PRINCESS
"Hey. I just want to congratulate you" nakangiting bati sakin ni Andy habang papasok ako office.
"Thanks!" nakangiting sagot ko naman sa kanya. At least ngayon, sya na yung magDDJ don. Tapos na yung kalbaryo ko. "Oh btw, goodluck mamaya. Kaya mo yan"
Bigla namang kumunot yung noo nya.
"For what?"
"Duh, The Love Guru"
"Why?"
"Huh? Anong why? Eh malamang ikaw na yung maghohost mamaya."
"Sinong maysabi sa'yo?"
"Sila Joel. Kaya nga ako yung naghost kahapon diba? Wala ka daw kasi so kinuha nila ko as a replacement."
Bigla naman itong napatawa kaya mas lalo akong nagtaka. Ano namang nakakatawa sa sinabi ko? Adik ba to?
"Seryoso? Yan yung sinabi nilang dahilan para lang mapapayag ka? Lame!" natatawa pa ring sabi nya.
Ano daw? Dahilan? Mapapayag? Psh, wala talaga akong maintindihan dito.
"What do you mean?" takang tanong ko pa rin sa kanya.
"Cess, ikaw yung only choice nila para maghost dyan sa program na yan kaya imposible yung sinasabi mo na ako yung maghohost mamayang gabi"
"Pero kase sabi nila---"
"Why don't you ask your bestfriend?"
"Wala pa yun dito, ang aga-aga pa eh"
"Really, eh sino yung kausap ni Maine?" sabi nya na halatang may galit sa boses. Pagtingin ko sa kanya, masama yung tingin nya sa dalawa.
Oh, sya nga pala yung huling guy na 'di-nate' at 'pinaasa' ni Beachy. Kaya hindi na ko magtataka kung bakit parang nagseselos sya at galit na galit dun sa dalawang nag-uusap. Oh I mean, naglalandian sa malapit sa station ko. Seriously? Dun pa talaga? Pwede naman sa ibang lugar diba? Pustahan tayo kasalanan na naman ng malanding babaeng yan. Malamang gusto nyang ipangalandakan sakin na kayang-kaya nyang maagaw sakin si Joel. Psh! Akala ko ba wala syang gusto sa bestfriend ko? Eh bakit may pahampas-hampas pa sila sa braso ng isa't-isa? Eh kung sila kaya yung hampasin ko ng keyboard?
Agad ko namang hinawakan sa balikat si Andy. Malungkot na tumingin lang sya sakin.
"It's ok Andy. Dapat kase hindi mo pinayagang landiin ka, yan tuloy nasasaktan ka ngayon."
"But I like her."
"Eh ikaw, gusto ka ba nya? Alam mo Ands, alam naman nating lahat yung reputasyon nya dito diba? At hinding-hindi na magbabago yang babaeng yan. Kaya kung ako sa'yo hanap ka na lang ng iba na pagtutuunan mo nyang pansin mo. Yung mas deserving, yung taong hindi ka lolokohin at mamahalin ka forever. Kalimutan mo na yang babaeng yan."
"But---"
"No buts Andy. Hindi ka nya magugustuhan" derechong sabi ko sa kanya.
"Aray ko naman! Maka-hindi ka naman magugustuhan."
"Seryoso ako don. Alam mo kung bakit? Kase sya yung tipo ng tao na ayaw ng commitment, ang gusto lang nya, lumandi ng lumandi. At kung meron syang mahal, yun yung sarili nya. Gets? So go, tumingin-tingin ka lang sa paligid mo dahil malay mo nandyan lang talaga yung para sa'yo" nakangiting sabi ko sa kanya.
"Naks, Love Guru na Love Guru yung dating mo ah!" nakangiti nang sabi nya.
"See? Mas bagay sa'yo yung nakangiti, mas lalo kang nagiging gwapo" sabi ko sabay kindat sa kanya.
"Pero hindi ko susundin yung sinabi mo na tumingin-tingin sa paligid kase si Marlo lang yung nakikita ko dito ikaw na alam kong off-limits." Sabi pa nya.
"Buti alam mo" sabi ko na natatawa na din.
Medyo napalakas yung tawanan naming dalawa nang lumingon samin si Marlo at kumaway. Medyo napakunot nga yung noo nya nung nagkatinginan kami ni Andy at nagtawanan.
"Wow mukhang nagkakasayahan kayo dito ah!" nakangiting sabi ni Joel na hindi ko namalayan na nakapalit na pala saming dalawa ni Andy.
Hahanapin ko pa sana yung kaharutan nya pero bigla na lang sumulpot sa may harap ko na medyo nakasimangot. O akala ko ba ang saya-saya nila ni Joel kanina dun sa may station ko? Ba't ganito agad yung mukha nya? Ang moody ni Beach.
"Yeah, may inadvice lang sakin tong si Ms. Love Guru" sagot naman ni Andy na halatang pinipigilan yung sarili nya na tumingin kay Maine. Way to go Ands!
Bigla ko namang naalala yung sinabi sakin ni Andy kanina kaya hinarap ko agad si Joel.
"May sinasabi pala si Andy kanina. Hindi daw sya yung host talaga ng Love Guru. Sino ba talaga?" tanong ko dito.
"You" sagot naman ni Beach. Yung totoo te? Ikaw kausap ko?
Hindi ko naman sya pinansin at inulit yung tanong kay Joel.
"Joel, sino?"
Narinig kong bumulong si Maine pero hindi ko na lang pinansin. Ayoko syang kausap. Pagkatapos nya kong murahin kagabi, tse sya!
"Tulad nung sinabi sa'yo ni Andy and ni Maine, ikaw talaga yung host nung program na 'yon."
"Bakit ako?"
"Why not?" singit na naman ni Maine.
Tiningnan ko lang sya ng masama kaya pumunta muna sya sa likod ni Joel. Ganyan nga beach, makuha ka sa tingin!
"Joel?"
"Ikaw yung gusto ni daddy, ikaw yung gusto nung bumubuo ng program, and ikaw yung gusto ni Maine. Sabi nya, kung hindi daw ikaw yung kukuning host, hindi na lang daw sya yung magsusulat."
Takang tumingin naman ako kay Maine. Ngumiti lang sya sakin at nag-peace sign. Peace mo mukha mo, tadtarin kita into pieces dyan eh!
"Mag-uusap tayo mamaya" sabi ko sa kanya.
Pero ng bruha, imbes na matakot sa tingin ko, mas natuwa pa yata. Bwisit talaga!
"Kakain ba tayo sa labas or manonood ng movie or---"
"Tse! Pinagsasasabi mo dyan! Mag-uusap tayo mamaya after kong kausapin tong magaling kong bestfriend." Bwisit na babaeng yon, nag-aadik yata!
"Sunget!"
Inirapan ko lang sya at hinarap si Joel.
"At ikaw magaling na lalaki, dun tayo sa office mo at dun tayo mag-usap dahil nagtitinginan na yung mga kasama natin!" sabi ko sabay kaladkad dito.
Papasok na sana kami sa office nang mapansin kong kasunod namin ni si Maine.
"Excuse me?" tanong ko sa kanya.
"Yeah?"
"Anong ginagawa mo dito?"
"Makikipag-usap!"
"Are you deaf? Diba sabi ko PAGKATAPOS naming mag-usap ni Joel. Anong part ng salitang PAGKATAPOS ang hindi mo maintindihan? O baka gusto mong englishin ko pa?"
Tumingin muna sya sakin bago nagsalita.
"Kayong dalawa lang sa office?"
"Malamang, pero kung may nakikita ka elemento na hindi namin nakikita ni Joel, malamang, may kasama kami dito!"
Pero hindi pa rin sya natinag sa kinatatayuan nya. Nakatingin lang saming dalawa si Joel.
Inis na nilapitan ko muna sya at inilayo ng konti para hindi marinig ni Joel yung pag-uusapan namin.
"If you're thinking na aagawin ko sa'yo si Joel kaya ko sya kakausapin mag-isa sa office nya, nagkakamali ka don. I love him pero hindi ako shunga para ipagtapat sa kanya yon. Kailangan lang naming mag-usap dahil sa Love Guru na yon. Okay? Naiintindihan mo?"
"Promise?" seryosong tanong nya.
Hay nako! Sasabi-sabihing hindi nya type si Joel pero may pa-promise-promise pa syang nalalaman!
"Oo na promise na, so pwede na ba kong pumasok sa loob nang hindi ka sumusunod?"
Nakangiting tumango sya pero bago ko tuluyang makalayo, bigla nya kong niyakap. Takang tumingin ako sa kanya.
"Basta promise ha?" bulong pa nya.
Inis na kumalas naman ako sa kanya.
"Ang kulit mo din eh no?! Oo na nga diba?" sabi ko sabay pasok sa loob ng office ni Joel at sarado ng pinto.
"And now my dear bestfriend, explain!" seryosong sabi ko kay Joel.
"Fine! Nung time kasi na binubuo yung program na yan, sabi ni Dad, bigyan ng chance lahat ng employees para maging host nung program. So nagpa-audition kami, remember?"
Walang ganang tumango ako.
I remembered that day. Halos lahat yata dito sa office eh nag-audition don, well, bukod sakin. Hindi ako interesado sa mga ganong bagay.
"Na hindi ka nag-audition, right?"
"Yeah."
"And nung araw na yon, walang nagustuhan si Dad and si Maine."
"So?"
"So they asked me kung meron pa kong kilala na pwede. Sabi ko---"
Pinaningkitan ko sya ng mata dahil parang alam ko na yung susunod nyang sasabihin.
"Wag mo kong tingnan ng masama, hindi pa ko tapos magkwento."
"Fine." I sighed. "Tuloy"
"Ang sabi ko, meron pa pero sigurado akong hindi papayag yung taong yon and wala syang experience sa mga love-love na ganyan. Kaya yon, sabi nila, mamili na lang kami sa mga nag-audition. Tapos after nga nung usapan namin na yon. Nakita ka namin sa labas ng building na may kinakausap na umiiyak na babae tapos narinig naming tatlo yung exact words na sinabi mo don sa babae. Ang sabi mo, 'Hey, wag ka ng umiyak. Wag kang mag-alala, babalikan ka din non. Tapos nakita namin na nagsmile yung babae and nagpasalamat sa'yo. Ang galling mong mag-advice non. Hindi na mukhang brokenhearted si Ate after nyo mag-usap e. Nung napatingin ako kay Daddy and kay Maine, pareho silang tumatango. Pero sabi ko nga, hindi ka papayag. So sabi sakin ni Daddy, kailangan kong gawin lahat para mapapayag ka" paliwanag pa nya.
Pilit ko namang inalala yung sinabi nyang ginawa kong yon. Bigla naman akong napatampal sa noo ko. Sinasabi ko na nga ba at mamalasin ako ng araw na yon eh!
"Nakakaloka! Anong brokenhearted yung pinagsasabi mo dyan?! Umiiyak yung babaeng yon dahil naiwan sya ng service nila at at wala syang pamasahe pauwi. Ayaw naman nyang tanggapin yung perang binibigay ko kase hindi rin sya marunong magcommute. Nakasalubong ko lang yon nung time na hinabol ko yung manong na magffishball. Ayoko lang kasi ng may ngumangawa sa harap ko alam mo yan!"
"Eh kase akala namin----"
"Kaya maraming namamatay sa maling akala best eh! Sana kase kinausap mo muna ako. Hindi yung bigla-biglang ganito. Ayoko! Hindi na ako uulit dun sa Love Guru na yon!"
"Alam mong hindi yan pwede best!"
"At bakit-----"
Napatigil ako ng pagsasalita nang ipakita nya sakin yung kontrata. Shocks, pumirma nga pala ko don. Bakit ba kasi hindi ko binasa yung nakasulat eh?
Alam mo kung bakit? Kase nakatitig ka sa mukha ng bestfriend mo nung time na pinapapirmahan sa'yo yon! Ayan tuloy, naisahan ka!
"Best kase---"
"Please best. Para sakin naman 'to" parang nagmamakaawang sabi nya habang papalapit sakin.
Eto na naman po sya. Nang-aakit na naman yung mga tingin nya.
"Pero kase---"
"Please" sabi nya habang mas lalong lumalapit sakin.
Fk! Eto na ba yon? Parang yung panaginip ko lang? Habang papalapit sya, kinukurot ko yung sarili ko para makasiguradong hindi 'to panaginip lang.
Nung mas medyo malapit na sya, ipinikit ko na yung mga mata ko kase alam ko na yung susunod na mangyayari pero ganun na lang yung pagkadismaya ko nang biglang bumukas yung pinto at pumasok dito ang walanghiyang babae na nakangiti saming dalawa ni Joel. Bigla namang umatras si Joel at medyo lumayo sakin.
Shuta! Ayun na eh, humanda talaga tong babaeng 'to sakin.
"Sir eto na po yung pinadeliver nyong strawberry shake." Sabi pa nito.
Palihim ko naman syang tiningnan ng masama pero binelatan lang nya ko. Aba't!
"Salamat Maine ha. Pero sana hindi mo agad ipinasok" narinig kong sabi ni Joel.
Aww, disappointed din sya sa nangyari kanina. Gusto nya talaga akong i-kiss. Yiee. Napangiti naman ako nang maisip ko yon. Pero agad ding napalitan ng simangot nang magsalita agad si beach!
"Eh sir, ayoko naman po na juice na lang yan pag ininom nyo. Shake nga po yung inorder nyo eh. Kung may plano kayong tunawin yun eh di sana juice na lang yung pinaorder nyo sakin, hindi na sana sila napagod sa pagblender nya diba?" may pang-aasar pa na tono ng bwisit na babae. Tsk, kung ako talaga kay Joel, iffire ko na tong babaeng 'to eh! Asungot!
"May kailangan ka pa?" tanong pa ni Joel dito nang hindi pa 'to lumalabas kahit nasa table na ni bestfriend yung strawberry shake. Hmmm, strawberry...
"Best, favorite mo nga pala yung strawberry shake no? Bakit parang ngayon ko lang nakitang umorder ka nyan?" tanong ko kay Joel bago pa makasagot si Maine sa tanong nya. I need to confirm something.
"Nah, araw-araw yan best, walang palya. Alam mo namang yan yung nagbibigay sakin ng energy diba?" sagot naman nya sakin kaya hindi ko napigilan magsmile.
OMG! Ibig sabihin non, totoo yung kiss nung isang araw. Oh gosh! Hinalikan talaga ako ni Joel non. Sabi ko na nga ba eh! Hmmmm, kailangan ko lang ng bwelo bago itanong sa kanya yon!
Tumango-tango na lang ako para hindi na nya tanungin kung bakit nakasmile ako.
"Maine?" narinig kong tanong ulit ni Joel.
"Yes sir?"
"May kailangan ka pa?"
"Hmmm, eto, inabot sakin kanina. Ratings daw ng programs natin kahapon" nakangiti pa ring sagot ng babaeng atribida.
Bigla namang nagliwanag yung mukha ni Joel nang makita yung nasa loob nung envelope na iniabot ng bruha.
"Best! 20.57% yung first day ng program mo!" masayang sabi ni Joel.
Nanlaki naman yung mata ko dahil sa sinabi nya. 20.57? Totoo ba yon? OMG!
"Princess! Ngayon lang tayo nagkaron ng rating na nasa 20+! Grabe! Iba ka, iba ka Love Guru!" sabi ni Joel na akmang lalapit sakin pero naunahan sya ng bruha. Nagulat ako nang bigla nito akong yakapin na NAMAN!
"Congrats Princess, sabi ko na nga ba eh, hindi talaga kami nagkamali sa pagpili sa'yo! Goodjob ka!" nakangiting bati nito.
"Uh, thanks? Pero pwede bang bitawan mo ko?" bulong ko dito.
Pero mas lalong humigpit yung yakap nya sakin. Ugh! Hindi ako makahinga. Bwiset!
"Ay oo nga pala sir, pinapatawag ka pala ng daddy mo sa conference room" sabi pa nito.
"Pero hindi pa kami tapos---"
"Ay sir ngayon na daw po. ASAP daw" sabi nito na hindi na pinatapos pa si Joel.
Umiling na lang si Joel bago derechong lumabas. Agad namang isinarado ni beach yung pintuan. At malanding humarap sakin. At pag sinabi kong malandi, yung itsura nya ngayon, parang may gagawing hindi ko magugustuhan.
"Uh, baka kailangan ako ni Joel----" sabi ko na akmang lalabas pero agad nya kong hinawakan.
"San ka pupunta?"
"Ano kase, yung, si ano---"
"You've been very naughty my dear Princess" malandi pang sabi nito.
Whoa! Why do I have this feeling na parang nakikipagflirt sakin tong babaeng to? Bigla naman akong napailing. Nah, mas malandi pa to sa inahing kambing eh!
"Pinagsasabi mo dyan? Shabu pa teh!" inis na sabi ko sa kanya.
"Diba nagpromise ka na wala kayong gagawin dito ni Joel?"
"Hoy kung inaakala mong inaagaw ko sa'yo si Joel, hinde no! wala naman kaming ginawang masama ah!"
"Wala daw! Yung totoo?"
"Wala nga! Bigla kang pumasok diba?"
"Yun na nga eh, kung hindi ako pumasok eh di sana hinalikan ka na nya!"
"Eh ano ngayon kung halikan ako ni Joel. Anong problema mo don?"
"At gusto mo naman! Palibhasa hindi ka pa nahahalikan."
"Wow ha, papano mo naman nalaman?"
"Malamang, hindi ka marunong humalik eh!"
"Excuse me? For your information, hinalikan na ko ni Joel no!"
Kunot-noo naman na tumingin sya sakin.
"Kelan?"
"Nung isang gabi!" mayabang na sabi ko. Hah! Akala nya kase sya lang yung nakaranas mahalikan dito!
Mas lalo namang kumunot yung noo nya kaya napatingin ako dun sa strawberry shake. Napangiti ako nang maalalang biglang naglasang strawberry yung lips ko.
Nagulat ako nang bigla syang ngumiti matapos sundan yung tingin ko.
"Pasalamat ka kailangan din ako dun sa conference room. Mamaya na lang tayo mag-usap after nung program mo" sabi nya sakin at pagkatapos ay binuksan yung pinto.
Pero nagsalita muna sya bago tuluyang lumabas.
"Oh btw, mahilig din ako sa strawberry shake" kindat nya sakin bago tuluyang nawala sa paningin ko.
Oh eh ano naman kung mahilig din sya don? Pakelam ko----
Biglang nanlaki yung mata ko when I realized kung ano yung ibig nyang sabihin non.
Umiling-iling na naman ako.
No! Si Joel yon. Hindi sya yon. Si Joel yon.
Ewan ko lang ha pero biglang nag-echo yung sinabi sakin ni Joel nung gabing 'yon.
"Nauna si Maine dito kanina kasi nga may aayusin daw dun sa script and dun sa name mo sa program mo."
"Nauna si Maine dito kanina kasi nga may aayusin daw dun sa script and dun sa name mo sa program mo."
"Nauna si Maine dito kanina kasi nga may aayusin daw dun sa script and dun sa name mo sa program mo."
Wow ha, tatlong beses talaga? Pero hindi yan, si Joel talaga yon. Naniniwala ako na hindi si Maine yon dahil hindi naman sya mukhang shiboombuley!
And hello, hinding-hindi ako papayag na babae yung makakuha ng first kiss ko. No way, hi-way! Babae na, tapos si Maine pa? Eh di sige, laslas-pulso na!
Charot!