Dox's na hindi mapagbigyan point of view Napahinga ako ng malalim pagkalabas sa kwarto ni Ban. Naantig ang aking puso ng masinsinang kinausap ako tungkol sa panlalandi ko sa kanya. I respect her so much kung hindi ay siguradong inangkin ko na siya noong inihatid niya ako sa aking kwarto at nakainum ako ng alak. Lagi niyang pinapaalala na may asawa ako. Nagtataksil man ang aking asawa at kahit paulit-ulit niya itong ginagawa ay asawa ko parin siya hanggang sa hindi mapawalang bisa ang aming kasal. Kung patuloy kong nilalandi si Ban at mapunta sa mainit na tagpo ay wala din kaming pinagka-iba ng aking asawa. Pumunta na ako sa aking kwarto at umupo na kaharap ang aking laptop. Binuksan ko ito at ilang saglit lang at nagpakita ang maraming email ng aking tauhan na nagbabantay kay Rona. Hind