Sa ilang araw na pagmumuni-muni ni Fier Yan at kagustuhang malaman kung saan makita ang young master ay napagdesisyunan niyang magbakasakaling bumalik at magtanong sa Chiang Mae kung may alam ang mga ito sa kinaroroonan ng binata. Hindi nga siya nagkamali dahil nadatnan niya ang butihing Ginang. Mainit siya nitong pinapasok. Kung paano siya tinanggap noong galing siya sa HU CHING WAI ay ganoon din siya pinakiharapan sa kasalukuyan. "Welcome back to Chiang Mae, Iha. Halika pasok ka," masayang wika ni Aanakan kasabay nang pagsalubong niya sa dalagang mahigit isang taon ding hindi nila nakita. Mahigit isang taon mula nang nakilala nila ito. "Thank you po. Kumusta po kayo rito?" sagot at balik-tanong ng dalaga. "Okay lang, Iha. Simula noong naging malaya ang Chiang Mae mula sa Grand Palace