The grand opening of THE KINGDOM OF THE NORTH and the birthday celebration of the young master went on successfully. Walang mayaman, walang mahirap dahil halos lahat ng taga Mt Province lalo na sa Bontoc ay dumalo sa naturang pagtitipon. May mga ilang taga karatig-bayan ding panauhin ng buong pamilya pero ganoon din na walang naiiba. Kung paano tinanggap ng pamilya ang mga may kaya sa buhay ganoon din ang mga mahihirap. Sabi nga ng buong pamilya, sa kanilang angkan walang mahirap, walang mayaman. Pare-parehas lang na alipin ng Diyos. Kahit nga ang ilan sa Thai na dumalo ay nakihalubilo sa mga ibang bisita sa normal na paraan. And finally! Ilang araw na paghahanda, maghapon na okasyon ay natapos din. Gabi na ng nagsiuwian ang mga bisita, hindi nga lang umalis ang mga taga mismong lugar