In the other side od the palace! Sa paghahanap ni Fier Yan sa asawa au hindi niya namalayang nasa labas na pala siya ng palasyo. At sa patuloy niyang pag-atras ay hindi na niya napansin na maaari niyang makabanggaan. Nagkabanggaan sila ng taong nais niyang patayin! Ang Pinuno ng HU CHING WAI. Si White Widow. Kaso! Marahil sa gulat nito sa pagbanggan nila ay ipinalo nito ang baston. At dahil dito ay tumilapon siya at hindi agad nakakilos. Hindi pa ito nakuntento, nilapitan pa siya nito. Ipinatong ang mahiwagang baston sa leeg niya. "Sayang ka, Fier Yan. Sayang ka. Kung hindi mo lang sana pinanaig ang puso mo ay hindi tayo aabot sa puntong ganito," patuya nitong wika. Kulang na lamang ay utusan ang mahiwagang baston upang patayin siya. "Wala akong balak maging mamatay tao habang-buhay!