PRINCESS
“Bongga ka day! Ang shoray ng premiere ng Love Guru kagabi, balita ko bonggang ratings natin ah! Iba ka talaga charotasya!” masayang sabi sakin ni Marlo.
Pero hindi ko sya pinapansin dahil medyo magulo yun isip ko ngayon. Una, dahil un sa Love Guru na yon, kinausap na ko kanina ni Tito and hindi na ko makakapagback-out talaga lalo pa ngayon, bongga yung 1st night namin diba? At isa pa, etong si Maine, ang daming alam sa buhay. Okay na eh, si Joel na yung inisip ko na humalik sakin nung isang gabi eh, tapos bigla syang babanat na favorite din nya yon. Anong gusto nyang palabasin? Psh, ginugulo lang nya yung isip ko. Bwisit na babae talaga yon. NAKAKAGIGIL!
“Ay tarush, dedmakels ang beauty ko. Yeng tetee? May kausap ba ko?” narinig ko pang sabi nya pero tiningnan ko lang sya saglit sabay balik sa pagtulala.
“Ay waley na itey, tulaley si atey! Ay bongga rhyme!” sabi pa nya sabay tawa.
“Funny” walang ganang sabi ko.
“Fifi?”
Sasabihin ko ba kay Marlo? Papano kung?
“Fi ano ba? Nagwoworry na ko sa’yo ha! Nagddrugs ka ba?” seryosong tanong nya sakin.
“Gaga, palagay mo sakin adik?”
“Sa itsura mo ngayon Fi? Oo. Aba’y daig mo ba yung naluging bakla ah! Ba’t ka ba nagkakaganyan?” concern na tanong niya.
Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.
“Marlo kase---“
“Oh my God Fifi! Kelan pa yan? Bakit hindi mo agad sinabi?”
“Huh?” Leche, eh parang sya yung adik saming dalawa eh.
“Papano nangyari yan? Pinwersa ka ba? Kusang-loob ba yan? Sinong ama nyan? Anong plano mo after?”
“Mar----“
“Fi, isa lang yung hihilingin ko sa’yo, kahit anong mangyari, wag na wag mong ipapalaglag yang bata. Kung gusto mo, susuportahan ko kayo nyang batang yan. Sige, magpapakalalaki ako para sa’yo, kung ayaw man ng tatay nyan na panagutan ka, ako na lang, ako na lang yung aako sa batang yan.”
Gustung-gusto ko nang batukan tong baklang ‘to dahil sa pinagsasabi nya pero parang gusto kong sumakay muna sa kashungahan nya ngayon.
Ngumiti ako sa kanya at hinawakan yung mga kamay nya.
“Talaga? Gagawin mo yon para sakin? Para samin ng magiging anak ko? Or should I say, anak nating dalawa?”
Parang bigla namang tinakasan ng kulay si Marlo. Akala nya sya lang marunong ng mga ganitong bagay ha.
“Ah, ano kase, yung sinabi ko kanina---“
“So tulad ka rin nila? Iiwanan mo din ako sa panahong kailangan kita? Akala ko ba kaibigan kita? Akala mo ba mahal mo ko? Bakit ganyan?”
“Fi kase, sino ba kasing tatay nyan?”
“Why’d you have to know? Wala din naman kaming kwenta para sa’yo diba? Hindi mo rin naman kayang panindigan yung sinabi mo diba?”
“Fi kailangan kong malaman, malay mo pwede pa nating mapakiusapan. Pwede pa nya kayong panindigan.”
“Hindi na”
“Pero Fifi—“
“Okay lang. Ipapalaglag ko na lang tong bata”
“Kasalanan yan Fi”
“Bakit? Bunga din naman sya ng isang kasalanan diba?”
“Fi sinong ama nyan? Kilala ko ba?”
Malungkot na tumango ako.
“Sino?”
“Si-“
“Fi?”
“Si John Loyd.”
“John Loyd?”
“Cruz”
Nagulat ako nang bigla nya kong binatukan.
“O shuta! Pinaglololoko mo na naman ako! Feelingera ka. Te, kahit kumembot ka sa harap non ng isang libong beses, hindi ka magugustuhan non.”
“Wow ha, sa ganda kong to? Papano ka naman nakakasigurado dyan?”
“Bakla yon day.”
“Mukha mo! Lalaking-lalaki yon no!”
“Pustahan tayo bakla?!”
“O sige papano mo mapapatunayan yan? May girlfriend kaya yon!”
“Yun na nga eh. Ang girlfriend nya, si Becky! So alam mo na te?! Bakla si Johnloyd!”
Sukat don ay ibinato ko yung kung anong pwede kong ibato sa kanya.
“Bwisit ka talaga! Ang dami mong alam! Pasalamat ka---“
“Ano?”
“Walang patatas dito. Na kay Sarah lahat kaya tinapay lang yang ibinato ko sa mukha mo!” natatawang sabi ko sa kanya.
“Aba teka Amelia, sumasagot ka na ngayon?! Wala kang modo, wala kang respeto, hala umakyat ka sa taas at linisin mo ang chimineya!” masungit na sabi nya.
Pagkatapos non ay bigla kaming naghagalpakang dalawa.
“In fairness bek, kuhang-kuha mo si Ms Minchin, Jean Garcia yung peg mo te!” sabi ko habang tumatawa pa rin.
“Ikaw nga hindi ko alam kung si Lavinia ka o si Loti eh!” sabi pa nya.
“Bwiset!”
“O eh di ayan tumatawa ka na. So pwede mo na sigurong sabihin sakin kung anong problema mo?”
“Fine.”
“Okay, spill”
Sinimulan kong ikwento sa kanya lahat ng nangyari simula nung akala kong panaginip ko hanggang dun sa usapan namin nila Joel at Maine kanina.
Naiiling na natatawa lang sya matapos kong magkwento.
“So bek, may possibility na si Maine yung humalik sa’yo?” nakangiting tanong nito.
“Oo at ang weird mo dahil nakasmile ka pa dyan. Kita mo na ngang namomroblema ako dito diba?” inis na sabi ko sa kanya. Parang sira kase.
“Ang cute lang kase kung si Maine nga, ibig kasing sabihin non, hindi mo sinasadyang halikan sya kase akala mo sya si Fafi Joel.”
“Ano namang cute don?”
“Eh kase, sa dinami-dami ng mga nakadate nyang lalaki dito sa office na atat na atat na halikan sya, eh ni isa sa kanila eh hindi nakascore. Tapos ikaw pa yung biglang makakascore sa kanya. Yung taong galit na galit sa kanya. Diba ang cute non?” tatawa-tawa pang sabi nya.
“Wala pang nakakahalik kay Maine sa lahat ng lalaking naka-date nya? Takang tanong ko. Seryoso ba yon?
“Yes day. At kung nahalikan mo nga sya nung gabing yon, ikaw ang first kiss nya”
“Ows? Eh diba ang easy-easy lang nya?” bulong ko dahil baka biglang sumulpot na naman yung babaeng yon.
“Ayan na naman tayo sa pagiging judgemental natin eh. Day, friendly lang talaga si Maine at kahit kelan, hindi naman sya nagbigay ng motibo sa mga lalaki dito no! Sumasama lang syang makipagdate para lang makisama. At ngayon alam ko na kung bakit hindi man lang na-fall sa kahit sinong lalaki dito” nakangiting sabi ni Marlo.
“Bakit?”
“Eh kasi day, ikaw ang type non! Betchikola ka nya te! Ganda mo ni!”
Bigla ko naman syang hinampas. Duh! Anong kashungahan na naman ba yung pumasok sa isip ng bading na ‘to para isipin nya yon?
Magsasalita pa sana ako nang biglang may kumatok sa pinto. Sino pa nga ba?
“Girls, start na tayo in 30 seconds okay?” narinig kong sabi nito.
Sabay naman kaming tumango ni Marlo. Okay, second night! Kaya mo ulit yan Princess. Go!
Noon biglang nag-cue samin si Maine na magstart na.
“Good Evening, good evening, at isa pang good evening! Nandito na naman po ang pinakamagandang becky sa balak ng universe, DJ Beckyboomboom na gustong magpasalamat sa lahat ng tumawag at nakinig samin gabi ni Charotasya! The best kayong lahat. At dahil dyan, ikikiss ko kayo sa throat!” pakilala ni Marlo.
“And of course, kung nandyan si DJ Becky, nandito rin ang pinakamagandang Dyosa sa ibabaw ng lupa na si DJ Charotasya na may baon na namang kasabihan para sa mga walang alam gawin kundi lumandi at makipagflirt dyan. Tandaan, ang Makati, lugar yan, hindi inuugali! Charot! Magandang-magandang magandang gabi sa inyong lahat. At tulad ng sinabi ni DJ Becky kanina, maraming salamat sa mga nakinig, nakikinig, at makikinig pa sa programang “The Love Guru”.
“At syempre, dahil kanina pa kayo naghihintay saming dalawa, simulant na natin ang pakikinig sa mga problema nyo sa puso at pagbibigay ng advice ng ating Love Guru.” Sabi pa ni Marlo.
“Ready na ba ang ating first caller?”
At tulad kahapon, iba-ibang love problems na naman yung napakinggan namin ni Marlo, meron dyang iniwan lang ng boyfriend eh gusto na daw mamatay, parang shunga lang! Kung maka-arte sya ng ganon eh akala naman namin ni Marlo eh pagkatagal-tagal na nila ng jowa nya, yun pala, 5 days pa lang sila. Kung nandito lang talaga sa harap ko kanina yung caller na yon eh baka kinalbo ko na sya sa ka-OA-yan nya!
Tapos yung isa naman, feeling daw nya ginagamit lang sya nung girlfriend nya. Wala daw alam gawin kundi magpabili ng kung anu-ano sa kanya. Nung tinanong ko kung ilang taon na sila pareho, sabi nya sya daw 57, yung girlfriend daw nya 18. Ay taray, nakakaloka, Ka-Freddie ikaw ba yan? Jusko, eh mas malinaw pa naman kesa sa batis ng Maria Makiling na ginagawa lang talaga syang asukarera de papa ng babaeng yon.
“Wow ha, medyo naloloka kaming dalawa ni DJ Charotasya sa mga problema nyo ha! Pero tulad nga sinabi namin kanina, lahat ng problema may solusyon, at kaming bahala ni Love Guru dyan. At dahil patapos na naman po yung programa natin ngayon, kakausapin na po namin yung last caller. Hello Good Evening!” bati ni Marlo.
“Good Evening naman po DJ Becky, DJ Charotasya.”
“Maari ba naming malaman ang iyong pangalan binibini?” tanong ko naman.
“Tintin po Ms Love Guru.”
“Hello Tintin. Pwede mo nang ikwento kung ano man yung problema mo sa buhay pag-ibig.” Sabi ko pa.
“Actually DJ Charotasya, wala naman po talaga kong problema sa love eh. Yun po kasing Dyosa na tulad ko, eh hindi naman po nagkakaron ng problema dyan”
Bigla naman akong napatawa habang nagsasalita sya, parang ako lang ah!
“Oh I see. So pwede mo bang sabihin sakin kung anong dahilan ng iyong pagtawag sa Love Guru?”
“Hmmm, I just want to know the answer lang dun sa question na hindi ko masagot-sagot.”
“Basta hindi tungkol sa history yan, pwedeng-pwede mong itanong samin yan!” sagot ko pa.
“Hm, Dapat po bang may sagot pag tinanong ka kung bakit mo mahal ang isang tao?” tanong nya samin.
“Wow! Medyo mahirap sagutin yang tanong na yan ha, pero sige, sasagutin yan ni DJ Becky!” nakangiting sabi ko.
Agad namang sumenyas sakin si Marlo sabay mute ng mic nya.
“Bakit ako?” tanong nya.
“Wala pa kong maisip eh, ikaw muna” sagot ko naman sa kanya.
Agad naman nyang kinausap yung caller.
“Para sakin, tingin ko, dapat talagang may dahilan kung bakit mahal mo yung isa tao e. Example, mahal mo sya kase sweet sya, mahal mo sya kase mabait sya, mahal mo sya kase sya lang yung nagparamdam sa’yo kung papano magmahal at mahalin ng tapat” sabi ni Marlo.
“Ah, so ibig nyo pong sabihin, sa bawat pagsabi mo ng mahal kita kailangan laging may kasunod kung bakit?” tanong ulit ni Tintin.
“Parang ganun na nga. May nakapagsabi sakin noon na oo medaling sabihin yung salitang mahal kita, pero mahirap sabihin kung bakit. Yung parang mapapaisip ka ng, oo nga no, bakit ko nga ba sya mahal?” sabi pa ni Marlo.
“Ah, gets kita DJ Becky. Salamat po ha!”
“Walang anuman, so may ibang tanong ka pa ba dyan?”
“Wala na po---“
“Wait.” Habol ko sa sa kanya bago nya ibaba yung phone.
“Yes DJ Tasya?”
“Naisip ko lang kase. May point naman si DJ Becky na siguro mas maganda talagang alam mo yung dahilan kung bakit mahal mo yung isa tao. Pero kase sa opinion ko, kung may mga dahilan ka para mahalin yung taong yon at mawala bigla yung dahilan na yon, ibig bang sabihin non, hindi mo na sya mahal? Example lang, sabihin natin na minahal mo sya kase sweet sya, so ibig bang sabihin non, pag nawala na yung sweetness nya sa’yo, hindi mo na sya mamahalin? Papano kung hindi na sya mabait sa’yo? Kung hindi na nya iparamdam na mahal ka nya, mawawala na rin ba yung nararamdaman mo para sa kanya? Kaya para sakin, mas maganda na yung wala kang dahilan, yun bang bigla mo na lang naramdaman na sya na talaga yung para sa’yo. Kase kung wala kang dahilan kung bakit mo sya minahal, wala ka ring magiging dahilan para mawala yung pagmamahal na yon. Gets?” mahabang sabi ko.
“Astig ka DJ Tasya! Ang bongga ng sagot mo! Parang may pinaghuhugutan ah!” natatawang sabi ni Marlo.
Bigla naman naming narinig na nagpalakpakan yung nasa kabilang line.
“Whoa DJ Tasya, sobrang ganda ng sagot mo! Gets na gets ko! Sabi ko nga dapat walang dahilan eh. Sabi po pala ng mga friends ko dito, idol ka na daw nila, ang galing-galing mo daw po!”
“So ok ka na Tintin?”
“Ok na ok na po DJ Tasya and DJ Becky. Request ko po pala yung kanta ni Ed Sheeran na Thinking Out Loud. Salamat po!”
“No problemo, at salamat din sa pagtawag. Pero bago ko ipatugtog yung request ni Tintin magpapaalam na po muna kami ni DJ Tasya, bukas na lang ulit guys, salamat! Mwah!”
“Thanks guys! Tawag ulit kayo bukas and salamat sa lahat ng nakinig at tumawag kanina!”
Yun lang at pinatugtog na ni Marlo yung request nung caller.
“Taray mo don bek! Kahit ako napahanga sa sagot mo. Akala mo talaga may pinaghuhugutan eh. Kung alam lang nila na NBSB ka.”
“Okay na sana eh, dinugtong mo pa yung NBSB! Tse!” sabi ko habang nagpapalinga-linga.
“May hinahanap ka beks?”
Umiling lang ako. Tsk, nasan na kaya yung babaeng yon? Akala ko ba mag-uusap kami after nito? Eh bat nawala syang parang bula? Tss, paasa! Kung ayaw nyang makipag-usap, eh di wag nya! Tse!
Lalabas na sana kami sa booth ni Marlo nang bigla kaming harangin ni Andy.
“O flowers!” nakangiting abot nito sakin.
“Para sakin?” takang tanong ko.
“Oo pero wag kang mag-alala, hindi galing sakin yan, may nagpadeliver daw. Btw, goodjob ka na naman kanina. Ang astig mo talaga Love Guru!” nakangiting sabi nito.
“Thanks.”
“O sya, Dun na kayo sa labas kase ako na yung susunod dito.” Pagtataboy nya samin. Tsk, ang sweet talaga kahit kelan nitong si Andy.
Nakangiti naman akong nilapitan ni Marlo nang makalabas kami.
“Taray te, kanino galing?” tanong nya.
“Aba ewan ko.”
“Try mong check yung card te, pwede naman yon” sabi pa nya.
“Alam ko, wag kang atat!” sabi ko sabay kuha basa ng card.
My Princess,
“If I could have just one wish,
I would wish to wake up everyday
to the sound of your breath on my neck,
the warmth of your lips on my cheek,
the touch of your fingers on my skin,
and the feel of your heart beating with mine...
Knowing that I could never find that feeling
with anyone other than you.”
Love,
JAM
Jam? Sa pagkakatanda ko eh wala naman akong kakilalang Jam. Ugh bahala na, ang importante may flowers ko, ibig lang sabihin, mas maganda pa rin ako kesa kay Marlo.
Charot!