Dox's point of view Nakaisip ako ng paraan para makaranas ng TLC kay aling maliit pero hindi siya kumagat. Kahit patayuan ko siya ng paaralan ay ayaw parin niya. Dumating ang doctor at napatingin ako sa dextrose ubos na ito. "Kumusta Ms. Flores?" tanong ng doctor kay Ban. Mabuti pa ang doctor na ito at matamis niyang nginitian. Minsan lang siya ngumiti akin noong interview lang niya. "Okay naman po ang pakiramdam ko dok pero kaninang naglakad kami ay medyo sumakit ang likod ko." Sagot niya na nakangiti. "May konting fractured kasi ang likod mo kaya ganun, hinay-hinay ang pagkakad. Huwag ka na munang umakyat ng hagdan ng kahit tatlong araw at huwag na huwag kang magbuhat ng mabibigat. Kung pwede lang ay iwasan mo muna ang pag bend ng iyong likod. After a week sigurado ay okay ka na."