Chapter 6

2008 Words
Maddox's point of view Lumabas na ako sa bahay at napahinga ako ng malalim dahil ang dami kong kakausapin. Si Manang sana ang gagawa nito pero sa lahat ng nagustuhan niya ay wala pang tumagal. Napansin ko ang parang bata kung kumain at mukhang gutom na gutom. Sa lahat ng aplikante ay siya lang ang kumakain. Nag-umpisa ko nang kausapin ang mga ito at una ang unang dumating. Unang tingin ko palang ay lalamunin siya ng aking mga anak dahil. Mukha siyang mabait, ayoko sa masyadong mabait kaya nag next ako agad. Ang sumunod ay mali-mali ang sinasabi sa nakalagay sa kanyang resume. Hanggang sa napansin ko ang pagtayo ng maliit na aplikante. Napailing ako dahil mukhang gutom nga ito. Nakukuha niya ang aking ayensyon dahil mukhang nakalimutan niyang nagsuklay at siya lang ang may dalang malaking bag pack. Mukha siyang naglayas sa kanilang bahay. Nag sumunod na kinausap ko ay halatang may gusto siya sa akin kaya next ulit. Minamarkahan ko ang numero nila at kung sino ang pinakamataas mamaya ay siya ang mag- aalaga sa aking anak. Ang sumunod naman ay napayuko ako dahil naamoy ko Ng kanyang hinininga. Ilang Segundo ko lang siyang kinausap at nag next ulit. Medyo masungit ang sumunod kaya medyo natagalan ko na kinausap pero mukhang malalagay sa peligro ang mga anak ko sa kanya dahil parang kaya niyang saktan ang aking mga anak. Marami mang kalokohan ang mga anak ko pero hindi ako papayag na may manakit sa kanila. Sumunod na ang gutom na aplikante. Inamoy ko na muna ang hangin nang paparating siya. Wala namang masamang amoy kaya hinayaan ko siyang umupo. Kung may naamoy lang ako ay mag next na ulit. Binasa ko ang kanyang resume at nagulat ako dahil nakapagtapos pala siyang ng kolehiyo at may lisensya siyang magturo. Mabilis siyang sumagot sa mga tanong ko. Ang kanyang mga sagot ay binibigyan niya ng dahilan. Parang mga anak ko lang na kung may ginawang kalokohan ay laging may dahilan. Malinis naman siya at napansin ko ang kanyang mga ngipin na malinis. Nakaramdam ako ng awa dahil galing probinsiya pala siya kaya wala siyang mga gamit. Maganda pala ang kanyang mukha kung malapitan. Lalo na kung nahahawi ang magulong buhok niya na tumatakip sa kanyang mukha. Kaninang yumuko siya at kinuha na mga requirements niya sa kanyang bag ay tumaas ang damit niya mula sa kanyang likuran at nakita ko ang kanyang underwear at makinis na likuran. Pati ang hiwa ng kanyang pang-upo ay nakita ko din kung gaano kakinis. Pantay ang kanyang kulay, kahit walang bahid na anumang bagay sa kanyang mukha ay hindi nakakasawang titigan ang kanyang mukha. Hindi naman ako manyakis pero nakatingin ako doon hanggang sa inabot niya ang isang envelop. Hindi pa tapos na mainterview lahat ng mga aplikante ay nasabi ko na hired na siya. Lumabas nalang ito sa aking bunga-nga at hindi ko na mabawi pa. Hindi ako nakapagsalita ng buksan niya ang kanyang malaking bag pack at inilabas ang dalawa at kalahating water bottle. Habang inilalabas niya ang kanyang mga kinuha ay nagpapaliwag kung bakit siya kumuha ay napangiti ako ng lihim. "Paano yan Master, papasok na ako." Nakangiting paalam niya at seryosong tumango ako. Nang tumalikod papasok sa bahay ay napatingin ako sa mabilog niyang pang-upo. "Damn! she got a well rounded ass." Kahit may napili na ako ay pinagpatuloy ko ang aking pakikipag-usap sa mga natitirang aplikante. Baka may mas okay pa kay Miss. food packaging. I just wasted my time. Wala akong napili sa kanila. Lumapit ako sa isang kasambahay at sinabi sa kanya na siya na ang magsabi sa mga nakausap ko na may napili na ako at pwede na silang umuwi. But they can take Food if they wanted. Pumasok na ako sa loob ng bahay at na datnan ko siyang nakaupo sa sofa na kumakain ng mansanas. Pinanuod ko siyang kumain, napangiwi ako dahil pati buto ata ng mansanas ay hindi niya pinalagpas. Dahil wala siyang itinapon. Tapos na siyang kumain kaya lumapit na ako. Tumikhim ako at napalingon siya sabay tumayo. "Take your seat." Sabi ko at humarap sa kanya. Umupo naman siya at naka angat ang kanyang paa sa sahig, parang bata tuloy ang kinakausap ko. Dahil sa igsi ng kanyang mga biyas ay hindi umabot sa sahig. "You know the salary, compensation, and holidays already right?" "Opo Master." Sagot niya. "Pwede bang magtrabaho ka ng sabado? I will pay 1k extra for that dahil minsan ay wala ako sa bahay. Sunday is definitely your off." "Okay po Sir walang problema sa akin Yan." Mabilis na sagot niya. "Your 24 right? may Boyfriend ka bang naiwan sa probinsiya?" "Ay wala ako niyan Master." "Okay, sa edad mo ay malapit nang lumagay sa tahimik. Please tell me earlier your plans. Kung may problema ka o ginawa ng aking mga anak ay sabihin mo muna sa akin bago ka magdesisyon. "Master, nabanggit mo man lang ang problema. Pwedeng mag advance ng one hundred thousand?" Tanong niya at nagulat ako. Napamura tuloy ako dahil unang beses akong mautangan. "What f*ck why?" Tanong ko. a hindi ko maiwasan ang pagtaas ng aking boses. "Master naman, bunganga mo. Ganito kasi yun, naisanla ang aming bukid at ipinababalik na ng sumanla ang pera. Kung gusto ninyo Master kayo na muna ang magsanla sa aming lupa at Tatay ko ang magsaka pero kayo ang gagastos sa mga gagamitin pag taniman na. Masipag po ang Tatay ko Master dahil laging tumatama ang Tatay ko pag anihan na maliban nalang kung may bagyo, may peste sa mga palay o tag tuyot. Hindi ko naipapasiguro na kikita kayo." Sabi niya. Hindi ako interesado sa mga sinasabi niya pero para may panghawakan lang ako ay pumayag ako na ako na muna ang papalit sa sumangla. Kumuha ako ng papel at pinasulat siya dito habang kinukuhanan ko siya ng Video. "Ayan na Master, Okay na yan pirmahan mo na at ipadadala ko sa bahay." Sabi niya na inutusan pa ako. "Master, ang nagagamit pala sa bukid ay umaabot ng forty thousand pesos. Kaya dapat One forty thousand ang ipadala ninyo sa mga magulang ko." Dagdag pa niya at napahinga na lang ako ng malalim na naglabas ng tseke at isinulat ang one hundred forty thousand only. "Anong pangalan ng tatanggap?" Tanong ko. "Henry Flores Master, TaTay ko yan." Nakangiting sagot niya. Kumuha din ako ng enveloped sa aking drawer at inilagay doon ang tseke at ang kasunduan na isinulat niya. "Isulat mo ang address ninyo at ipadala mo ito ngayon." Utos ko, Isinulat naman niya ito at napailing ako dahil siya na ata ang teacher na nakilala ko ang pangit ng sulat. "Eh, Master baka mawala ako. Pwede kayo nalang?" Utos niya. Napakuyom ang aking palad at pinipigilan ang aking sarili na palabasin nalang siya sa bahay. "Manang! malakas na tawag ko at nagulat siya kaya siya napa atras sa sofa. "Bakit naman Dox at nang gugulat ka!" Reklamo ni Manang. "Paki bigay ito sa driver at ipadala ngayon." Sabay abot ko sa sobre. Nagbigay na rin ako ng isang libo para sa bayad ng pagpapadala. Ilang saglit ay may kinausap siya. "Ate Cely, paki bigay kina Nanay, kakausapin ko lang sila." utos niya sa kanyang kausap. Pala utos pala ang maliit na babae na ito. Hindi ako chismoso pero nakinig ako sa usapan nila lalo na at naka loudspeaker. "Anak, ikaw ba yan?" Dinig ko na boses ng lalaki. "Opo Itay, may nahanap na akong trabaho dito at napakabait ng boss ko Itay dahil siya na muna ang sasanla sa bukid natin. Ang maganda pa ay kayo ang magtanim." Masayang sabi niya at medyo nabawasan tuloy ang inis ko sa kanya. "Maraming salamat kung ganun anak. Paki sabi sa boss mo na salamat." Sagot ng kanyang ama. "Si Inay Tay?" "Nasa bahay, alam mo naman na hindi makatakbo iyon Kaninang tinawag ako ni Cely ay mabilis kong iniwan ang kalabaw natin na pinapaliguan ko lalo na at ikaw ang tumawag. "Okay po , Itay may natira pa ba sa Sampung libo na iniwan ko? Kung wala na po ay pwede kong ipadala ang dalawang libo na natira sa akin sa off ko. "Naku anak, mayroon pa. Mag tatlong araw ka palang na wala ah. Sa katapusan pa bibili ng gamot ang nanay. Ang feeling mo naman anak na parang isang buwan kanang wala." Sagot ng tatay niya at napayuko ako para maitago ang aking pag ngiti. "Itay naman, o sige na Tay. Pinadala ng gwapong amo ko na ang pera, isama ninyo si Uncle para mapunta agad sa kanya ang pera para kung maholdap siya ay wala na tayong kasalanan." Sabi pa niya, tumayo na ako at mabilis na pumunta sa Cr at tumawa ng tumawa. Ang galit at inis ko kanina ay nawala na ng tuluyan. Maluha-luha na ako sa banyo katatawa at nang kumalma na ako ay agad akong lumabas. Kinausap ko ang kasambahay na puntahan ang kambal para makilala nila ang bago nilang Yaya. Binalikan ko ang bagong yaya ng aking mga anak sa sala. Tapos na siyang makipag-usap sa kanyang mga magulang. "Master, magsimula na ba ako ngayon?" Tanong niya tumayo. "No tomorrow, just meet may kids at sasamahan ka ng kasambahay sa kwarto mo. "Ganun ba Master , salamat naman. Napuyat kasi ako sa boarding kagabi." Sambit niya and I got curious. "Why?" "Ang mga kabataan ngayon Master, matapos mag-inuman ay nag yugyugan sa kama. Eh plywood lang ang pagitan ng kwarto na inupahan ko sa kawarto nila kaya dinig na dinig ko ang lahat. Tapos sa umaga ay nag away-away sila dahil nag aagawan sila ng lalaki. Kaya yun isinumbong ko sa may ari ng bahay mahirap na Master dahil nabasag nila ang TV sa sala. Baka ako pa ang mapagbintangan na umalis." Mahabang salaysay nito. Patango-tango ako pero tumatawa ang aking utak. Yugyugan talaga. Ilang saglit ay bumaba na ang aking mga anak at agad silang yumakap sa akin. "Good morning Daddy." Sabay na bati ng dalawa. Binati ko din sila at ipinakilala sa bago nilang Yaya. "Daddy we don't like her, she looks like a young witch." Bulong ni Madeline kaya napangiti ako na wala sa oras. "Hoy bata, kung mangkukulam ako e di kinulam ko na sana ang aking sarili para tumangkad ako." Sabat ni Chyrll at hindi ko na talagang napigilan ang aking sarili na tumakbo ulit sa banyo at tumawa ng tumawa. "D*mn!" Bulaslas ko at pinunasan ang aking mga luha sa tissue. It's been a long time ng tumawa ako ng ganito. Napahawak ako sa aking tiyan dahil medyo sumakit na. Kanina ko pa kasi pinipigilan ang aking tawa. Hinayaan ko na ang bagong Yaya na kumausap sa aking mga anak. Umakyat na ako sa aking library dahil may mga trabaho pa akong gagawin. Pagpasok ko ay agad akong umupo, pero na curious ako kung paano kausapin ng bagong Yaya ang aking mga anak kaya binuksan ko ang aking computer at pinanuod ko sila sa sala. She can handle kids for sure at parang bata na siyang naka upo sa sahig. My kids listens to her kahit walang kabuluhan ang kanyang mga sinasabi. May mga pinag usapan sila na napapangiti ako. I hope na magtagal ang yaya nila ngayon para maka pag focus na ako sa aking trabaho. Hindi pa ngayon ang umpisa ng trabaho niya pero naisahan na niya ang aking mga anak. She is smart that way. Pero ang kambal pa, hindi sila magpapatalo ang mga iyan. They will always test your patience hanggang sa ikaw ang sumuko. Hindi ko na sila pinanuod pa dahil kung ano ano na ang pinagbabangayan nila. Ewan ko ba kung bakit napunta kay Snow white ang topic nila. I check all may email at my ipinadala ang aking tauhan na larawan ni Rona na sumasayaw. May mga videos pa na sobrang laswa ang sayaw niya. Napahinga ako ng malalim. Hindi siya dapat ganito umasta dahil may mga anak na kami. Hindi na siya teenager na umasta ng ganito. Paano kung malaman ng mga bata ang mga ginagawa niya. Nahihirapan na akong pagtakpan siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD