Chyrll's point of view Nagising akong wala na si tabi ko si Master, kompleto naman ang damit ko at wala akong chikinini sa aking katawan kaya ibig sabihin ay walang ginawa si Master sa akin. Mali ako siguro sa iniisip ko na may pagnanasa siya sa akin. Bumangon na ako at mabilis na naligo. Pagkatapos ay mabalis na akong bumaba para kumain ng agahan. Pagdating ko sa kusina ay si Ate Perlita nalang ang nagkakape. Ang mga iba ay nagsisimula nang magtrabaho. "Good morning ate." Bati ko at kumuha na din ng tasa para magtimpla ng kape. "Magandang umaga din, kumusta yung pinuntahan ninyong bahay kagabi?" "Okay naman Ate." "May itinira kami saiyo ng ate Cely mo na ulam, alam kasi namin na hindi pinapakain ang katulong doon." Sabi niya. "Pinakain naman po ako Ate pero muntik nang hindi kung h