Chyrll's point of view Sa ipinapakita ni Master ay para siyang nagseselos. Malaki din ang kanyang topak dahil bakit siya magseselos kay Dok eh wala naman kami at may asawa siyang tao. Pagdating namin sa kanyang bahay ay masama ang tingin sa akin ni Balakubak. Bahala sila kung ano ang kanilang iisipin dahil anong magagawa ko kung ang aming amo ang mapilit at siya ang may gusto na buhatin ako. Kung ako lang ang papipiliin ay mas gusto kong sa baba nalang muna tapos lumayo na muna ako sa aking amo dahil kahit ayaw niyang aminin ay alam kong sinadya niya na halikan ako sa sasakyan. Hindi naman ako tanga para hindi mahalata na may pagnanasa nga siya sa akin. Kaya ko pa naman magtiis, wala pa akong isang linggo sa bahay nila at hindi pa ako nakakasahod. Kung uuwi ako at ipabalik ng amo ko ang