Chapter 8

2369 Words
Dox's point of view Hindi ko pa natapos ang aking trabaho ng magsumbong ang aking isang kasambahay na pinaiyak daw ng bago nilang Yaya ang aking mga anak. Anak kong pinanuod kong anong nangyari at napailing na lang ako. Una kong pinuntahan ang bagong yaya, I just want to hear what she will say. Nakailang katok ako bago niya binuksan ang pintuan. Pagbukas niya ay at natigilan ako dahil halos kita ko na ang lahat. Maliit man siya pero bilugan ang kanyang katawan at sobrang kinis pa. Nawala ako tuloy sa focus kaya kung ano-ano nalang ang sinabi ko. Umalis na ako at sinigawan siya na huwag lumabas sa kanyang kwarto dahil nakapanty lang. Nakatutuwa siya, pranka at madaldal gaya ng aking mga anak kaya sigurado kong mag banggaan ang mga ito. Ang mga anak ko pa man din na hindi magpapatalo. Inaamin ko na minsan napapaikot na ako ng aking mga anak, pero halos buong araw ko na silang hindi nakikita tapos sa konting oras ko sa kanila ay pagagalitan ko pa ba sila? Bumaba ako at at nadatnan kong nagbubulungan ang dalawa. Nang nakita ko ay bigla nalang silang napaiyak. Napailing nalang akong sinakyan ang kalolokohan nila. "Bakit umiiyak ang magagandang prinsesa ko?" Tanong ko na lumapit sa kanila at napahinga ng malalim dahil hindi nila naubos ang kanilang pagkain. Marami pa silang kalat sa mesa, ang mga ulam na ayaw nila ay basta nalang itinapon. "Ayaw namin sa aming bagong yaya Daddy, she is annoying and witch." "Yes Dad, she might be a thief like our previous Yaya's." Segunda ng isa. "Okay, we will give her 2 months para makita natin kung fit ba siyang maging Nanny ninyo." "Two months! Daddy ang tagal naman pwedeng two days?" Reklamo ni Madeline. "Bayad na kasi ang dalawang buwan niya mga anak kaya lugi naman ako kung hindi niya pagtrabauhan." Sagot ko nalang dahil sigurado ako na kukulitin ako ng dalawa. "Dad, bawiin mo." Sabat ni Madison. "I can't dahil naipadala na niya sa kanyang mga magulang kanina." Sabay pang nagsimangot ang dalawa na parang umikot yata ang mga mata. "Mga anak bakit ang dami naman na natapon na pagkain?" Tanong ko sa dalawa para maiba ang usapan. "Daddy I don't like onions and carrots in my rice." "I don't like this broccoli also Daddy." Sagot nila at napahinga ako ng malalim. "Bakit pati kanin natapon?" "Kasi nadikit ang onions sa rice." Sagot ni Madeline at napahilot ako sa aking sintido. Ganito din ako noong bata ako at ngayon ay ramdam ko na ang nadarama ng aking Ina noong nabubuhay pa siya. Laging pinupuna ang mga pagkain na hindi ko kinakain. Nagkamulat na ako na may kaya kami at spoiled ako kay Daddy lalo na at nag-iisa akong anak. "But onions and broccoli are very healthy. Hindi maganda na pili lang ang kinakain ninyo. You have to eat a variety of fruits and vegetables para mas malusog kayong dalawa." "Daddy kayo nga meat lang kinakain ninyo and little salad. Healthy naman kayo at ang tangkad pa ninyo." Sagot ni Madeline. Natahimik tuloy ako at hindi na nakasagot pa. Pasaway man akong anak noon pero hindi tulad ng dalawang ito na ang galing mangatwiran. "Can you please clean up then?" Utos ko sa dalawa dahil limang taon na sila. Kailangan na kahit sa paglilinis man lang ng kalat nila ay kanilang magawa. "Daddy kaya nga tayo may kasambahay para may maglinis sa ating kalat. We are paying them Daddy sayang naman ang pinambayad natin kung hindi nila gawin ang kanilang trabaho." Sagot ulit ni Madeline na nakuha yata ang aking katamaran noong bata ako. Napahinga ako ulit ng malalim, ako noon tinatakbuhan ko lang si Mommy kung utusan akong pulutin ang tissue na ginamit ko at basta itapon nalang sa sahig. Itong mga anak ko ay hindi nga nila ako takbuhan pero marami pa silang patalastas at ang hirap magpaliwanag. "Yes we are paying them pero kung kaya naman natin gawin ay gawin na natin. Hindi lahat ay iasa natin sa kanila, kailangan din nating matuto. Hindi ba kaya na ninyong maligo mag-isa? and I am so proud of that. Kung kaya ninyong maligo mag-isa ay kaya din ninyong linisin ang mga kalat ninyo sa mesa o better kumain kayo ng walang kalat para walang lilinasan." Pagpapaliwanag ko sa dalawa kong anak na habang nagsasalita ako ay alam kong nag-iisip na sila ng kanilang alibi. "Daddy, I am so sorry pero hindi ko kayang linisan ito." "Me too Daddy, I am so Sorry and we love please don't get mad." Segunda ni Madison sabay iniwan na nila ako sa hapag kainan at magkahawak pa sila ng kamay papunta sa kanilang playroom. Paano ako magagalit kung inunahan na akong huwag daw ako magalit. "What the F*ck!" Kailangan na umuwi ang kanilang Ina para siya ang mag-alaga at dumisiplina sa aming kambal. Baka kulang lang sila ng pag-aaruga. Lumapit na ang isang kasambahay at napatingin ako sa kanya. "Pasensiya ka na sa kalat ng dalawa." "Okay lang Sir, trabaho ko naman ito at sanay na ako sa pagiging makalat ng kambal." Sagot niya at napailing nalang akong umalis na din sa hapagkainan. Pumunta ako sa sala at tinawagan ang kanilang Ina. Nakailang tawag na ako at tsaka lang niya sinagot. Rona: Helloooo Sagot niya na parang bagong gising lang, pasado ala-una na. Me: Umuwi ka na Rona. Maiksing sabi ko na pinipigilan magalit dahil ngayon ay may parang kumikiliti sa kanya. Rona: Sweetheart, next week pa ako uuwi. Ang boses naman niya ngayon may kasamang paunting pag-ungol. Umigting ang aking mga panga at pinindot ko ang recording ng aking telepono. Me: Are you cheating on me right now? Tanong ko na pinipigilan ang aking sarili na magalit. Rona: Off course not sweetheart nag papamasahe lang ako. Sagot niya may kasamang halikgik. Mula nang lumabas ang aming mga anak ay lumamig na siya sa akin. Sinisi niya ako dahil nasira daw ang kanyang katawan pero bumalik naman agad. She hides her pregnancy, mabuti at natuklasan ko agad kaya binantayan ko siya hanggang sa lumaki ang kanyang tiya. Sa kanilang probinsiya siya nanganak at nasa ibang bansa naman ako dahil ang akala ko ay sa susunod na buwan pa ang kanyang due date. We are both insatiable on bed before pero mula lagi kong napapanaginipan ang babaeng nakatalik ko bago kami ikinasal ay nawawaln ako ng gana sa aking asawa. I tried many times na ibalik ang dating init at pagmamahal ko pero nang nalaman ko na may kinatatagpo na siyang iba ay tuluyan nang nawala ang pagmamahal ko sa aking asawa. I can't even remember when is the last time that we had s*x. Ibanaba ko na lang ang aking telepono at hinayaan ang recording din bahala na siya kung papatayin niya ang tawag ko hindi. Sawa na ako sa kanyang mga dahilan at alam kong hindi na mabubuo ang pamilya na pinangarap ko na maging masaya. Ang pinasasalamat ko nalang ay binigyan niya ako ng magagandang anak. Chyrll point of view Nagising ako na kumukulo na ang aking tiyan sana ay hindi ko na lang ibinalik ang mga pagkain na nilagay ko sa aking bag. Nahihiya tuloy ako na bumaba. Alas tres na ng hapon at hindi pa ako nakakain ng pananghalian. "Bahala na!" Sambit ko at bumangon na sa malaking kama. Nagsuot ako ng pantalon at pinatungan ko nalang ng T-shirt ang suot ko na sando. Hindi naman halata ang aking ut*ng dahil ang liit nito. Sa wakas ay nasuklay ko na ulit ang aking buhok at may bagong panali pa. Napaisip ako tuloy, baka pwede pa akong lumabas para bumili ng aking damit dahil ilang piraso lang ang aking dala. Kinuha ko mula sa aking pitaka ang dalawang libo at kasama ang address ng amo ko dahil baka mawala ako ay atleast alam ko ang exsaktong adress ng amo ko. Lumabas na ako sa aking napakagandang kwarto at lumakad pababa sa hagdanan. May nakita akong kasambahay na naka-upo sa sofa at nag dudutdot ng kanyang telepono. "Kapatid pwedeng maki- kain?" Tanong ko at napatingin siya sa akin. "Excuse me wala akong kapatid na bansot." Masungit na sagot niya. "Oh, sige baguhin ko. Maraming balakubak na babae sige hanapin ko nalang ang kusina." Inis na sagot ko at iniwan siya na nagpupuyos sa galit. Dumeretso ako ng lakad at nakita ko na ang kusina. Sobrang linis ito at walang laman ang kalan. Ang sabi ni Master kanina ay maraming pagkain sa kanyang bahay pero parang wala naman yata. Nakita ko ang kanilang fridge at napanga-nga ako dahil maraming laman. Isan-isa kong kinuha ng mga boxes na may laman na ulam. Natakam ako agad sa sarap ng mga ito kaya limang boxes ang kinuha ko. Nakita ko ang microwave kaya naisipan ko na ipainit ang mga ulam. Wala silang kanin pero okay lang, may patatas naman. Kahit wala kaming ganitong kagamitan sa bahay ay marunong naman akong magbasa. Kumuha ako ng plato at kutsara pagkatapos ay naglagay na ako ng limang iban-ibang putahe sa aking plato at napuno na ito. Sa palagay ko tama na ang aking mga kinuha kaya ibinalik ko na muna sa fridge ang mga lalagyang ng ulam. Pagkatapos ay pinainit ko na ang aking kakainin. Dalawang minuto nalang muna ang pinindot ko para makasigurado. Nang huminto na ang tunog ay agad ko itong binuksan. May usok na konti ang mainit na ang plato kaya napagpasyahan ko na sakto lang ang dalawang minuto. Dinala ko na ang aking plato sa mesa at kumuha ng bottled water din sa fridge. Umupo na ako at hindi pa ako nakakasubo ay lumapit si Balakubak. "Ang takaw, patay gutom!" Sambit niya. Mas pinili ko na kumain muna dahil gutom na talaga ako at natatakam ako sa mga ulam sa aking plato. May araw din ang balakubak na ito sa akin. Sinarapan ko ang pagnguya para asarin siya, sa itsura niya ay alam kong konti lang ang kinakain dahil medyo malaki ang kanyang katawan. Hind tulad ko na maganda ang panunaw ko kaya kahit kabundok ang aking kakainin ay hindi ako tumataba. Naasar siya sa akin kaya padabog na iniwan ako sa kusina. Dahil ang sarap ng ulam ay naubos ko lahat ang laman ng aking plato. Hindi na muna ako uminom ng tubig, dahil busog na busog na ako. Hinugasan ko ang aking plato at kutsara sabay tinuyo ang mga ito at ibinalik kung saan ko kinuha. Sinigurado ko na wala akong kalat sa kusina bago umalis. Ang sarap naman ng buhay ng kasambahay dito dahil kung wala na silang gagawin ay pwede na silang magpahinga. Kinuha ko na ang aking tubig at hinanap si Master para magpa-alam na bibili ng aking damit. Naalala ko ang kanyang kwarto kaya umakyat ako ulit. Nang nasa harapan na ako ng kwarto niya ay kumatok ako ng ilang beses. Nagbukas ito at ang gwapo kong master na salubong ang kilay. "What?" Masungit na tanong niya. "Master, mapaalam lang sana ako na bibili ng damit." "Anong klaseng damit?" Tanong niya at pasilip ako sa kanyang kwarto. Ang kambal ay tulog sa kanyang higaan. Ang bait naman niya Daddy. "Mga T-shirt lang master pambahay, sana Master may uniporme ang Yaya ninyo para hindi na ako bumili pa ng damit." "Gusto mo bang may uniporme?" Seryosong tanong niya. "Oo naman master bukod sa tipid ay madali ninyo akong makita. Alam na ninyo maliit ako." "Okay magpapagawa ako para sa iyo, anong kulay?" "Puti nalang Master para parang nurse." Nakangiting sagot ko. "Aalis ka pa rin ba mag-alas kwatro na ng hapon at hindi mo pa kabisado ang lugar baka mawala ka." Sabi niya na lumabas siya para hindi magising ang kambal. "May mga pulis naman siguro sa palengke Master, mapahatid nalang ako sa kanila dito sa bahay ninyo. Nakatipid pa ako ng pamasahe." Sagot ko at namumula ang kanyang mukha. "Kung gusto mo Master, baka naman may luma ka diyan na damit. Yung mga ayaw mo nang isuot dahil pambahay ko lang naman. Saiyo nalang ako bibili. Ito oh isang libong sampong T-shirt yan ang katumbas. " Sabi ko sabay abot ng isang libo sa kanya. "Come with me!" Sabi ni Master at hinila niya ako paakyat sa third floor. Pagkatapos ay may kwarto siyang binuksan at maraming boxes ang nasa loob na may mga label. "Lahat ng mga damit dito ay hindi ko na isusuot, sa kabilang storage ay sa aking asawa. Don't go there dahil mahal niya ang kanyang mga gamit. You can take kung ilan ang gusto mo." Sabi ni Master at lumaki ang aking mga dahil ang dami. "Master pwedeng kuhanan ko na din ang Tatay ko, magkasingtangkad kasi kayo." Masayang hiling ko. "Do what ever you want at huwag ka nang lumabas pa dahil hapon na." Sagot niya at iniwan na niya ako. Mabilis kong binuksan isa-isa ang mga plastic na boxes. Kahit hanggang tuhod ko ay kumuha ako ng bente kasama na din ang ibibigay ko kay Tatay. Para na akong nag abroad nito dahil may mga gamit na pambabae din an ibibibigay ko kay Inay. Sobra-sobra kasi ang mga lotion at shampoo para sa akin at marami pang iba. May nakita din ako na boxer ni Master at sigurado ako na naliitan niya ang mga ito. Kumuha din ako para sa akin dahil mukhang presko ito na pantulog. Bra na lang ang kailangan ko pero kaya ko naman na pagtiisan ang tatlong bra na mayroon ako. Hindi naman tinanggap ni Master ang pera kaya may pambili ako ng bra. Bitbit ko ang aking mga napili at lumabas na ako. Nahihirapan ako na humakbang sa hagdanan dahil hindi ko nakikita ang matatapakan ko sa dami ng aking bitbit na damit. Kaya ang ginawa ko ay inilapag ko na muna ang lahat ng napili ko. Kumuha ako ng malaking T-shirt ni Master at doon ko isinuksok lahat ng mga damit at boxers na aking napili. Ginawa ko na itong parang sako at itinali sa dulo sabay pinagulong ko nalang sa hagdanan. Napangiti ako dahil nauna na ito sa second floor. Masaya akong bumaba , binuhat na ito para dalhin sa aking kwarto. Nakita ko ang bulto ni Master na parang pinapanuod niya ako pero patay malisya lang ako at pumasok na sa aking kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD