Chapter 2

2011 Words
Chryll's point of view continues Kinaumagahan ay hindi namin binati si Itay sa kanyang kaarawan, nakokonsensiya ako dahil ang saya pa man din ang awra niya. "Mga magagandang babae sa buhay ko, kain na!" Masayang pambungad niya sa amin. Yumakap ako kay Itay at umupo na ako sa tabi ni Inay. Mas malupit ang Nanay ko dahil hindi man lang siya bumati ng good morning kay Itay. Napatikhim pa tuloy si Tatay pero pataymalisya lang ang aking Ina. Pagkatapos naming kumain ay nagpa-alam na kami kay Tatay na mamalengke ng aking ititinda. Tahamik lang siyang tumango at pumunta na sa likuran para magdilig ng kanyang mga tanim. "Grabe ka namang maka torture kay Itay, Inay." Sabi ko habang nag naabang kami ng tricycle. Hindi ako magtitinda ngayon ang plano namin ni Nanay ay sa ilog kami mag picnic. "Pang best actress ba?" Natatawang sagot ng Nanay ko. "Bala kayo diyan Nay, ang hirap paman din paamuin si Itay kapag magtampo." "Gagamutin natin pag-uwi natin sa bahay." Sagot ni Inay at pinara na niya ang tricycle. Sumakay na kami at habang nasa loob kami ng tricycle ay pinag-usapan na namin ang aming iluluto kasama ang mga isda. Pwede naman ma mingwit sa ilog pero ang problema, paano kung wala kaming makuha na isda eh di wala kaming iihawin at kakainin. Pagdating namin sa palengke ay siksikan na ang tao kaya sa pamilihan ng cake na muna kami pumunta. "Nay, dito nalang kayo. Baka atakihin kayo ng ashma sa market. Iba-iba pa man din na ang maamoy kapag ganitong oras." "O sige anak, dito na lang muna ako." Sagot niya at umupo na muna. Kahit maliit ako ay mabilis akong lumakad at nakipagsisikan sa mga tao sa palengke. Ito din ang advantage ng maliit ang akala nila ay bata pa ako kaya hinahayaan lang nila na mauna ako. Nabili ko na lahat ng lulutuin namin ng napatingin ako sa sumbrero na pang couples. Bagay ito sa aking mga magulang. "Ate, magkano ang sombrero?" "One hundred fifty, buy one take one." Sagot niya at napasalubong ang kilay ko dahil may nahagip ng mata ko na singkwenta ang isa. "Ate, bakit ito singkwenta ang isa?" "For single yan ineng, syempre mas mahal ito dahil may design para sa mga couples." Masungit na sagot niya sa akin. "Dito nalang ako ate dalawa ang bilhin ko, pwedeng tumawad?" Magalang na tanong ko. "Wala nang tawad yan fixed na." Sa sungit ni Ateng na sumagot ay hindi na ako bumili. Marami namang nagtitinda hindi lang siya. "Sige, doon ako sa kabila baka pwedeng tumawad doon." Masungit na rin na sabi ko at nilayasan siya. "Patanong-tanong hindi naman bumili bwesit!" Sigaw niya at sa inis ko ay binalikan ko siya. "Hoy aleng masungit! bumibili nga ako. Kaya dapat magtanong at kung pwede ang tumawad! kung maka bwesit ka wagas! mabwesit sana ang buong araw mo bwesit ka din!" "P*utangina kang bata ka! lumayas ka sa harapan ko!" Sigaw niya sabay ibinato ang couple na sumbrero. "Eh, di lumayas!" Sagot ko sabay pulot sa ibinato niyang sumbrero sa akin umalis. "Hoy magnanakaw!" Sigaw niya na lumabas sa kanyang pwesto. "Hoy hindi ko ito ninakaw, ibinato mo ito sa akin kaya akin na. Maraming saksi na binato mo ako at hindi ko mismo kinuha yan sa pwesto mo. Napulot ko kaya akin na. Finders keepers!" Inis na sagot ko at nagtawanan ang mga tao. "Eh tinda ko yan!" Galit na sigaw niya. "Tinda mo nga pero ibinato mo sa akin, ano gusto mo finders keepers oh idemanda kita sa pambabato mo sa akin Ate." Sabi ko na may pagbabanta pero hindi ko naman gagawin. Hindi ko sana kukunin ang paninda niya pero hindi maganda na batuhin ako. "Oo nga pwede ka pang makasauhan ng child abuse bata yang binato mo." Sabat ng isang mamimili, tumahimik na lang ako. Walang nagawa ang tindera na mukhang kaedaran ko, may regla yata si Ateng kaya napakasungit. May napulot tuloy akong regalo para sa mga magulang ko. Pinuntahan ko na si Nanay sa bakery shop at naka-upo lang siya. Napangiti akong pinagmasdan siya habang naka-upo. Lagpas kwarenta na rin si Inay, kahit na lagi siya sa hospital ay mukha parin siyang masaya. Pangti-ngiti lang siya kung may pumapasok. Maganda ang aking Nanay kaya siguro na in lababo si Itay sa kanya. Siya lang siguro ang babae sa amin na kontento na siya sa loob ng bahay. Hindi nakiki Marites tulad ng mga may asawang kapitbahay sa amin. Lumalabas lang siya kung kasama ako o si Itay. Tumawid na ako at pinuntahan siya. "Nay, tayo na." Nakangiting sabi ko at matamis din siyang ngumiti sa akin. Kaya mahal na mahal ko ang aking Inay bukod sa napakabait ay malambing din ito kaya lahat ay gagawin ko para humaba pa ang kanyang buhay. Siya na ang pumara ng tricycle dahil hindi ko na maitaas pa ang mga aking kamay sa dami ng hawak ko . Hawak niya ang cake ni Itay at sobrang iniingatan. Pagdating namin sa bahay ay wala sa loob ng bahay si Itay, pumunta ako sa likuran at nakita ko siyang abala na nagtatanim ng gulay. Sinenyasahan ko si Nanay na lumapit na at hawak ang cake. "Happy birthday to you, happy birthday2x. Happy birthday Tatay!" Bati ko na, hindi na makakanta si Nanay dahil tawang-tawa siya sa itsura ni Itay na mukhang nagulat. Napakamot ng ulo ang tatay kong pogi at inihipan ang kandila na kahit mag alas diyes ng umaga. "Akala ko nakalimutan ninyo." Natatawang sambit niya at humalik si Itay sa labi mismo ng Nanay ko. "Huwag naman kayong gumawa ng porn sa harapan ko!" Pagrereklamo ko at masaya siyang nagyakapan. "Tay, tayo na sa ilog at mag picnic tayo." "O sige anak, mamitas lang ako ng okra at talong para may ulam tayo." Sabi niya, kinuha ko na muna ang cake kay Nanay at tinulungan niya ang tatay ko. Pumasok na ako sa loob at inihanda ko na ang aming mga dadalhin. Puno na ang basket kaya nilagay ko na lang sa plastic bag ang aming mga plato. Nagdala narin ako ng pamalit at shampoo namin dahil maliligo na rin kami doon. Paglabas ko ay tapos na silang mamitas kaya nilagay ko na ang basket sa kariton. May kalabaw kami at napakalaking tulong nito sa amin. Sinarado na si tatay ang bahay. Kinuha ni itay ang aming kalabaw at itinali na ang kariton sa leeg nito. "Sakay na." Masayang sabi ni Itay, kahit maliit ako ay ako na ang umalalay muna kay Inay na makasakay. Magaan lang naman ang aking katawan kaya maliksi akong nakasakay. "Tay, Nay regalo ko." Masayang sabi ko at inilagay sa ulo nila ang napulot ko na sumbrero. Mas lalong sumaya ang aking mga magulang. "Chryll hindi ka ba magtitinda ng halo-halo?" Sigaw ng aking suki. "Hindi po muna Ate, bukas nalang po!" Sigaw ko din na pabalik. "Ang dami mong suki anak kahit minsan ay nagsusungit ka sa kanila." Natatawang sabi ni Inay. "Nagsusungit lang naman ako Inay kung may dahilan." Sagot ko at tanaw ko na ang ilog sa amin. May mga tao nang naglalaba at ay mukhang mag pipiknik din gaya namin. Inalagaan namin ang ilong, para manatiling malinis ito dahil kami din ang makikinabang. Nakarating na kami sa ilog at itinali ni Itay ang aming kalabaw sa lilim ng punong kahoy. Kinuha niya ang timba at naglagay ng tubig para may inumin ang aming kalabaw at naglagay na rin siya ng mga damo para may makain ito. Ang aming kalabaw na ang pangalawang anak ni Itay. Pagkatapos ay iniabot ko sa kanya ang aming mga dala. Nang tapos na ay inalalayan niya si Inay na bumaba sa kariton. Ako naman na parang bata ay tumalon na lang. Sila na ang nag-ihaw, dahil init na init na ako ay tumampisaw na ako sa ilog. "Nay sayang hindi ko kinuha ang mga labahin." Sigaw ko na masayang nagluluto ang aking mga magulang. "Naku, konti lang naman iyon anak. Rest Day mo ngayon kaya huwag mo nang isipin muna ang mga gawaing bahay." Nakangiting sigaw din ni Inay. Medyo may kaputian ako, pero hindi ko alaga ang aking balat. Wala akong pakialam kung ma sunbrurn ako dahil pagkalipas ng ilang araw ay babalik din ang aking kulay. Sobrang mahal ng sunscreen ibili ko na lang ng ulam namin. Napasimangot ako dahil pasugod ang mga manliligaw ko na jobless. Sigurado makikikain lang ang mga ito. Pasalamat sila dahil kaarawan ni Itay kundi matatalakan ko na naman sila. Mabuti nalang at makapal ang damit ko at 3/4 ang aking pantalon kaya hindi nila ako masisilipan. Papalapit na ako sa kanila at sabay-sabay pa talaga silang bumati sa akin. Magbabarkada sila, lagi silang nag-iinuman at pareho-pareho din silang palamunin ng mga magulang. Ewan ko ba sa mga kababata ko na mga ito. Kahit paano ay tumulong naman sila at nag papa impressed sila sa aking mga magulang. Mababait naman sila pero may katamaran sa buhay. Pagkatapos nilang magluto ay sabay-sabay na kaming kumain. "Chryll ipaghimay na kita ng Isda." Sabi ni Mando. "Huwag na kaya ko naman." Sagot ko at kumuha na ng isda at gulay. Nagtawanan ang kanyang mga kaibigan na manliligaw ko din. "Yan pa papel ang gago, pahiya tuloy." Sambit ni Frederick kaya mas lalo silang nagtawanan. Kahit paano ay naging masaya ang kaarawan ni Itay, lalo na nang kainan ng cake dahil parang bata ang aking mga kababata na nagpahiran ng icing. Mabuti at wala silang dalang alak kaya naenjoy namin ang aming picnic. Kumuha na rin ako ng talaba sa pinakadulo ng ilog, ang mga kababata ko ay kumuha na rin at pinuno nila ang aming timba. "Ang dami, hindi namin mauubos ito sa bahay." Sabi ko. Binuhat ni Frederick ang timba at naglagay ako sa supot para may maiuwi naman sila. Para naman may ambag din sila sa kanilang bahay. Pinilit kong ibinigay ang mga talaba sa kanila dahil ayaw nilang kunin. "Kung talaba mo lang ang ibibigay mo ay hindi ako magdalawang isip na tanggapin." Sabi ni Mando at nagtawanan sila. Napasalubong ang aking kilay bakit sila nagtawanan at huli nang maisip ko ang kanyang green jokes dahil nakaalis na sila. Hapon na ng nagligpit kami. May natira pang ulam kaya yun ang hapunan namin at ang talaba. Pagdating namin sa bahay ay naligo ulit kami. Pagkatapos kong naligo ay sumunod si Inay. Si Itay naman ay ibinabad sa tubig ang mga talaba para mapatae daw. Bukas nalang daw namin uulamin. "Happy birthday ulit Tay." Masayang bati ko sa aking napakabait na ama. "Salamat anak at napakalooban kami ng panginoon ng masungit na anak." Sabi niya ay napasimangot ako. "Masungit pero mabait, ikaw naman hindi ko pa tinatapos nag react kana agad." Panunukso sa akin ni Itay. "Nag English na naman kayo." Natatawang sabi ko. "Nagkolehiyo naman ako anak kahit paano." Sagot ni Itay na natatawa na rin. Hindi niya natapos ang kanyang pag-aaral dahil nag-asawa na siya agad at ang mga nakatatandang kapatid niya ay pinalayas pa sila dahil hindi nila maatim na kasama ang aking Inay sa iisang bahay. Wala naman nagawa ang mga magulang ko. Noon ay sa bahay na luma kamig nakatira, ang bahay ng mga magulang ni Inay pero nasunog ito at ang lupa ay hindi daw pagmamay-ari ng mga magulang ni Inay. Wala naman silang maipakita na titulo kaya walang-wala kaming umalis. Buntis pa daw noon ang Nanay ko sa akin ng nangyari ang sakuna na iyon. Napadpad kami dito at tinulungan kami ng baranggay hanggang sa maghati-hati sina Itay ng mana at ito ang naibigay sa kanya at ang isang ektaryang lupa. Bagong ligo na rin ang Nanay ko kaya sumunod si Itay na naligo. Busog pa naman kami kaya hinintay namin muna na matapos si Itay sa pagligo. Napahinga ako ng malalim, mahirap man ang buhay namin pero kung makikita kung gaano kasaya at nag mamahalan ang aming munting pamilya ay mapapawi lahat ng pagod at pahihirap sa buhay. Tapos na rin si Itay na maligo kaya naghain na ako. Napailing nalang ako dahil ang sweet nilang kumain. Mapapa sana all ka nalang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD