"Patunayan mo ngayon ang galing mo, Alima," wika ng Pinuno. Nakatalikod man si White Widow subalit hindi naging sagabal iyon upang hindi maipahayag ang ninanais. Ang babaeng wala na yatang ginawa kundi ang kumpitensiyahin si Fier Yan samantalang wala naman ito sa piling nila. Hindi na nga nito magawa-gawa ang huliin ito ay napakalakas pa ang apog nito. Iyon ang mas kinaiinisan niya. "Pinuno? Hindi pa ba sapat ang mga nagawa ko upang maging magaling sa paningin mo?" maang na tanong ng dalaga. Sa unang pagkakataon ay ganoon ang sinabi nito sa kaniya. Di yata't may iba na namang napupusuan ang Pinuno nila sa HU CHING WAI. Pero hindi siya papayag na may makaagaw sa puwestong natagal din niyang pinaghirapan. Nawala na sa imahe nila ang karibal niya kaya't nakakagulat namang ganoon ang salita