Chyrll's point of view
Habang kausap ko si Master ay bumaba ang dalawang batang kamukha ni Master hindi naman sila Identical, kung tutuusin yung isa kamukha ko noong bata ako. Napangiti tuloy ako dahil kahit pala hindi mo kamag-anak at kadugo ay pwedeng maging kamukha.
Bumati sila sa kanilang ama at narinig kong sinabi ng kamukha ko noong bata ako na little witch daw ako. Akala ko pa man din ay mabait sila dahil malambing silang bumati sa kanilang ama.
Hind ko napigilan ang aking sarili na sumabat sa kanilang usapan. Ilang saglit ay iniwan ako ni Master sa dalawa niyang anak.
"Ayaw namin saiyo, you look dirty."
"Yeah, dirty and yucky!" Segunda ng isa, imbis na magalit ako ay naka cutetan ako sa kanilang pag mumukha.
"Mamaya maliligo na ako pero pahiram ng suklay ninyo." Nakangiting sagot ko.
"Excuse me, hindi namin pinapahiram ang mga personal belongings namin, and like what I have said I don't like you, dirty woman!" Sabi ulit ng kamukha ko.
"Wala kayong magagawa dahil I am hired, kung gusto ninyo bayaran ninyo ako ng dalawang taon at aalis na ako ngayon din." Medyo natatawang sabi ko.
"Hello, bakit ka namin babayaran eh hindi ka nag work? At hindi namin kailangan ang Yaya dahil kaya naming maligo at kumain mag-isa. We are also smart so we don't need you."
" Sige nga kung matalino kayo, spell ninyo ang pangalan ko. Kung tama kayo ay aalis na ako ngayon din."
"Okay deal, what is your name?"
Sinabi ko ang aking pangalan at hinayaan ko sila ng ilang minuto na nag-isip.
"We should have a twice of chance dahil dalawa kami." Sabi ng isa na mautak din.
"Sure! Pero tandaan ninyo kapag hindi ninyo na spell ang pangalan ko ng tama ay dapat nakinig kayo sa akin kundi maging witch na talaga ako at gagawin ko kayong snow white." Pananakot ko.
"Haller, that is just a story."
"Sigurado ka?" Tanong ko.
"Yes, I am very sure." Sagot ng kamukha ko. Sinabi kanina ang kanilang mga pangalan pero nakalimutan ko pero sure umpisa ng mad ang mga pangalan nila.
"Sige na kung saan-saan napunta ang usapan natin sagutin na ninyo ang tanong ko."
"Madeline, you first" Sabi ng isa kaya Madeline pala ang pangalan ng kamukha ko noong bata ako.
"Your name spelled S-h-e-r-y-l, Sheryl. Tama ako? Tanong nito agad.
"Sagutin ko yan pagkatapos ng kambal mo." Sagot ko.
"Okay, Madison your turn." Sabi niya kaya napangiti ako matatandaan ko na ang kanilang mga pangalan.
"C-h-e-r-y-l-l, Cheryl." Sagot at ang mga bulonggit nagyakapan pa talaga.
"Pareho kayong mali." Sagot ko na kinuha ang aking resume mula sa aking bag.
"How possible?" Sabay sambit ng dalawa at napangiti ako ang cu cute talaga ng mga aalagaan ko.
"Look at my resume." Pag eenglish ko na rin at pinabasa sa kanila.
"Ngayon, mali kayo kaya dapat lagi kayong makinig sa akin. Nabalitaan ko na bully kayo, Kaya kung anong gawin ninyo sa akin ay gawin ko din sa inyo para alam ninyo ang pakiramdam ng ma bully." Seryosong sabi ko at kinuha sa mga kamay ni ang resume ko.
Ang masusungit na mga bata ay tahimik at nagbubulungan.
"Fine, as a Yaya you have to do your job. Kaya buhatin mo na kami papapunta sa kusina dahil gutom na kami."
"Excuse you, hindi pa ngayon ang umpisa ng trabaho ko sabi ng Daddy ninyo bukas pa ang umpisa ko at bakit ko kayo bubuhatin? May mga paa naman kayo?" Masungit din na sagot ko.
"Yaya, ka hindi ba? Kaya kailangan na gawin mo ang trabaho mo and besides masakit ang paa ko." Sagot ni Madeline.
"Eh anong paki ko kung masakit ang paa mo, sabihin mo sa kasambahay ninyo na tumawag siya ng doctor dahil bukas pa ang trabaho ko. Kung hindi ka maka lakad e di gumapang ka. Ang lapit ng mesa oh." Sabi ko sabay turo sa mesa nila.
Sabay sumimangot ang dalawa.
"You're useless." Bulaslas ni Madison.
"Syempre useless ako ngayon dahil off ko. Naku huwag na huwag kayong magpapabuhat sa akin at ibabalibag ko kayo." Pananakot ko, kanina naman bumaba sila sa hagdanan na hindi pilay. Itong mga bata na ito, utakan pa ako.
"Once you hurt us, we gonna tell to our Dad and he will call a police officer!"
"Hindi ko kayo sasaktan, gaya nga ng sabi ko. Kung anong gagawin ninyo sa akin ay gagawin ko din sa inyo."
"Why you say na ibabalibag mo kami?" Sambit ni Madeline na nakataas pa ang kilay.
"Sa kama ko naman kayo ibabalibag paano kayo masasaktan aber?"
Nagkatinginan sila at nagbulungan ulit.
"We still don't like you."
"Kung ayaw ninyo sa akin mas ayaw ko sa inyo. Pumunta lang ako dito para magtrabaho. At sa ayaw at gusto ninyo ako ang maging Yaya ninyo. Nasaan na ba na Ateng at gusto ko nang pumasok sa kwarto ko para matulog." Sabi ko at lumaki ang kanilang mga mata.
"Ahhh Dadddyyyyyy!" Sabay na iyak ng dalawa at napasalubong ang kilay ko.
Patakbong may mga lumapit na kasambahay.
"Bakit kayo umiiyak?" Tanong ni Ate na kausap ni Master kanina.
"Ayaw namin sa kanya." Sabay sambit nila.
"Sabihin ninyo sa Daddy ninyo para humanap ng iba." Sagot niya, nagsalubong ulit ang aking kilay. Spoiled din sila sa mga kasambahay.
"Ate saan ang kwarto ko para makapagpahinga na ako?" Tanong ko, pinahalata ko na hindi ako bothered sa mga pinagsasabi nila. Bahala sila kung ayaw nila sa akin. Hanggat hindi ko maririnig yung salitang your fired galing kay Master ay dito lang ako. Sayang din ang trenta mill kada buwan.
"Umiiyak ang mga magiging alaga mo." Sabi ni Ate.
"Wala naman silang luha Ate, kulang pa sila ng ensayo sa acting. Bukas pa naman daw ang trabaho ko, inaantok na po kasi talaga ako." Sabi ko na napatingin sa dalawa at masama na ang tingin sa akin.
"Dalhin ko na muna sila mesa para makakain ng agahan." Sabi niya.
"Hindi ba sila marunong maglakad? kasasabi lang nila kanina na hindi nila kailangan ng Yaya dahil kaya na nila ang kanilang sarili. Kayong dalawa ah, hindi maganda ang nagsisinungaling mamaya titirik ang mga mata ninyo kaiirap sa akin. " Seryosong sabi ko at nakatinginan sila sabay hinawakan ang kanilang mga mata.
"Kilala ba ninyo si Nanny Macphee?" Tanong ko sa dalawa sabay umiling at laging hinahaplos ang kanilang mga mata.
"Sabi niya, When you need me but do not want me, then I must stay. When you want me but no longer need me, then I have to go. Ang sa akin naman, Naghihirap ang buhay ko then I must stay." Sabi ko at tumawa na si Ate. Habang ang dalawa ay padabog na pumunta sa hapag kainan.
"Sana magtagal ka Ineng, ano naman ang pangalan mo?" Tanong niya at inakay ako paakyat sa hagdanan.
"Chyrll po Ate, bakit paakyat tayo?" Nagtatakang tanong ko.
"Ang kwarto mo ay katabi lang ng kwarto nila. Ako naman si Perlita. Dating kasambahay ako ng mga magulang ni Sir. Noong dumating ang mga bata ay kinuha ako para bantayan ang mga ito pero matanda na ako kaya kailangan ang magbantay sa kanila ay alerto at maliksi.
"Ako na yon Ate, kahit maghabulan pa kami araw-araw. Asan pala ang Mommy nila?"
"Laging wala si Ma'am Rona, marami kasing negosyo si Sir kaya nagtutulungan sila." Sagot niya at binuksan ang isang kwarto.
Nagulat ako dahil parang sa napapanuod na na hotel ang aking mahihigaan. May mga galit na din ako na mukha bago pa.
"Pwede ko bang gamitin ang mga ito Ate?" Tanong ko sa suklay at may mga lotion pa.
"Oo, kada buwan lahat tayo ay may free personal hygiene na gamit. Galing sa negosyo ni Sir." Sagot niya.
Pumunta ako sa banyo at kumpleto na rin. Parang gusto ko tuloy na sampulan ang bath tub para maranasan man lang.
"Ang ganda naman dito Ate, kailan po ang pananghalian?" Tanong ko pa.
"May cook tayo, eleven thirty ang lunch at 7 pm ang dinner nila. Tayo basta makaluto ang cook ay pwede na tayong kumain. Parang buffet na kumuha ka nalang. Marunong nang kumain mag-isa ang dalawa kaya hindi ka na kailangan kapag kumakain na sila.
"Anong gagawin ko Ate kapag kumakain sila?"
"Sa sala ka lang, hintayin mo pag tinawag ka. Kung ako saiyo mas maganda na mauna kang kumain dahil makulit ang mga yan."
"Sige Ate, tandaan ko." Sabi ko at iniwan na niya ako.
Inilabas ko ang aking mga gamit, inilagay ko sa lagayan ng aking damit. Konti lang ang gamit ko, baka yung natirang two thousand ay pambili ko na muna ng damit ko na ukay ukay. Apat na matinong panty at dalawang bra lang ang dala ko.
Kumuha na ako ng aking pamalit at makaligo na muna. Alam ko naman kung paano gamitin ang tub dahil nanunuod naman ako ng mga palabas.
Ilang saglit ay puno na ang tubig kaya naghubad na ako. Pagkatapos ay lumublub na ako sa tub at napangiti " Hay this is life!" Sambit ko dahil parang narerelax ang aking katawan.
Pagkalipas ng ilang minuto ay inalis ko na ang tubig at tuluyan nang naligo dahil inaantok na talaga ako.
Pagkatapos kong naligo ay tinuyo ko na ang aking buhok at sinuklay. Naginhawaan pa ang buhok ko na nasuklay.
Sinubukan ko na rin ang mga pampahid sa katawan, napa amoy ako sa aking braso dahil ang bango ng lotion. Kung kada buwan ay may ganito kami ay titipirin ko ang isang botelya para ipadala ko kay Nanay.
Nagsuot lang ako ng panty at sando dahil matutulog naman ako. Bukas ang mga bintana, hinila ko ang kurtina para pumasok ang hangin. May ceiling fan at aircon sa kwarto. Hindi naman mainit kaya okay na ako sa hangin na pumapasok.
Pahiga na sana ako ng may kumatok baka si Ate Perlita kaya agad kong binuksan ang pinto.
Nagsalubong ang aking kilay dahil si Master. Ang tangkad niya kaya napatingala ang aking ulo.
"Bakit Master?" agad na tanong ko.
Tumikhim na muna siya bago nagsalita.
"Umiyak daw ang dalawang bata? Tanong niya na may CCTV naman sa kanilang bahay. Mahirap man ako pero hindi ako tanga.
"Nagsabi Master?" Tanong ko na sinalubong ang mga mata niya pero ang mga mata niya ay tumagos na parang iba ang tinitignan dahil nakayuko siya.
"Sabi ni Merlinda, isang kasambahay." Sabi niya at sunod-sunod ang kanyang paglunok at nakatingin na sa bintana.
"Hindi naman sila umiyak Master dahil wala silang luha , tignan mo kaya sa CCTV mo?" Utos ko.
"Inuutusan mo ba ako?" Seryosong tanong niya na hindi nakatingin sa akin.
"Hindi naman Master, sinasabi ko lang. Master pwede na ba akong matulog? Mamaya kasi kainan na, hindi ba sinabi ninyo na bukas pa ang trabaho ko?"
Parang narinig ko ang pagmura niya pero binalewala ko lang dahil ang utak ko ay patulog na sa sobrang pagod, puyat at busog ko kanina.
"Bukas ka pa mag umpisa kaya bukas pa ang libreng pagkain mo."
Nagulat ako sa kanyang sinabi.
"Naku Master, bakit hindi naman ninyo sinabi agad e di sana kumuha ako ng mga pagkain sa mesa Kanina!" Bulaslas ko at alam ko nang wala na ang mga pagkain sa mesa dahil nakaligpit na sila.
Parang napansin ko ang pag ngiti niya pero binawi din agad.
"Pwedeng kainin ko na lang ang mga tira ninyo?" Nahihiyang tanong ko.
"Hindi kami nagtitira ng pagkain." Sagot niya.
"O sige Master, busog pa man din ako. Paggising ko ay lalabas nalang ako na bibili ng kainin ko para sa hapunan." Sagot ko na medyo malungkot dahil mababanawasan ang pambili ko ng damit.
"Naniwala ka naman na hindi kita pakainin?"
"Malay ko Master, tama naman kayo na bukas pa ang umpisa ng trabaho ko. Swerte nga ako at may kwarto na ako ngayon." Sagot ko na napahilot sa aking batok dahil nakatingala na ako ng matagal. Napatingin siya sa kilikili ko, mabuti at malinis ang aking kilikili.
Parang may narinig na mura ako ulit.
"Paggising mo, you can eat anything na available sa kitchen. Matulog ka na baka may itatangkad kapa." Sabi niya at iniwan na ako.
"Salamat Master!" Malakas na sigaw ko at lumabas sa aking kwarto.
"God*mn it! Stay in your room naka panty kalang!" Sigaw niya at napangiwi ako. Sabay mabilis na isinara ang pintuan. "Hala, naka panty lang pala ako." Sambit ko at napatingin sa dede ko na lumalabas na ang u***g dahil luma na at mababa ang neckline.
Si Master naman, hindi man lang sinabi. Mukha tuloy akong underage a borlesk queen.