Chyrll's point of view continues
Makalipas ng ilang araw ay pumunta sa bahay namin ang nagsanla sa aming bukid. Kinabahan ako agad kaya lumapit ako sa kanila.
"Pasensiya na Henry kailangan ko talaga ang pera. Dapat last year pa ninyo tinubos ang bukid at pinagbigyan ko kayo."Sabi ng sumanla sa aming bukid.
"Saan naman kami ngayon kukuha ng isang daang libong piso?" Sagot ni Itay.
"Pwede nating itinda o isanla sa ibang tao ang bukid ninyo."
Napahinga ng malalim si Itay. Alam kong hindi niya magagawa na ibenta ang lupang minana niya kina Lolo. Isang buwan Henry, kailangan ko ang pera para ipadala sa anak ko sa ibang dahil gusto na niyang umuwi at kami ang magbayad ng kanyang plane ticket." Sabi ni Uncle.
Isang ofw ang kanyang anak, pero hindi yata kaya ang hirap ng trabaho kaya gusto na niyang umuwi.
Napatango na lang si Itay at nag-iisip na naman siya. Nang umalis si Uncle ay nag-usap kaming tatlo.
Hindi namin kayang ibenta ang aming kalabaw lalo na ang bukid kaya bukas ay maghanap kami ng magsasanla. Para maibalik ang pera nila.
Kinabukasan ay marami kaming pinuntahan na bahay na may kaya sa aming lugar. Ang hirap ay wala sa kanila ang may gusto.
Bigo kaming umuwi sa bahay, matumal pa man din na ang paninda ko dahil tag-ulan na.
Binuksan ko ang aking alakansiya at binilang ito. Kinse mil lang ito mahigit. Gabi na at nag-iisip ako kung paano makatulong sa aking mga magulang. Hanggang sa may naisip ako na paraan.
Paggising ko ay agad ko silang kinausap.
"Tay, Nay luluwas po ako ng Maynila baka doon po ay makahanap ako ng matinong trabaho. Iwan ko na muna ang 10 thousand sa inyo para may gagastusin kayo habang hindi pa ako sumasahod."
"Paano kung hindi ka makahanap agad ng trabaho anak?"Tanong ni Nanay.
"Ayan naman tayo negative agad, ako ang bahala Nay pagdating ng katapusan sigurado akong magsasahod na ako." Sagot ko na parang sigurado. Ni wala nga akong kakilala doon pero bahala na.
Dahil may palugit na ibinigay sa amin si Uncle ay agad akong lumuwas sa Manila na limang libo lang mahigit ang baon ko na pera. Isang libo n ang pamasahe ko sa bus kaya apat na libo nalang. Maraming habilin sa akin ang aking mga magulang.
Bago ako umalis ay pumunta na muna ako sa Bayan na kung saan nakalibing ang pinakamalapit sa aking puso. Nag-paalam ako sa kanya na mawawala lang ako saglit dahil may problema ang pamilya. "Mahal na mahal kita anak" Sabi ko at humalik ako sa kanyang puntod.
Umalis na ako at pinunasan ang aking mga luha. Darating din ang araw na maipakilala ko siya sa aking mga magulang.
Mabuti at may baon pa akong kinain sa bus kaya nakatipid ako kahit paano. Nakatulog ako sa bus at nagising nalang nang nasa Manila na ako.
Napakamot ako sa aking buhok at bumaba na. Ilang gamit ko lang ang aking dala. Pagbaba ko sa bus ay kwarto na marerentahan na muna ang hahanapin ko kahit pang tatlong gabi lang. Napangiti ako dahil sa mini store ay may naka paskil n wanted lady boarder.
Nakita ko ang numero kaya nag text agad ako. Nagreply naman ito at sinabi niya kung saan ang address. Nagtanong-tanong ako at ilang minuto ay nakita ko na ang babaeng ka text ko n kumakaway.
Mabilis akong lumapit sa kanya.
"Ikaw ba ang naghahanap ng marentahan?"
"Opo, magalang na sagot ko dahil mukhang mabait naman siya.
"Magkano po per day?
"Ang per day ay 200 kasama na ang kuryente at tubig. Pero kung isang buwan ay Tatlong libo"
Mahigit four tawasan lang dala ko kaya per day nalang muna baka makahanap ng trabaho.
"Sige po kaya ko hanggang limang araw." Sagot ko dahil nagtira din ako ng aking pangkain at pamasahe.
"Halika at ipakita ko saiyo ang maging kwarto mo. Bale sa bahay ay lima kayong nakatira at puro babae lahat sila ay studyante kaya tahimik lagi ang bahay. Bakit ka nga pala nandito sa Manila?" Tanong ni Ate Cheng.
"Maghahanap po ng trabaho."
"Trabaho, bakit ilang taon kana ba?" Nagtatakang tanong niya at lumingon pa sa akin sabay binuksan ang pinto ng bahay.
"23 na po ako at licensed teacher." Sagot ko.
"Mukha kang dise syete, wala ang mga kasama mo nasa school kaya ikaw na lang muna dito."
"Magbabayad na po ba ako agad?"
"Ikaw kung gusto mo, pwede din na bago ka umalis." sabi ni Ate.
Nagbayad nalang ako dahil baka mawala ko pa ang pera o baka maholdap pa ako gaya ng napapanuod.
Dinala niya ako sa aking maging kwarto, Ang lutuan ay sa kusina. May kabinet na lagayan ng aking damit at maliit na mesa.
Dinala niya ako sa kusina at bawat gamit ay may pangalan.
"Eto ang marker, lahat ng pagkain at anong gamit mo dito sa kusina ay lagyan mo ng pangalan lalo na yung pagkain o inumin mo na ilalagay mo sa refrigerator."
Napakamot ako sa aking ulo dahil wala naman akong palayok o anuman na lutuan. Kaya no choice ako kundi bumili ng luto na.
Pinakita din niya sa akin ang aming banyo. Ang mga shampoo at persona daw namin na gamit ay ipasok namin sa aming kwarto.
"O sige maiwan na kita kung may kailangan ka ay mag text ka lang." Sabi ni Ate at lumabas na siya sa bahay.
Iniwan ko ang aking gamit para bibili ng aking shampoo at toothbrush. Nakalimutan kong dalhin ang toothbrush ko sa bahay. Siya pang bibilhin ko ngayon.
Lumabas na ako at agad na may nakita akong sari-sari store. May mga lutong ulam na din sila kaya bumili ako ng kanin na tatlong cups at isang ulam na gulay. Tapos humingi ako ng libreng sabaw. Bumili na rin ako ng tubig na malaki para makatipid ako.
Mabuti at malapit lang sa bahay, sobrang bigat kasi ng tubig. Dinamihan ko na ang tubig dahil sa tubig lang ay mabubuhay na ako. Ang binili ko ay kasama na ang aking panghapunan. Hindi naman siguro mapapanis dahil may electricfan naman na magpalamig.
Gusto ko sanang ilagay sa refrigerator pero pano ko ipainit eh wala akong gamit kahit kutsara. Hindi maganda na humiram agad ako sa mga tao dito. Hindi ko pa alam ang ugali nila kaya mahirap na.
Naghugas na ako ng aking kamay sa kusina at ang dalawang cup na rice ang binuksan ko, hinati ko na ang ulam at itinabi.
Hinigop ko na ang sabaw sa plastic, itinali ko na muna at binutasan. Nagkamay na akong kumain at naisip ko ang aking mga magulang.
Pagkatapos kong kumain ay nagpahinga lang ako ng saglit. Dinala ko na ang natira kong ulam at kanin sa kwarto ko para dito na ako kakain mamayang gabi.
Mabilis akong naligo at agad na nilabhan ang aking damit may sampayan sa labas kaya doon na ako nagsampay. Halos naka three hundred din ako kanina.
Napagpasyahan kong magpahinga na muna saglit at mamaya ay bibili ako ng diyaryo para umpisahan ko nang maghanap ng trabaho bukas.
Nagising ako na parang may maingay sa labas, bumangon ako at mag-alas singko na pala ng hapon. Sigurado na ang mga studyante ay nagsidatingan na. Sinuklay ko ang aking buhok gamit ng aking mga kamay. Pati suklay ko ay nakalimutan ko na rin na dalhin. Pagkatapos ay uminom ako ng tubig at lumabas na .
Nakatingin sila sa akin at tinignan mula ulo hanggang paa.
"Bagong boarder ako." Sambit ko.
"Hi." Sabi lang nila at sa mga cell phone na sila abala. Napahinga ako ng malalim at lumabas nalang. Pumunta ako sa mini mart na nakita ko kanina. Ilang saglit ay nakarating na ako. Pumasok ako sa loob at nakita ko na may mga diaryo at magazines na nakadisplay.
Lumapit ako at kumuha ng isang diaryo. Pumunta na ako sa cashier para bayaran ito. Itong diaryo lang ay 25 pesos na. Kalahating araw palang ako dito sa manila ay naka ubos na ako ng kumulang na four hundred hindi na kasali ang ilang araw na renta ko.
Umalis na ako at mabilis na naglakad pauwi. Naalaala ko ang aking mga isinampay kaya pumunta ako sa likuran ng bahay. Agad ko na kinuha ang aking mga damit at pumasok na sa loob.
Pagpasok ko sa loob ay nag-iinuman ang mga studyante. Kumulo ang aking dugo dahil sinasayang lang nila ang perang binibigay ng kanilang mga magulang.
"Hoy, bata huwag kang magsumbong kaya Ate." Sabi ng isa.
Tumango lang ako at inalok nila ako ng isang shoot pero tumanggi ako. Pumasok na lang ako sa loob at binasa ang diaryo. Napahinga ako ng malalim dahil naghahanap sila ng experience at may minimun height pa na kasali sa requirements. Mabuti at nakakuha ako ng baranggay clearance at dati na akong may police at NBI clearance. Bukas ay pupunta ako sa isang agency. No choice ako dahil wala nama ako kakilala dito.
May kakilala naman ako pero hindi niya ako kilala. Ang kapatid ng tatay ko na mayaman. Kinain ko na ang aking tira kanina at pagkatapos ay naghugas ako ng kamay at nag toothbrush na rin para hindi na ako lalabas pa mamaya.
Kinabukasan ay maaga akong nagising, sa kabitbahay na namin ako kumain ng agahan at doon na rin ako naki suklay. Mabuti at mabait ang nagtitinda doon. Kailangan na bumili talaga ako ng aking suklay at panali. Sinubukan ko na tinanong sa kanya ang address ng agency na binilugan ko. Isang sakayan lang daw ng jeep.
Umalis na ako at agad kong nakita ang jeep na nakaparada at naghihintay ng mga pasahero. Sumakay na ako at agad nang nagbayad, habang naghihintay ng ibang pasahero ay kinausap ko ang kundoktor kung saan ako pupunta.
"Ako na ang bahala magsabi saiyo ineng kung baba ka." Sabi ng conduktor. Napangiti ako dahil mabait si Kuya. Ito din ang kagandahan ng maliit napagkakamalan ako na bata.
Puno na ang jeep kaya umandar na ito, halos kinse minuto lang ay pinababa na ako at sinabi niya na tatawid lang ako at turn left. Makikita ko na ang agency na pupuntahan ko.
Tama nga si kuya dahil agad kong nakita ang building ng agency. Pumasok ako at may umasikaso sa akin.
"Anong alam mo na trabaho , anong experience mo at ilang taon kana." Mga tanong ng babae na mukhang strikto.
Napakagat labi ako, nagtitinda po ako ng halo-hal at street foods, naglilinis ng kuku at lahat po ng gawain bahay ay kaya ko. Bente tres na rin po ako." Sagot ko.
"Gusto mong maging kasambahay?" Tanong niya at umiling ako.
"Pwede naman po ako sa mga office o mga private school dahil licensed teacher na naman po ako." Magalang parin na sagot ko kahit na ramdam ko na sinusungitan ako.
"Bakit may experience kaba?" Tanong niya na may kasamang pangungutya kaya napakuyom ang aking mga kamao at umiling.
"Kahit saleslady ineng ay hindi ka pasok. Kulang ka sa height." Sabi pa niya.
"Paano po ako magka experience kung hindi ninyo ako subukan?"
"Hindi ako ang maging amo mo, may experience ang mga hinahanap nila at sinasabi ko lang saiyo."
Napahinga ako ng malalim at umalis nalang. Naglakad lakad ako at tumingin kung mga naghahanap kahit tindera na lang pero wala nagutom ako kaya napagpasyahan kong kumain sa karinderia. Isang kanin at gulay ang kinuha ko. Unli naman ang sabaw nila kaya doon na lang ako magpapakabusog dahil ang isang takal ng kanin nila ay parang limang kutsara lang.
May tinda sila na diaryo kaya kumuha ako ng bago. Nakita ko na may naghahanap ng Yaya sa kambal na babae na apat na taong gulang at napanganga ako sa laki ng sahod. Thirty thousand ang per month tapos libre na lahat. Binilang ko ang akong natitirang pera sa aking isipan. Mahigit na isang libo nalang ang natitira. Kailangan na makuha ako kung hindi ay uuwi ako na luhaan. Dahil dapat ay magtira ako ng isang libo para may pamasahe ako pauwi sa probinsiya.
Inilagay ko ang diaryo sa aking bag at umalis na. Sa layo ng nilakad ko ay muntik pa akong maligaw. Mabuti at nakita ko na ulit ang jeep na pabalik sa amin.
Sumakay na ako at nakilala ako ni kuya.
"Kumusta ang lakad may nahanap ka ba na trabaho?" Tanong niya at umiling ako.
"Tiyaga lang Ineng maka hanap ka din." Sabi niya at parang narinig ko sa kanya ang laging sinasabi ng aking mga magulang na magtiyaga.