CHAPTER FOUR

1511 Words
Few months later... "What? Are you sure of that James Deen anak?" maang na tanong ni Greg sa anak. Ilang buwan na simula nang dumating ito sa bansa kasama ang anak. Nakikita na rin nila ang pag-usad ng buhay nito. Hindi na kagaya noonh unang buwan na lagi iyong nalilungkot. Bihirang nakikihalubilo sa mga pinsan. At ilang araw na rin nila itong napapansin na lagi iyong nagmamasid, naglilibot sa malawak nilang lupain. Hindi mo makikita ang nasa kabilang bahagi. Gumagamit nga ito ng kabayo sa pag-iikot. Iyon pala ay may plano itong magpatayo ng iba pang gymnasium. At sa tingin niya ay hindi basta-basta gymnasium ang plano nitong ipatayo. "Yes, Daddy. Sigurado ako sa aking desisyun kaya't please po payagan mo na ako," pakiusap ni James sa ama. Siya ang bunso, siya ang nakamana sa talento mayroon ang kanilang ama. Kahit pa sabihing isa ring karate master ang Kuya Elijah nila. Subalit kahit hindi nito aminin sa kanila ay mas mahal nito ang pagluluto. Nasa cooking and pastries ang center of concentration nito. Kagaya ng panganay sa kanilang magpipinsan na siyang namamahala sa winery ng mga ninuno. Labis-labis ang kaniyang panalangin upang payagan siya ng mga magulang lalong-lalo na ang kaniyang ama. "Money is not issue here pero kapag papayagan kitang magtatag ng isa pang gymnasium parang pinayagan na rin kitang banggain ang sarili gymnasium natin. Maano ba kasing doon ka mismo magturo ng taekwondo kaysa naman magpatayo ka pa ng panibago. Mas uusad ang MGJG kapag dalawa kayo ng Kuya Elijah mong magturo sa mga mag-aaral doon," diskumpiyado pa ring wika ni Greg. 'Di yata't iba rin ang trip ng anak niya. "No, Daddy. Hindi lang taekwondo ang plano ko kundi ang arnis at paggamit ng swords. Maaaring nasa modern technology na tayo subalit buhuhayin ko po ang mga armas ng mga sinaunang panahon. Minsan maaaring gamitin ang baril pero mas akma ang mano-mano. Tama parehas lang ng mission at vision pero magkaiba ng strategies. Ang itinatag mo po ay gymnasium, Daddy. At kung papayagan mo ako ay buong kingdom ito. Hindi lang Pilipinas ang ang mahuhumaling diyan kundi buong mundo." Pangungumbinsi pa lalo ni James. Subalit para sa isang ama kahit gusto man ang nais ng anak ay hindi ganoon kadali ang hinihiling nito. Kailangang idulog muna nila sa buong pamilya ang nais nito. Tama siya ang nasa piling ng mga magulang dahil na rin sa pakiusap ng mga ito na huwag na silang magpagawa ng ibang bahay dahil sila na lamang ang nandoon. Pero pamilya sila at kailangan pa rin nilang ikunsulta sa lahat lalo at hindi basta luapin ang nais nitong gamitin. Halos sakop ng buong barangay nila ang lupaing tinutukoy nito. Kaso! "Papa! Papa! Butterfly!" matinis na boses ng batang si Khemkaeng ang bumulabog sa seryosong pag-uusap nilang mag-ama. Although hindi pa deretso ang pananalita nito ay may ilan na ring salitang nadagdag iyon nga lang ay karamihan pa sa salita nito ay Thai. Sa ilang buwan nilang mag-ama sa lupang sinilangan ay marami na itong kalaro kahit pa sabihing iba ang lengguwaheng gamit. Madalas din itong nasa mga ninuno niya kagaya ng hapon na iyon, hinahabol ito ng abuelo. "Oh, anak, saan mo nakuha iyang butterfly?" sinalubong niya ito saka tanong niya sa salitang Thai. "Hawak-hawak na niya iyan apo ng napansin ko baka diyan lang sa mga halaman ng Lola mo. Papalayain ko nga sana kasi baka mapunta sa mata niya pero ayan nag napala ko nakipaghabulan sa kanya," humihingal na sagot ng abuelo niya. Kaya naman napangiti ang binata na akmang manunukso pa sa abuelo pero naunahan siya ng anak. "Papa, look! He's saying hello to me," wika nito sa Thai na para bang napakalaking paru-paru ang hawak. "Say hi to him too anak. Where did you get it?" tanong niya. Ayaw niyang aminin pero sa tinurang iyon ng anak niya ay nagkaka-idea siya. Hindi man ito nagsalita pero itinuro ang garden ng abuela. Pero hindi nagtagal ay muli itong bumaba at ipinagpatuloy ang paglalaro kahit na mag-isa lamang. "Anong pinag-uusapan ninyong mag-ama at mukhang napakaseryo ninyong dalawa?" ilang sandali pa lamang ay tanong ni Darwin sa mag-ama. Sa tanong ng ama ay napabuntunghininga si Greg. Hindi niya matukoy kung ipagtatapat ba o mananatiling tahimik. Subalit oras na piliin niya ang pangalawang options ay maghahalo ang balat ng tinalupan sa ama. May edad na ito subalit ayaw na ayaw nitong nag-aaway-away sila. "Hey, anong nangyayari sa inyong mag-ama? May away ba kayo? Nagtatanong ako pero mukhang wala kayong balak sasagot ah. What's the matter with you?" muli nitong tanong. Hindi maipagkakamaling nababagot na rin ito sa paghihintay sa kanilang sagot. Kaya naman si James Deen na ang nagkusang sumagot bago pa uminit ng tuluyan ang ulo ng abuelo. May edad na ito kaya't iniiwasan na rin nilang galitin. Instead, they are doing their best to make him enjoy his life. "Lolo, ganito po iyon. I want to build my own kingdom here in Bontoc. Marami akong plano para sa mga magiging estudyante ko," pauna niyang sabi na agad nitong sinagot. "Pero apo may sarili na kayong gymnasium ah. Maari mo namang ituro sa kanila roon ang hindi n'yo pa naituturo," saad nito na pinaglipat-lipat ang paningin sa kanila ng ama. "Iyan na nga po ang sinasabi ko sa kaniya Daddy. Wala namang ibang magmamay-ari sa gymnasium kundi sila-sila lang din na magkakapatid," hindi na rin napigilan ni Greg ang sumabad sa mag-apo. "Da---" Sasalungatin pa sana ito ni James subalit bigla namang sumulpot ang abuela na halatang pagod na pagod at para bang may hinahanap. Kaso bago pa niya ito matanong ay naunahan na siya ng abuelo. "Oh, anong nangyayari asawa ko? Parang habol-habol mo ang iyong hininga?" tanong nito na hindi maikubli ang pagtataka. "Ay asawa ko nasaan ang apo natin? Ikaw ang lagot kapag may nang---" Subalit kung pinutol nito ang pananalita ng bunsong apo ay ang unang apo sa tuhod naman ang pumutol dito. "Lola, come here. See my butterfly. He's saying hello to everyone," sabi nito na akala mo ay nauunawaan ng abuela ang sinasabi. "Sabi niya puntahan mo raw siya 'La. Nag-hello daw ang paru-paru sa lahat." James Deen translated in their local dialect the words that his says in Thai. Dahil dito ay napangiti ang abuela at imbes na sagutin ang apo ay ang anak nito ang nilapitan. "Patingin nga ng palad mo, apo. Huwag mo nang ulitin iyon ha? Kung may gusto kang kunin sa harden magsabi ka kay Lolo o sa akin," malambing nitong wika habang ang mata ay nakatutok sa palad ng apo. Hindi sumagot ang bata porket hindi nauunawaan ang sinasabi pero para kay James ay may ibig sabihin ang abuela. Kaya naman ay lumapit na rin siya at nagtanong. "Bakit po, Lola? Ano po ang nangyari sa garden mo?" may pagtataka niyang tanong dito. Pero napapaisip kung nahawakan ng anak niya ang tinik ng rosas disin sana ay may sugat na ito o 'di naman kaya ay pumalahaw na ito ng iyak pero hindi eh dahil tuwang-tuwa pa ito. Maaaring iyon ang rason kung bakit nakipaghabulan ito sa kanilang abuelo. "Wala naman, apo. Iyang paru-paru na hawak niya ay pilit niyang inabot sa rosas kaya't tinitingnan ko ang palad niya baka kako ay napaano na siya. Pero himala eh walang-wala naman itong galos samantalang halos malanta na ang halaman." Napatitig siya sa apo. Nais niya sana itong tanungin kung bakit nalanta ang mga halamang hinahawakan ng apo. Kaso ang may edad niyang asawa ay nagawa pang bumanat. "Hayaan mo na, asawa ko. Marami pa namang rosas diyan sa garden mo. Kung gusto mo ay sasamahan pa kita sa panananim. At mas huwag kang mag-alala dahil ikaw an pinakamagandang rosas sa buong mundo. Wala ng iba. Let Khemkaeng enjoy his innocence." Kumindat pa nga ito sa kaniya. Dahil sa banat nito ay napaubo ang mag-ama. Subalit wala pa man nakapagsalitang muli sa kanila ay dumating si Magdalene na may dala-dalalng meryenda kaya't dito naman natuon ang atensiyon nila. Sinalubong pa nga ito ni JD at tinulungan ito sa mga hawak-hawak. Saka na lamang niya nilapitan ang anak upang magmeryenda ito nang masiguradong nailapag na ng maayos ang dala- dala ng ina. And as usual nagpatuloy sila sa meryenda na matiwasay. Para bang hindi sila nagkita-kita, magkakasama araw-araw. Pero sa isipan ng butihing matanda ay may nakatagong sekreto sa pagkatao ng apo nila sa tuhod. Kagaya ni James Deen ay naisip niyang saka na lang niya kakausapin ang kaniyang ama dahil naudlot na ito. Wala naman sanang problema kahit nandoon ang dalawang Ginang subalit ayaw nilang mag-alala sila. At umaasa siyang makakamit na niya ang blessings nito sa susunod na kausapin niya ito. At alam din niyang papayag ang iba pang miyembro ng kanilang pamilya sa nais niya lalo at nasimulan na niyang sabihin ang plano. Sila ang pamilya na sinupurtahan nila ang bawat isa sa kani-kanilang layunin sa buhay. Ang kanilang rason ay walang ibang magdadamayan kundi sila lamang din. Masuwerte nga silang magpipinsan, magkakapatid, dahil kahit hindi sila nakatira sa iisang bubong ay nagdadamayan at nagtutulungan sila sa lahat ng bagay. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD