Dahil sa pagpalahaw bigla ni Khemkaeng ay nabulabog silang lahat. Pinauwi pa ni Lolo Darwin ang panganay na apo baka sakaling ito ang makapagpapatahan dito pero wala pa rin. Pinauwi ang apong nasa duty na si Gerson Melvin upang check ang kalusugan nito pero ganoon pa rin normal ang lahat. Kaya't mas nabahala sila dahil wala silang makitang mali. "Lolo, ano kaya kung ang mga coaches sa KOTN ang ipatawag mo? Kako baka sakaling sila ang makapagpatahan kay baby. Aba'y ako ang nahihirapan sa hitsura niya oh." Aligagang suhistiyon ni Allejandro Amor. "Just prepare the car, Iho. Tayo na ang pupunta roon," mabilis ding sagot ng matanda. "Okay po, Lolo. Nakakaawa na ang batang ito. Kung gaano kalakas makipagkulitan sa naughty ladies sa gymnasium, ngayon ganoon din kalakas sa pag-iyak," tugon ni