One year and Six months later... Mahigit isang taon na Rin ang nakalipas simula noong lumabas siya sa HU CHING WAI. Ganoon na rin siya katagal na namumuhay ng simple, walang p*****n at walang gulo. Dito niya tinimbang ang sarili kung ano nga ba ang gusto niyang gawin sa buhay. Wala siyang planong maging kriminal habang buhay. Mahigit isang taon na rin siya sa bansang Malaysia kung saan siya napadpad noong umalis siya sa Chiang Mae. "Kumusta na kaya ang mag-ama? Hindi ko akalaing sa ilang araw naming pagsasama sa Chiang Mae ay nabihag na niya ang puso ko. Pero saan ko siya makikita samantalang mas nauna pa silang umalis kaysa sa akin?" bulong niya habang naka-upo sa balkonahe ng kubong tinitirhan niya. "Mali ang tanong mo, aber. Dapat malaya pa kaya siya? Silang mag-ama pa kaya ang namum