Kung gaano ang paghahanda ng mga taga Chiang Mae para sa laban ay ganoon din ang Grand Palace. Umaga pa lang ay nakahanda na ang mga kakailanganin nila lalo na ang player na si Tanaka. Sa mismong gymnasium ng Grand Palace, unti-unti ng dumarating ang mga tao upang saksihan ang napakahalagang araw para sa Chiang Mae dahil para kay Sumati matalo man o manalo ang player niya ay walang problema dahil pinanindigan lang ang salita sa pinuno ng Chiang Mae na dati rin nitong kaibigan. Ang namayapang si Pinunong Guru ay kaibigan niya at siya rin ang tumulong dati upang ito ang hiranging pinuno. Namatay nga lamang ito dahil sa tauhan nitong nagrebelde. "Taekwondo master ka lang at hinding-hindi ako papayag na ikaw ang aagaw sa truno ko bilang undefeated sword master," sabi ni Tanaka nang ipaalam di