"T-tulungan n'yo ang bunso ninyo. Nasa loob pa siya," nautal na utos ni Tata Dawun sa dalawa. Dahil na rin sa pahirap na natamo mula sa mga taga Grand Palace. Sa pamumuno at utos ni Sumati ay nadakip at naging bihag sila. Idagdag pa ang pagpapahirap sa kanila. Wala naman silang ibang ninanais kundi ang mamuhay ng maayos. Kaya nga sila tumakas sa HU CHING WAI dahil gusto rin nilang maranasan ang normal na buhay. Ngunit bakit ganoon? Nakaakibat pa rin ang kahariang pinakaiiwasan nila. "Pero wala kaming armas, Papa? Paano kami makikipaglaban? Normal na kaming tao," ani Veera. "Magagamit n'yo ang kaalaman ninyo sa pagsasanay mula sa HU CHING WAI. Patay na si Sumati pero patuloy ang labanan. Isa lamang ang ibig sabihin niyan. Lumusob na rin ang isa pang demonyo. Kaya't iligtas ninyo ang buns