Dahil sa panaginip niya na ilang ulit nang dumadalaw sa kaniya at idagdag pa ang imahinasyon niya habang nakatitig sa anak ay tuluyan na siyang hindi nakatulog. Lumipat na lamang siya sa sofa at doon nagtambay hanggang sa nagsimulang nagpakita ang liwanag. At sa pagmumuni-muni niya habang nakaupo sa sofa ay muli niyang naalala ang pagtataboy sa kaniya ng asawa upang umuwi sa bansa. Ang kabilin-bilinan nitong huwag na silang babalik ng Thailand. Pero heto siya ngayon umiibig na naman sa kalahi nito. "Pero paano kung buhay nga si Phaelyn? Paano siya? Kahit naman mahal na mahal ko si Fier Yan kung buhay ang asawa ko ay hindi rin kami puweding magsama. Unless na may mag-give up sa kanilang dalawa. My God! Have I gone mad? What shall I do now? Kung bakit kasi nangyayari ang ganito," bulong niy