"Let me in please." Mga katagang binitawan ni Fier Yan nang nakalapit siya sa pinakaunang bahay na mula sa ilog na nilangoy niya. Hindi niya ugali ang yumukod sa ibang tao pero alam niyang kailangan niyang gawin iyon upang maitago pansamantala ang sarili. Kayang-kaya niyang labanan ang mga sumusunod sa kaniya pero hindi rin naman kaya ng isipan niyang madadamay ang mga taong walang kinalaman. Kaso wala naman siya sa sarili nilang pamamahay ay natigilan si JD. Kung nagkataon lamang siguro na nasa Bontoc sila ay baka mag-unahan pa silang magkakapamilya na papasukin ito. Ngunit hindi nalingid sa may-ari ng bahay na natigilan siya kaya't nagtanong ito. "Who is she?" tanong ni Elder Decha. Hindi nalingid sa kaniya na natigilan ito. Ito naman kasi ang nagbukas sa pinto. Dahil ito ang nasa ta