Disclaimer
No part of this book may be reprinted reproduced or utilized in any form or by any electronic, mechanical, or other means now known or hereafter invented, including photocopying and recording or any information storage or retrieval system without the author's permission.
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Chyrll's point of view
Napahinga ako ng malalim ng makita ko ang resulta ng aming ranking para makapag turo paaralan. "Kailan pa ako makapasok nito kung number fifteen ako?" Bulaslas kong napaupo.
Noong nakapasa ako ng licensure exam ay napakasaya ko dahil matupad na rin ang pangarap ko na maka-pagturo at sa wakas ay makatulong na rin ako sa aking mga magulang lalo na kay Tatay pasan lahat ang problema.
Nag-iisa lang akong anak dahil ang mga pinagbuntis noon ni Inay ay hindi nabuhay sa loob ng kanyang sinapupunan.
Mas lalo kaming nabaon sa utang dahil halos sa hospital nang tumira si Inay. Sakitin kasi siya at laging naooperahan.
Ngayon ay iisa nalang ang dede niya dahil ang isa ay inalis. Lagi kasing may mga tumutubong bukol, mabuti at hindi cancerous. Wala na rin siyang matris dahil nagka-mayoma ito at napagpasyahan ng doctor na mas mabuting alisin nalang. Iisa na rin ang kanyang baga, kaya ayaw namin siyang mapagod. Ang pangarap ni Itay na magkaroon ng Jr ay hindi na matutupad.
Maraming hirap na pinagdanan ang aking mga magulang kaya sinikap ko na makapag-aral at nakapagtapos naman pero kahit pala nakapagtapos at may lisensiya na para magturo ay mahirap paring makapasok na magturo sa paaralan. Dalawang taon na akong nakiki ranking pero malayo parin ako hanggang ngayon.
Kahit sa kinder ay mahigpit din ang labanan. Maganda sana para magkaroon ako ng experience sa pagtuturo.
Umuwi nalang ako para ihanda ang mga ititinda kong halo-halo at mga street foods naman sa hapon. Nagpapaload din ako dahil kahit paano ay may kita. May pambili na kami ng ulam araw-araw at pambili ng gamot ni Inay na maintenance na dahil sa kanyang highblood pressure at asthma.
Pagdating ko sa bahay ay naka-upo ang aking mga magulang at ramdam ko na hinihintay nila ako.
"Mano Nay, Tay." Sabi ko at nagmano na ako sa kanila. Umupo na muna ako sa tabi ni Inay.
Alam na nila ang bad news kaya hindi na sila nagtanong pa. Kilala nila ako, kung maingay ako ay siguradong may magandang balita gaya ng makapasa ako sa board exam.
"Konting tiyaga anak, makakapasok ka din." Sabi ni Tatay na malungkot din.
"Ano kaya kung mag-abroad nalang ako?"
"Anak, nag-iisang anak ka namin lalayo ka pa. Dito ka lang hindi namin kaya na lumayo ka sa amin." Sabi ni Inay.
"Paano po yan Nay, kailan natin matutubos ang palayan na naisanla? Magkano lang naman ang kinikita ko sa aking mga tinda?" Malungkot na sambit ko dahil ang punuhan ko pa ay galing sa Bombay. Na araw-araw kong hinuhulugan.
Ang aking ama ay nakikisaka at awang-awa ako dahil may edad na siya. Hindi ako papayag na aabutin siya ng 60 na nakikisaka parin. Ang kanyang porsyento ay para sa aming kanin at kung may sobra ay napupunta sa nakasanla sa aming palayan para kahit paano ay nababawasan ito.
Mula nang nakapagtapos ako ay ako na ang bahala sa aming pang araw-araw. Nag mamanicure at pedicure din ako. Nanunuod na rin ako sa you tube kung paano manggupit. Marami akong alam na trabaho kaya kahit paano ay may naitatabi akong pera.
Minsan ay nag tututor at naglalaba na rin. Sa liit ko na ito ay marami akong alam na trabaho kaya sa lugar namin ay habulin ako ng mga kakalakihan dahil bukod sa may itsura naman ako kahit maliit ay napaka sipag ko pa.
Ang malas lang dahil karamihan sa mga nanliligaw sa akin ay walang trabaho.
May isang may kaya naman si Raul pero hindi ko kursunada ang ugali ng kanyang ina na pinamata sa akin na mahirap ako at hindi nababagay sa anak niya.
Patatalo ba naman ako, syempre sumagot ako at natahimik siya sabay iniwan ako.
Kailan man ay hindi ako magpapa-api kahit na sino. Magalang ako sa mga taong dapat igalang at kagalang-galang.
"Sige po at ihahanda ko lang ang tinda ko." Sabi ko na tatayo na sana.
"Magpahinga ka na muna anak, handa na ang mga sahog. Pinagtulungan namin ng Itay mo na lutuin at nakalagay na sila sa lagayan mo. Nagpabili na rin kami ng yelo." Sabi ni Inay at napangiti ako.
"O sige po magpalit lang ako ng damit dahil nag-iisang panlabas ko ito." Sagot ko at pumasok na ako sa bahay.
Kung minsan ay may maganda din na dulot ng pagiging maliit dahil mura lang ang aking mga damit. Sa mga pang teenager ako bumibili ang size ng aking paa ay 5 inches. Pero dahil sa hirap ng buhay ay isang formal clothes lang ang mayroon ako at iyon ang aking ginagamit na ng dalwang taon kung mag demo ako.
May kalakihan ang aking dibdib at maumbok ang aking pang-upo kaya kahit maliit ako ay sexy akong tignan. Ang aking buhok ay hanggang sa balikat at medyo wavy kaya kung hindi ako magsuklay ng tatlong beses sa isang araw ay parang isang taong hindi nasuklayan ang aking buhok.
Minsan kasi ang panali ko ay nahuhulog dahil luma na ang garter kaya hindi ko nalang muna itinatali.
Ayoko naman ng rubber band dahil kung alisin ko ay maraming naisasamang buhok at putol-putol.
Sa hapon ay marami akong suki na manginginom. Dahil pang pulutan nila ang aking tinda. Kasabay ng pasarin nila na gusto nila akong ligawan pero agad ko silang binabara.
Nag shower nalang ako at mabilis na nagpalit ng pambahay. Handa na nga nag mga sahog ng halo-halo na tinda ko kaya inilibas ko na ito.
Sa harapan lang ng bahay namin ako ng titinda, may malaking puno ng mangga. Kaya maraming nakikiupo sa hapon tuloy bumibili na rin.
Paminsan-minsan ay tinutulungan ako ng aking mga magulang lalo na kung may nagpapalinis ng kuku.
Lahat ng amoy ng paa ay nalanghap ko na. Na nasanay nalang ako, pero kung matindi ay pinaghuhugas ko pa sila ng kanilang mga paa bago linisan.
Pagka lagay ko ng aking paninda ay may bumili na agad pero wala pa nag malaking yelo kaya nagpabili na muna ako ng tig lilimang pisong yelo. Refrigerator ang pinag-iipunan ko para mas marami akong magawang itinda. Gusto kong gumawa ng ice, ice candy at para may lalagyan na rin ako ng aking mga paninda para hindi agad masir lalo na ang mga pampulutan.
Balak ko din na magkaroon ng sari-sari store para malibang si Nanay. Magaan lang naman ito dahil ako naman ang mamalengke.
"Hay!" Sambit ko at napalalim ang aking paghinga. Ang dami kong pangarap pero hindi ko sigurado kung matutupad ang mga ito.
Nakalimang baso na ako ng dumating si aling Menggay.
"Chyrll dalawang baso nga yung tag trenta."
"Bayad muna po." Agad na sabi ko dahil kilala ko siya pero hindi niya ako mautakan.
"Pwedeng lista muna bukas ko na babayaran."
"Bukas nalang kayo bibili kung ganun." agad na sagot ko at halata ang pagka-inis sa kanyang mukha.
"Bukas ko din babayaran, sige na para sa dalawang bisita ko." Pamimilit niya
"Hindi po pwede, pabalikin mo na lang sila bukas." Inis na din na sagot ko dahil mapilit siya mabuti sana kung totoong magbayad.
"Hay naku Chyrll hindi mo na ako suki ngayon, doon nalang ako sa kabila bibili." Inis na sagot niya.
"May pambili naman pala kayo bakit kayo mangungutang sa akin?"
Sa inis niya ay umalis na siya sa aking harapan. Pumunta nga siya sa kabila na nagtitinda din ng halo-halo. Ilang saglit ay umalis din siya natawa ako dahil nilampasan niya akong wala siyang hawak na halo-halo.
Mabilis na naubos ang aking paninda at tinulungan ako ng aking mga magulang.
Pagsapit ng hapon ay niluto ko na ang mga sumunod ko na paninda tulad ng isaw, paa at ulo ng manok, betamax at hotdog.
Habang inihahanda ko ang mga paninda ko sa hapon ay hinugasan na ni Tatay ang mga lagayan ng mga sangkap sa halo-halo.
"Chryll anak may magpapalinis ng kuku." Sigaw ni Nanay at napatingin ako sa aking orasan mag-alas sais na.
Lumabas ako sa bahay kinausap ko ang magpapalinis na bukas nalang bumalik dahil pagabi na at hindi maganda sa mata.
"Eh bukas na ako manganganak ng binyag." Sagot niya sa akin.
"Kasalan ninyo po bakit ngayon lang kayo pumunta. Doon na kayo sa Bayan baka may bukas pa." Sagot ko.
Lagi siyang nagpapalinis sa akin, pero lagi niya akong binabarat. Dahil hindi naman ako professional ay tinatanggap ko nalang ang kanyang bayad na Trenta sa pedicure at bente singko sa manicure.
Kung sa iba ay umaabot na ng isang daan ang singil lalo na sa paa.
Hindi ko pa nailalabas ang paninda ko na Street foods ay may bumibili na.
"Abala na ako sa aking paninda Ate, sige ho."
Paalam ko at pumasok na ako sa loob. Isa-Isa kong inilabas ang aking paninda.
Si Itay ang nag handa sa uling, eto ang gusto ko kay Tatay very supportive sila sa mga pinagkakakitaan ko.
Umalis na si Ate na ma magpalinis ng kuku.
Nagsimula ng dumugin ang paninda ko medyo mura kasi kaysa sa paninda ng iba. Nagbaba ako ng presyo dahil wala akong refrigerator na paglalagyan kong may matira. Ayoko naman na kainin ng mga magulang ko lalo na si Nanay na nag me maintenance ng gamot para sa highblood.
Konti na lang ang natira at si Bernard ang huling bibili.
"Konti na lang pala, bilhin ko na lahat darling." Sabi niya at nagsalubong ang aking kilay at tinignan siya ng masama.
"Joke lang naman, ang sama mo namang makatingin. Sagutin mo na kasi ako para may katulong ka na magtinda." Sabi niya na isa ding palamunin ng mga magulang hindi ko nga alam kung saan siya kumukuha ng pambili niya kada hapon.
Bago nag-dilim naubos na ang aking paninda kaya nagligpit na ako. Ipinasok ko na lahat at sinarado ko na ang aming kahoy na labasan.
Nakaramdam na rin ako ng pagod kaya mabilis na akong naligo. Pagkatapos kong naligo ay tinulungan ako ni Inay na bilangin ang pera habang si Itay ang nagluluto ng aming hapunan.
"Sa halo-halo anak naka dos mil ka at sa tusok-tusok ay isang libo mahigit." Sabi ni Nanay.
Napangiti ako dahil isang libo din na mahigit ang kinita ko. Agad akong naglagay ng three hundred sa aking alkansiya, ibinigay ko kay Nanay ang natira para sa ulam, ipon sa kanyang gamot at kuryente sa bahay.
"Naku anak, nakaipon na ako ng anim na libo. Sa katapusan pa lang naman ako bibili ng gamot ko at dalawang libo lang, ang kuryente natin ay 300.
Matipid naman tayo sa ulam dahil may gulayan tayo sa likuran ng bahay. Idagdag mo na yan sa iniipon mo." Sabi ni Nanay sabay balik sa akin ang pera.
"Nay, birthday ni Tatay bukas. ibili nalang kaya natin ng cake at isda para sa handa niya mag ihaw tayo." Bulong ko.
"O sige anak." Masayang sagot ni Nanay kaya ibinalik ko sa kanya ang pera.
Pagkatapos naming kumain ay nanuod na muna kami saglit para bumaba ang aming kinain. Ilang saglit lang ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako sa aking upuan dahil sa pagod. Nagising nalang ako na nasa aking kama na ako. Mabilis lang din ako kasi makatulog, kada araw ay nakakasampong oras ako ng tulog. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ako tumangkad. 5ft 4 inches si Nanay sakto lang at si Itay ay 5ft 9 inches. Kung hindi ko lang kamukha si Itay ay sigurado na ampon ako. May lahing kastila si Itay, may kaya ang mga kapatid niya pero ni isang kusing ay hindi sila tumulong kung na oospital ang aking Nanay. Sayang at wala na ang aking mga Lolo at Lola ang sabi ni Inay ay mababait daw sila.
Sigurado ako na kung buhay pa sila ay hindi nila hahayaan ang si Itay na maghirap lalo na at nag-iisang lalaki lang ito. Ang isang kapatid ni Itay ay nakapag-asawa ng businessman sa Manila habang ang isa naman ay councilor sa aming bayan. Ang malas lang ni Itay dahil parehong salbahe at mapagmataas. Pati ang mga pinsan ko ay mana sa kanila.
Ang Nanay ko naman ay nag-iisang anak at parehong wala na ang mga Lolo at Lola ko. May mga kamag-anak man kami pero mamahirap din gaya namin. Isa pa sa kabilang bayan halos sila nakatira. Ang lupa na kinatitirikan ng bahay namin at ang sakahan na naisanla ay ang bigay ng mga kapatid ni Itay. Hindi na siya nag reklamo pa na kakarampot ang ibinigay nila para wala nang gulo pa.