Dox's point of view Masarap talaga ang timpla ni Aling maliit, palihim kong pinagmamasdan kung paano siya kumain parang hindi na niya ito nginunguya. Ayoko ng bangus kung hindi prito ito dahil sobrang matinik, nakakahiya naman sa mga anak ko kung pati ako ay ipaghimay pa ng mga kasambahay kaya laging salmon ang kinakain ko kapag sinigang na isda ang gusto kong kainin. Hindi ko pa nauubos ang aking kape at tapos na siya, parang sinisilihan ang kanyang pwet na kaharap ako. Gusto ko pa man din sana na makahalik man lang bago ako umalis pero tumakbo agad siya. Tinapos ko nalang din ang aking kape dahil may breakfast meeting kami ng aking abogado sa isang restaurant na malapit lang sa bahay. Hindi na sana ako magkape pa pero nakita ko si Aling maliit na kumakain. Gusto ko siyang makasalo kah