Irish POV It’s been two days and hindi pa din si Matt nagigising. Doctor already assured us na okay na si Matt. We just have to wait na magising siya, pero sa loob ng tatlong araw, 2 araw kaming naghintay para siya magising. Pinuntahan ko nanaman siya sa ospital, ang mga kasamahan ko din nabigla sa nangyari kay Matt. Pagkapasok ko sa loob, ngumiti kaagad si Mrs. Montecillo. Napakabait niya sakin, kahit ang ama niya. Nahihiya na nga ako ngunit, di ko magawang hindi magpakita lalo at palagi nila akong sinasabihan ng kung ano para lang makita kinabukasan. Inilapag ko sa mesa ang mga prutas na nabili ko. Nasabi ko din kay Nanay na di muna ako makakauwi. Naiintindihan naman niya ngunit di niya alam na nagkabalikan na kami ni Matt. Napangiti akong makita na mejo mahaba haba na ang balbas niya