KINGDOM OF THE NORTH Gaya ng nakagawian! Gigising ng maaga upang mag-jogging silang lahat kasama ang mga studyante nila. Pagkatapos ay mag-almusal bago magsipaghanda sa kanilang bagong leksyon at pagsasanay. At dahil hindi pa naman niya oras para magturo sa mga ito ay sa west part siya dumiretso at doon nagsanay habang hinihintay ang scheduled time niya para sa mga mag-aaral. "I'm happy to be your partner, master. Matagal ko na rin itong inalagaan sa puso ko. Ang pag-ibig kong ito ay tanging para sa iyo pero hindi pa lubos ang kasiyahan ko dahil may inlilihim pa ako sa iyo. Sana mapatawad at natanggap mo pa ako oras na malaman mo na isa akong assassin," bulong niya nang sa wakas ay nakaramdam siya ng pagod at naupo sa well trimmed bermuda. Bago pa man magtapat ang nobyo niya sa kanya a