Chyrll's point of view continues Pumunta na ako sa aking kwarto at dumeretso sa banyo para maka ligo mabilisan. Unang araw kong alagaan ang kambal ay napakadami nang nangyari. Hindi ko nalang sasabihin sa aking mga magulang na magkakilala sina Tita at Master baka mag-alala si Inay. Kahit paano ay hindi niya ako pinabayaan na pahiyain ng pamilya ni Tita kanina. Hinubad ko na ang aking damit at napatingin ako sa aking panty na may natuyong puti. Napailing nalang akong kinusot na muna ang panty ko para maalis ang puti na natuyo at isinampay. Pagkatapos ay mabilis akong naligo. Sa banyo ko na tinuyo ang aking buhok. Napangiti ako dahil ngayon ko lang naranasan ang ganito. Yaya nga ako pero may magandang kwarto at hindi nagugutom. Kaya magtitiis ako hanggang kaya ko para sa aking mga magula