"Aba'y ano ba ang nangyayari sa apo ko, Greg? Kung kailan malapit nang magbukas ang KOTN ay saka naman siya nagkakaganyan. Inaway mo na siya?" tanong ni Lolo Darwin sa anak. "Po? Anong kinalaman ko sa pagkakaganyan niya? Sa katunayan ay nababahala rin po ako. Kung naaalala mo noong isang gabi na sabi mo ay nakita mo kaming mag-asawa na sumugod sa kuwarto niya? Simula po ng araw na iyon ay ganyan na siya. Kapag tinatanong naman namin ng asawa ko ay wala po lamang ang isinagot niya," pahayag nito. "Hmmmm, mukhang may gumagambala sa kaniya, anak. Kilala na natin siya at hindi siya magkakaganyan na walang dahilan. Nag-aalala lamang ako dahil baka ang napag-usapan namin dati ang rason niya." Napatingin ang matanda sa kinaroroonan ng apo niyang si JD. Ilang oras na itong nagsasanay. Kung hind