Chyrll's point of view
Nagising ako sa lakas ng ingay sa labas na parang mag nag-aaway. Bumangon ako at sumilip, may dalawang babaeng nag-aaway sila ang mga nag-inuman kagabi. Isinarado ko na ang aking pintuan at wa akong paki sa pinag-aawayan nila dahil tungkol ito sa lalake. Kumuha na ako sa aking bag ng damit ko na isusuot sa interview at lumabas na sa aking kwarto.
Dinig na dinig ko na may nagbabatuhan na sa sala. Hay, kawawa ang mga magulang ng mga hinayupak na mga kabataan na mga ito. Napailing nalang akong pumasok sa banyo at mabilis na naligo. Makapal ang aking buhok na alon-alon kaya ang isang sachet ay dalawang beses kong gamitin. Kung hindi ako matanggap ngayon ay kailangan na gupitin ko na ang aking buhok para makatipid pa ako ng shampoo.
Sa banyo na rin ako nagbihis dahil may towel doon. Sa buhok ko lang naman ginamit, kaya sorry sa nagmamayri. Sabagay nagpa-alam naman ako sa tuwalya na gagamitin ko na muna siya. Inayos ko ang pagkasampay sa tuwalya at lumabas na ako.
Nakalimutan kong bumili ng suklay kahapon kaya, kamay ko nalang ang aking ginamit. Basa pa ang aking buhok pero ipinusod ko na para hindi halata na hindi ako nagsuklay. Sana na ngalang at hindi mahulog ang aking panali.
Kinuha ko na ang lahat ng aking gamit at lumabas na ako. Napangiwi ako dahil basag ang telebisyon sa sala. Ang hirap pa nito ay hinayaan lang nila. Nag text ako kay Ate na may ari ng bahay. Sinabi ko ang nangyari, pati ang pag-iinum nila. Mahirap na baka ako pa ang itunuro na bumasag sa telebisyon dahil aalis ako.
Lumabas na ako sa bahay at nakasalubong ko si Ate na galit na galit.
"Saan ka pupunta?" Tanong niya na napatingin sa aking bag pack.
"May interview ako ngayon Ate, maging Yaya. Stay in yun, kung palarin hindi na ako babalik."
"Baka naman ikaw ang nakabasag ng telebisyon dahil matagal na ang mga boarders ko ngayon lang na may nabasag sa bahay pagdating mo." Sabi niya at medyo uminit na ang aking ulo.
"Bakit ko naman po babasagin ang TV ninyo eh ni hindi nga ako maka stambay sa sala dahil doon sila nag-iinuman. Sa ilalim ng lababo nila tinatago ang kanilang bote. Itinda ko sana dahil sobrang dami na pero baka hanapin nila.
"Ganun ba." Sabi na niya at napatingin sa bahay na galit na galit.
"Sige na Ate baka ma late pa ako sa interview ko, nagdadala din pala sila ng lalaki. Yung katabi kong kwarto may lalaki doon ang lakas nilang umungol kagabi." Sumbong ko at mas lalo siyang nagalit. Mananahimik lang sana ako pero, naawa ako sa kanilang mga magulang. Lalo na ang isa na may kausap sa telepono na humihingi ng allowance sa kanyang mga magulang.
Galit na galit si Ate na pumasok sa loob ng kanyang bahay. Ako naman ay lumakad na patungo sa jeep. Nakita ko ulit si Kuyang conduktor kaya pinakita ko ang address na pupuntahan ko.
"Medyo malayo ito Ineng, dalawang beses kang pumasok ng jeep. Tapos sasakay ka ng tricycle pagkatapos ay lalakarin mo dahil bawal pumasok ang mga sasakyan dito na walang permit. Mayayaman ang mga nakatira dito sa Village na ito.
"Ganun ba Kuya, o sige wala naman akong pagpipilian dapat na puntahan ko para magkaroon na ako ng trabaho at sana matanggap.
"Goodluck saiyo Ineng, sakay ka." Utos niya sa akin kaya sumakay na ako agad dahil may paparating na buong pamilya. Baka wala akong maupuan, mabuti at mabait si Manong.
Sa jeep palang nila kuya ay nahulog na ang aking panali na hindi ko namamalayan. Itinuro sa akin ni Kuya ang susunod kong sasakyan at kinausap pa niya ang driver kung saan ako ibaba.
"Ang bait ninyo kuya, maraming salamat." Sambit ko.
"Mabait ka din Ineng, ilan lang ang mga kagaya mo na nagtitiyaga na maghanap ng trabaho ngayon. Halos ang gusto ay puro pangmadalian na trabaho.
"Gaya ng Anong trabaho kuya. Malay natin pwede ako diyan."
"Hay naku huwag na hindi bagay saiyo, mapagkamalan ka nilang menor de edad."
"O sige kung ganun, kuya maraming salamat ulit." Paalam ko ng umandar na ang jeep.
Tuyo na ang aking buhok at sigurado na buhaghag na ito.
" Anak, yang buhok mo napupunta sa mukha ko." Reklamo ng isang matanda kaya inipon ko na lang at isunuksok ko sa kwelyo ng aking damit.
Malayo-layo nga ang aking pupuntahan dahil mag-isang oras na ay hindi ko pa narinig ang lugar na babaan ko. Napahinga ako ng malalim, dalawang gabi at araw ko nang hindi nakita ang aking mga magulang. Sana ay okay lang sila at hindi nila iniisp ang aming problema.
Walang cellphone sa bahay kaya makikitawag nalang ako sa kapitbahay namin na studyante. Wala siya ngayon sa bahay nila, mamayang hapon nalang ako tumawag.
Ilang sandali ay rinig ko na isinigaw ng driver ang lugar na babaan ko. Mabilis akong bumaba at nagtanong tanong kung saan ang sakayan ng tricycle papunta sa Village na punpuntahan ko. May mabait namin na nagturo sa akin kaya. Bago ako sumakay sa tricycle ay sinigurado ko na muna na sa Alabang Village ako dadalhin. Ang mahal pa man din ng singil niya akala niya ata ay doon ako nakatira.
"Kuya ang mahal naman na isang daan ang sisingilin mo." Sambit ko na habang nagmamaneho siya.
"Kung gusto mo Ne, lakarin mo na lang para makatipid ka." Sagot niya kaya tumahimik na lang ako dahil anong oras na.
Hindi pa man din ako nag-agahan, ramdam ko na ang aking tiyan. Ubos na rin ang binili ko na biscuit dahil nilantakan ko kagabi nang magising ako sa lakas ng ungol ng mga taong nasa kabilang kwarto.
Ilang sandali ay huminto na ang tricycle.
"Ano bang gagawin mo sa loob?" Tanong niya pagbaba ko at iniabot ang isang daan.
"Mag-aply po ng mag-alaga ng mga bata." Sagot ko nainayos ang aking bag pack.
"Sa liit mo na yan, marami na akong inihatid dito, bilisan mo dahil kanina pa sila. Sabihin mo sa guard na mag-aaply ka at ipakita mo iyang diaryo para maniwala sila saiyo Ne." Nagtataka ako bakit napailing siyang tumingin sa akin.
"Eh bakit po kayo umiling?"
"Yung mga inihatid ko nakaayos, ikaw parang nakipagsabutan at ang damit mo hindi mo manlang plinantsa." Puna niya na pinaandar na ang kanyang sasakyan at basta nalang niya ako iniwan pagkatapos punahin.
Lumapit ako sa mga guards at nagtanong sabay ipinakita ang diaryo.
"O sige po, pero patingin muna ang laman ng bag mo." Sabi ng guard.
"Bakit naman po?" Nagtatakang tanong ko.
"For safety po."
"Safety saan?" Tanong ko ulit na parang naiinis na ang guard.
"Malay natin may dala kang bomba, ang itsura mo parang hindi mag-alaga ng bata. Mukhang kagigising mo lang at inutusan lang dito."Bulaslas niya.
"Grabe naman Kuya, nahulog yung panali ko at sumakay ako ng jeep syempre mahangin. Eto ang bag ko oh." Sabay bigay sa kanya pero pinalagay niya sa akin sa mesa at ako ang inutusan niya na maglabas lahat ng gamit ko. Pati panty at mga bra ko ay nakita niya kaya namula ang kanyang mukha.
"Huwag mo nang ipakita ang panloob mo na damit. Hindi ka man lang nahiya." Sabi niya, cute pa man din si Mamang guard.
"Malay mo kuya may bomba sa panty ko." Sagot ko na napangiti na.
Pinabalik niya sa akin ang aking mga gamit sa aking bag at sinabi niya kung anong bahay ang pupuntahan ko. Sampung minuto daw na lakarin kaya nag-umpisa na akong maglakad at naaliw sa mga tanawin na nakikita ko. Ang lalaki ng mga bahay at may mga swimming pool pa.
Pero hindi ko ipagpapalit ang ilog namin dahil malinis ito at may ulam pa doon. Dahil sagana sa kangkong, talaba at isda. Habang ang swimming pool nila ay maliligo ka lang. Walang excitement.
Bukas ang gate ng bahay na aaplayan ko at napangiwi ako dahil ang daming nakapila. Mabuti at nakaupo sila, nakita ko na may pagkain sa mahabang mesa at halatang walang kumuha sa kanila.
Ako lang ata ang gutom kaya, inilagay ko ang aking bag sa upuan at dumeretso na ako sa mesa. Pinuno ko ang aking plato para kasali na pati pananghalian. Ilang saglit at may gwapo at matangkad na lalaki na lumabas. Gutom ako kaya sa pagkain ang focus ko, hindi naman nakakain ang ka gwapuhan niya.
Habang ngumunguya ako ay napatingin ako sa lalaki. Siya ang kumakausap sa unang nakalinya. Hindi kaya siya ang amo? Tanong ko sa aking isipan habang sunod-sunod ang subo ko dahil ang bilis niyang mag-interview. Nauuhaw ako kaya tumayo ako ulit at kumuha ng tubig.
Sosyal naman dahil naka water bottle ang tubig na ipinamimigay niya. Kumuha ako ng tatlo para kung hindi ako matanggap ay sulit na ang pinamasahe ko.
Nakatatlo na siya at napakaseryoso ang kanyang mukha. Medyo napa suklay ako sa aking buhok dahil lahat ng mga kasama ko ay ang lilinis tignan. Mabuti nalang at maputi ang ngipin ko kaya dapat akong nakangiti lagi dahil ngipin ko lang ang maayos ngayon.
"Next" Pasigaw niya eh ang lapit namin.
"Hi, anong tinatanung niya at sino siya?" Tanong ko sa babae na nainterview na.
"Bakit ko sasabihin saiyo." Masungit na sagot niya at umupo na siya sa likuran dahil tapos na siya.
Sampung applicante pa bago ako kaya napatingin ako sa mga prutas baka pwedeng maglagay ako bulsa ng aking bag pack. Tumayo ako at kumuha ng dalawa. Pagbalik ko sa aking upuan ay naramdaman ko na may nakatingin sa akin. Si Mr. Pogi pala na salubong ang kilay na nakatingin sa akin.
Ngumiti ako at kinagat ang apple kaya sinumulan na niyang kausapin ang nasa harapan niya. Ang isang apple ay palihim kong inilagay sa bulsa ng aking bag. Mabigat na ang bag ko kaya nilagay ko na sa may paanan ng aking upuan. Pakiramdam ko ay hindi ako matatangap kaya mamaya ay mag-uuwi nalang akong ng ulam.
Naubos ko na ang mansanas ng tawagin ako, binuhat ko ang aking bag payakap dahil sa bigat nito ay baka mapunit pa ang shoulder trap niya.
Ibinababa ko ang aking bag at inilagay ko sa aking paanan, sabay kinuha ang aking folder.
Ibinigay ko sa kanya at binuksan niya ito. Ang gwapo talaga niya, makapal ang kilay pati labi pero mapula. Halatang hindi naninigarilyo at ang buhok niya ay parang Troy montero ang style pati ang katawan nila. Nakakalaway naman nang ka gwapuhan nito.
"So wala kang experience sa pag-aalaga ng bata?" Seryosong tanong niya at nagsalubong ang aming mga mata. Kinabahan ako tuloy dahil nabisto akong tinititigan siya.
"Pero isa po akong guro Master." Sagot ko na nabubulol na.
"Guro ka nga pero hindi ka pa nagturo."
"Nagturo namin Master halos anim na buwan sa OJT namin." Sagot ko.
"Anong height mo?" Tanong niya at napangiwi ako.
"Five ft Master pero wala naman po sa requirement ninyo ang height." Sagot ko na kinakabahan na.
"Marunong ka bang lumangoy?"
"Marunong Master dahil malapit lang kami sa ilog at marunong din akong sumisid." Sagot ko at nakita ko ang pagtaas pababa ng kanyang adams apple. Ang gwapo niya talaga.
"May kuto ka ba?" tanong niya at nagulat ako.
"Wala po bakit ninyo naitanong?"
"Well, sometimes binabasahan ng Yaya ang mga anak ko at nahihiga din sila sa kama ng aking mga anak. Sa itsura ng buhok mo ay parang katatapos mo lang kinamot dahil sa pangangati." Sagot niya at natigilan ako.
"Napaka Judger mo naman Master, hindi ba pwedeng wala akong suklay, nag jeep ako nahulog ang aking panali kaya nagulo ang aking buhok."
"What wala kang suklay?" Tanong niya na hindi makapaniwala.
"May suklay naman Master pero nasa probinsiya namin. Damit ko lang ang dala ko , hindi pa ako nakabili ng suklay at panali dahil tinitipid ko ang aking pera."
"Ilang araw kana dito sa Manila?"
"Dalawa at kalahating araw Master at dalawang libo nalang ang pera ko."
Napahinga siya ng malalim.
"Ilang beses kang maligo sa isang araw?" Tanong pa niya halatang nakatutok sa hygiene ang kanyang mga tanong.
"Dalawa Master, paggising ko at bago matulog. Pero kung halimbawa, naulanan ako ay dapat maligo ako ulit dahil mahirap nang magkasakit." Sabay ngumiti ako para makita niya ang pula kong gilagid at mapuputi kong ngipin.
"Okay, your hired. Pumasok kana sa loob at mag-usap tayo." Utos niya at hindi ako makapaniwala.
"Seryoso Master?" Tanong ko.
"Bakit ayaw mo?"
"Syempre gusto Master, sandali at isauli ko lang ang tubig at mansanas na kinuha ko akala ko hindi ako makukuha kaya kumuha ako ng kapalit sa pinamasahe ko na pumunta dito."
Inilabas ko ang aking mga kinuha at nagulat ata si Master. Buti nga isasauli ko na dahil sabi doon ay sila na ang bahala sa food and lodging ko.