"Sino kayo? Bakit n'yo kami dinakip?" tanong ni Tata Dawun ng sa wakas ay huminto ang sasakyan ng mga lalaking kumuha sa kanila sa bus. Ang maganda nga lang ay walang sinaktan ang mga ito. Sila ang sadya nila kaya't sila lang din ang kinuha. "Sa tingin ko tanda ay nadamay ka lang dahil kasama mo ang kailangan ni Boss. Sa dalawang kasama mo may kailangan ang Boss namin kaya't manahimik ka na lang diyan," tugon ng driver. Dahil dito ay napaangat nang paningin sina Thaksin at Veera. Pero bago may makapagsalita sa kanila ay pinalabas na sila sa sasakyan. Kaso napamura sila nang napagtantong nasa Grand Palace sila. Ang teritoryo ni Sumati. "Sh*t! Bro, hindi ba't Grand Palace ito?" napamura pasimpleng tanong ng una kay Veera. "Anong ginagawa natin--sh*t baka mga tauhan sila ni Sumati!" gant