito pero gusto rin naman nilang makakain ito ng maayos.
"Okay lang po, Lola. Nakasanayan ko na sigurong lagi kong dala-dala iyan kaya hindi ko na rin matanggal-tanggal sa likuran ko," may ngiti sa labing sagot ni James, ngiting noon lang nila nakita simula dumating silang mag-ama.
Naging masaya ang pananghalian nilang iyun, dahil bihira lang na makauwi ang apo ay tinawag lahat ni Darwin ang mga anak o ang kambal nilang anak kasama ang sariling pamilya upang magsagawa sila ng party para sa pagdating ng mag-ama. Tinawagan din nito ang matalik na kaibigan na balae niya na kahit sa kanilang pagtanda'y mga sutil pa rin.
"Huwag ka ng lumuwas, James apo ko. Darating ang Tita Belinda, mo mamaya lamang sinabihan ko sila na magdala ng gamit ng anak mo kasali na ang gatas ni baby. Mamahinga ka na lang muna apo huwag mo siyang alalahanin dahil kita mo namang pinag-aagawan ng mga pinsan mo. Saka sigurado akong darating ang mga pinsan mo sa Tito Darrell at Tita Belinda mo, I'm sure hindi ka na naman makakatakas sa kasutilan nila kaya't take it easy apo. Everything gonna be alright. May awa ang, Diyos," pampalubag-loob ni Darwin sa apo.
"Humuhugot ka na naman, asawa ko." Nakatawang kantiyaw ni Lorie kaya naman kahit may edad na ang business tycoon na si lolo Darwin ay napakamot pa rin ito sa batok.
Kaya naman nagpaalam siya ng maayos sa mga ito, alam naman niyang para sa kanilang mag-ama ang party na ipinapahanda ng abuelo kaya't sinunod na lamang niya ang utos nitong magpahinga muna siya.
"Diyos ko, ikaw na po ang bahala sa aming mag-ama. Iligtas mo, Ama, ang asawa ko sa Thailand parang awa mo na," dasal niya bago siya tuluyang iginupo ng antok.
.
.
.
.
.
.
TBC