CHAPTER THREE

2234 Words
CHAPTER THREE "Tell us, Phaelyn. Where is that guy!" sigaw na bumulabog sa namamahingang si Phaelyn. Kaya naman kahit inaantok pa siya'y napilitan siyang bumangun upang alamin kung sino ang nambubulabog. Sinilip muna niya sa bintana kung sino ang nasa labas at napaismid siya ng namataan ang kinaiinisang si Virute na nasa tabi ng ama. "Oh what's the matter with you, father?" tanong niya sa ama. "Don't play safe, Phaelyn. We know that you're hiding him here," sabad ng nasa kaliwang bahagi ng ama. "Then? It's none of your business if I'm hiding him here. If I were you, just go back to the place where you belong and stop pestering me." Napaismid siya sa tinuran nito. Wala na yata silang balak tantanan siya tungkol sa asswa niya. "Enough! Enough! I didn't came here to witness your fighting. Now tell us where is that man." Pumagitna si Pinunong Guru sa iringan ng mga ito. Kung siya lang din ang masusunod ay hahayaan na niya ang lalaking pinag-alayan ng anak niya sa puso nito. Pero ang mga kasamahan nila sa kanilang kaharian ay wala yatang balak titigil. Pero para kay Phaelyn ay hinding-hindi niya ipagkakanulo ang kinaroroonan ng mag-ama niya kahit pa buhay niya ang kapalit. "Pinuno, hahayaan mo na lang bang lapastangin niya ang kultura natin? Ikaw ang pinuno kaya't dapat na ikaw ang maging modelo sa nasasakupan mo. Pero anong ginawa ng anak mo?" panggagatong pa ng isa. Bagay na nagpainit sa ulo ni Phaelyn kaya't kahit nasa harapan siya ng ama'y hindi siya nagdalawang-isip at ibinato niya dito ang alaga niyang ahas saka hinila. "Kill that bastard now!" Ibinato niya ang alagang ahas saka niya ito inutusan. Bago pa man may makahuma sa kanilang lahat ay wala na sa imahe nila ang lalaking pangahas as well as the snake. Si Virute na sana ang isusunod niyang ipakain sa alaga niyang ahas na siya lang nakakapalabas pero agad itong hinarangan ng ama. Ito ang tunay na pinuno dahil ito ang nakakakontrol sa lahat kahit ang mga kapangyarihang mayroon silang lahat sa mundo mayroon sila. "Tama naman silang lahat, Phaelyn. Ikaw ang anak ko pero ikaw pa ang ayaw sumunod sa kultura mayroon tayo. Ito ang tandaan mo anak, kahit anak kita kung ikaw ang sumusuway sa alituntunin mayroon tayo sa ating lahi'y hindi ako magdadalawang-isip na ipataw sa iyo ang karampatang parusa. Ngayon inuulit ko, ilabas mo ang lalaking iyon at paalisin sa Chiang Mae dahil ang lugar na ito'y para lang sa kagaya nating Thai landers." Nakaharang ang palad sa ahas na handang manuklaw. Binigyang instructions na bumalik sa kinaroroonan ng among si Phaelyn na sinunod nito. "Pero bakit, pinuno? Bakit paalisin lang? Hindi iyan ang parusa sa mga pangahas na tulad niya," agad na salungat ni Virute sa tinuran ng kanilang pinuno. "Hindi pa naman napapatunayan na nagkasala ang lalaki, Virute. Ayon sa nakalap kong balita'y naka-kontrata ang tao sa kilalang taekwondo company dito sa bansa natin. Ang mapa-alis natin siya dito sa Chiang Mae ay malaking bagay na total sa Bangkok naman nagtratrabaho ang tao. Kaya't pagbigyan muna siyang makaalis ng Chiang Mae pero kung papalag siya ay saka na lang natin siya papatawan ng mas mabigat na parusa." Hinarap ni Pinunong Guru ang tauhan. Ayaw niya sa pananalita nito pero nauunawaan din naman niya ang punto nito. Lihim naman napangiti si Phaelyn dahil sa tinuran ng ama. Sa isipan niya'y tama ang kanyang ama, kung tutuusin wala namang batas na nagbabawal sa kanila na makapag-asawa ng ibang lahi pero dahil sa panunulsol ng mga nasasakupan ng pinuno nila'y heto ngayon sinugod siya nito sa naging tahanan nila ng mag-ama niyang kahit masakit sa damdamin niya'y wala na rin siyang nagawa kundi ang pauwiin ang mga ito para makaligtas sa mapang-alipustang nasasakupan ng ama. "By this time nasa Pilipinas na ang mag-ama ko. Diyos ko, ikaw na po ang bahala sa kanilang dalawa," pipi niyang dalangin sa kanilang salita, ang Thai. Pero ang napapalalim niyang diwa ay binulabog ng rumaragasang sasakyan palapit sa kanilang lahat. "Pinuno! Pinuno!" sigaw ng halos hindi pa nakakalabas na nasa loob ng sasakyan. Kaya naman agad lumapit ang pinuno sa bagong dating. Lumabas ito ng tuluyan saka nagbigay galang o bahagyang yumukod. "Pinunong Guru, wala na rito sa Chiang Mae ang manugang at apo ninyo," wika nito sa salitang Thai, bagay na nagpakabog sa dibdib ni Phaelyn. Di yata't may nakakita sa mag-ama niya. But in her mind, she will now allow anyone to follow them kahit buhay pa niya ang kapalit. "Anong sinabi mo, Anakan?" tanong ni Pinunong Guru. "Siya lang ang may hawak sa swords na iyon kaya alam kung siya iyon. Nakita ko siya sa airport kanina habang naka-duty ako. Pinunong Guro, wala ba tayong gagawing aksyun para sa lapastangang lalaking iyun?" paliwanag at tanong nito in their own language. Pero bago nakasagot ang pinuno'y naibato na ulit ni Phaelyn ang latigo sa paningin ng iba pero kapag dadapo ito'y isang ahas kagaya ng ginawa sa naunang pangahas. "Wala kayong karapatang ilaglag ang mag-ama ko! Mga tauhan lang kayo ng ama ko kaya't wala kayong gagawin laban sa akin o kahit sino sa kanila!" nagliliyab sa galit ang mga mata niya(Phaelyn) habang kinakain ng ahas ang lalaking nagtratrabaho sa airport o ang sumita kay young master sa sword nito. Pero kung ang mga taong binabalot ng inggit at pagkamuhi'y wala silang pakialam sa damdamin ng iba. "Pangalawa na iyang pinatay ng anak mo sa mismomg harapan mo, Pinunong Guru. Ngayon ipagtanggol mo pa siya sa amin,"ani Virute. "Wala kang pakialam dahil makasalanan ding tulad mo ang mga pinatay ko! Kung hindi n'yo lang sana pinapakialaman ang buhay ko'y hindi tayo kailangan aabut sa ganitong sitwasyun---" "Tama na! Tama na, Phaelyn! Tama naman silang lahat! Dapat lang na makialam kami lalo at ikaw ang nag-iisang anak ko at ikaw ang mamahala sa buong angkan natin sa susunod na panahon pero anong ginawa mo! Hindi mo lang nilapastangan ang angkan natin may ebidensiya ka rin pa lang naiwan! Ngayon sa ayaw at sa gusto mo'y kailangan harapin mo ang parusa mong kamatayan!" Pamumutol ni Pinunong Guru sa anak. Napaismid si Phaelyn sa tinuran ng ama, mas nanaisin pa niyang mamatay kaysa ipaalam sa mga ito kung nasaan ang mag-ama niya. May kapangyarihan siya dahil siya ang kaisa-isang tagapagmana nito at kahit mawala man siya'y may kapalit na siya. Bata pa man ang anak niya't walang malay sa mundo pero sigurado siyang mananalaytay din sa dugo nito ang dugo nilang makapangyarihan at kahit pa wala pa itong malay sa mundo'y tiwala siyang maaaalagaan at protektahan ng asawa niya. The taekwondo master as the swords master. "Kahit ngayon na, Pinunong Guru. Ngayon pa lang ay kusang-loob ko ng tinatanggap ang parusa sa kasalanan ko sa inyong lahat pero bago iyan hayaan mong bigyan ko muna ng leksyun ang hayop mong tauhan." Napaismid ni Phaelyn saka walang babalang sinugod ang nasa tabi ng ama na si Virute. Hindi man ang alaga niyang ahas ang ginamit niya bilang sandata pero napagtagumpayan niyang pinalipad na walang pakpak ang lalaking wala na yatang ginawa kundi ang sulsulan ang kanyang ama na parusahan siya. Hindi pa siya nakuntento, animo'y isang ibon lumipad siya sa kinaroroonan nito at para silang mga tunay na ibon na nagsagupaan habang nakaangat sa eri. Ang hindi napaghandaan ni Phaelyn ay ang pagsugod nito sa kanya gamit ang sinturon. Ang sinturon nitong kayang maglabas ng maraming bubuyog na ito lamang din ang may kakayahang magpatigil. Pero agad ding nakahuma si Phaelyn, gamit ang mahaba niyang shawl itinakip niya ito sa sarili kaso anong laban ng shawl niya sa napakaraming bubuyog? "Enough! Virute! Stop that!" dinig pa niyang sigaw at utos ng kanyang ama pero hindi ito nakinig bagkus ay itinuloy pa rin. Hindi lang iyon, sa sulok ng kanyang mga mata'y kitang-kita niya ang pag-atake ng mga alipores ng kalaban niya sa kanyang ama. "Aahhhhh! Ngayon alam ko na kung bakit ang init ng dugo ninyo sa amin ng asawa ko! Ang kapangyarihan lang din pala ang habol ninyo! Hayop ka, Virute!" Lumapit siya (Phaelyn) sa amang pinagtutulungan ng mga tauhan nito. Pero iyon ang malaking pagkakamali niya dahil silang mag-ama naman ang hinarap ni Virute. "Ngayon ipakita ninyong mag-ama na karapat-dapat na kayo pa ang mamumuno sa kaharian natin! Kung talagang mahal ninyo ang nasasakupan ninyo'y magbayad kayo ng mga kasalanan ninyo!" mariing wika ni Virute habang panay ang pakawala ng bubuyog bagay na nagpapahirap sa kanilang mag-ama. Sa kanilang kaharian, ang pinuno nila ang may kapangyarihan kaya't hindi maunawaan ni Phaelyn kung ayaw nitong lumaban. Ang hindi alam ng nakakarami ay hindi basta latigo ang hawak niya pero paano niya gagamitin ito samantalang hirap na siyang labanan ang mga bubuyog? Ang ama niya ang may kakayahang gawin iyon pero mukhang naguyo na rin ng kaaway niya. "Walang kasalanan ang ama ko kaya't hayaan mo siyang makaalis dito! Siya ang pinuno natin kaya't igalang mo siya, Virute! Huwag mo akong galitin!" Binalingan niya ito ng bahagya. Pero duda siyang susunod ito. Kahit ang ang mga tauhan ng ama'y nasa panig na rin ni Virute. Silang mag-ama na lamang nag magkakampi. "Anak, gawin mo kung ano ang tama. Ako ang haharap sa kanila, umalis ka na rin sa bansang ito. Iwanan mo ang Thailand anak sa Myanmar ka magtungo sa kapatid ko doon," wika ng pinuno. "Hindi! Hindi kita iiwan dito, Pinuno. Kahit sabihin pa ninyong inabandona ko ang lahi natin pero mas gusto ko pang ituwid ang pagkakamali ko at mamuhay sa piling mo kaysa ang iwanan ka sa ganyang kalagayan." Umiling-iling siya tanda lamang na salungat siya suhestiyon nito. Ang pagbubulungan ng mag-ama ay hindi nakaligtas sa grupo ni Virute. "Sige! Sige, magdamayan kayong mag-ama dahil hindi na rin kayo magtatagal sa mundo! Ako! Ako at ang grupo ko ang nararapat na maluklok sa puwesto kaysa kayong mag-ama na walang ginawa kundi ang abandunahin ang lahi natin." Humalakhak pa ito na para bang isang tunay na demonyo. Hindi na sumagot ang mag-ama pero nagkasundo silang dalawa na labanan ang mga ito. Pinagsanib nila ang kanilang puwersa. Without a warning, umatake silang mag-ama. Umabot sa ilang minuto ang salpukan ng magkabilang grupo. Kapangyarihan sa kapangyarihan, armas sa armas, kamay sa kamay. Walang gustong magpatalo. Pero anong laban ng dalawa sa isang buong grupo? Napatay man nila ang ilan dahil sa pinagsanib nilang puwersa pero hindi iyon sapat upang puksahin ang mga ito. "Hahahah! Sige ubusin ninyo ang kapangyarihan ninyo mga gunggong! Hindi n'yo alam na ito na rin ang huling araw ninyo!" Tumatawang nagpaikot-ikot si Virute sa mag-amang unti-unti na ring nanghihina. "Patayin mo na sila, Pinunong Virute! Ano pa ang hinihintay mo? Ikaw ang dapat mamuno sa amin lahat hindi ang mag-amang lapastangan na iyan!" sigaw rin ng isa sa tauhan. Kaya naman hindi na nagdalawang-isip ang ambisyusong si Virute. Kinuha ang sword sa likuran saka parang ibong lumipad patungo sa mismong harapan ng mag-ama at walang babalang pinagtataga sila ng walang kalaban-laban. Paano pa nga makakalaban ang may kapangyarihan ngunit sinaklaw iyon ni Virute? Sa madaling salita, lumaban nag mag-ama pero sa huli'y sila din ang naging biktima. Bontoc, Mt Province "Bunso, gising nananaginip ka." Niyugyog pa nga ng matanda ( GrandmaLorie) ang nanaginip na apo. Saktong mapadaan kasi siya ng narinig ang parang binabangungot kaya't hinanap niya ito, only to found out na ang apo pala niya. "Ahhhh, Lola." Napaupo siya sabay sapo sa ulo. Hindi niya mawari kung sino, ano ang ibig sabihin ng panaginip niya. Sa pamamahinga niya sa hapong iyon ay dinalaw agad siya ng masamang panaginip. "Bakit, apo ko? May masakit ba sa iyo? Tell me apo ko para madala ka namin sa pagamutan," ani Grandma Lorie. "Okay lang po ako, Lola. Maraming salamat po sa pag-aalala. Si Khemkaeng nga po pala, Lola?" Napabalikwas siya ng maalala ang anak. Pero hindi na ito nasagot ng abuela dahil ang abuelo niya ang nagsalita. "Huwag mong alalahanin ang anak mo apo ko, dahil hindi naman siya pasaway. Napalapit agad ang loob niya sa pinsan mong si Ally at Kuya Elijah mo. Kung okay ka na, I mean magready ka na rin dahil hindi magtatagal ay darating na ang mga pinsan mo. Huwag mo na munang pakaisipin ang nangyayari sa paligid. Motto ng daddy mo na maraming nangyayari sa buhay natin kaya't huwag nating sayangin ang oras dahil mahalaga ito. Maiwan ka na muna namin apo ko para makapaghanda ka na rin. Nasa malapit na daw ang mga pinsan mo sa papa Darell mo," pahayag ni Darwin saka hinagkan sa noo ang apo. Hindi na rin nakasagot si James Deen dahil lumabas na ang mga ninuno matapos siyang hagkan sa noo. Sapo ang ulo ay muling nanariwa ang nakita sa panaginip niya. Ang ina ng kaniyang anak na naiwan sa bansang Thailand. Nilalamon ito ng naglalagablab na apoy pero nang tangkain niyang abutin ang mga palad nito upang tulungan ay saka biglang naglaho. Dito rin siya nagising sa pangyugyog ng butihin niyang abuela sa balikat niya. "Diyos ko, iligtas mo po sana ang asawa ko," pipi niyang dasal. Ang tanging manalangin na lamang ang magagawa niya para sa asawa. Ilang sandali din ang pinalipas niya bago tuluyang nahamig ang sarili. Kaya't hindi na rin siya nagsayang ng oras. Inayos na niya ang sarili saka bumaba sa unang palapag ng mansion kung saan naroon ang mga tao. Ano nga ba ang nahihintay na kapalaran sa kanila? . . . . . . TBC
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD