PRINCESS
"This is it Beks! Ready ka na?" nakangiting tanong sakin ni Marlo.
"Tingin mo sa itsura kong 'to, ready na ko?" kabadong sagot ko naman sa kanya.
Pwede pa bang magback-out? I don't think I can do it. Hindi kasi talaga ko magaling sa mga advice-advice na ganyan. Naalala ko pa nung time na may problema sa Marlo sa lovelife nya tapos humihingi sya sakin ng advice kung ano daw gagawin nya kase nalaman nyang may babae yung boyfriend nya, ang sinabi ko lang sa kanya, 'anong gusto mong gawin natin? Patayin natin yung babae?'. After non, hindi na humingi ng kahit anong advice sakin si beks. Ang sabi pa nya, I didn't even try to comfort him nung time na yon, nakatingin lang daw ako sa kanya.
Duh! Papano ako mag-aadvice sa kanya about sa relationship nila ng boyfriend nya,eh I've never been into one. And hindi ko din alam kung papano masaktan. Magselos oo, umasa oo, pero masaktan dahil naloko, never pa.
"Oh c'mon Fifi, nasan na yung 110% na confidence level mo? Nasan yung angas mo?"
"Wala. Nawala ng lahat" parang naiihi na sabi ko.
"Wag ka ngang kabahan dyan! Hindi ka naman makikita ng mga makikinig satin diba? Ni hindi nga nila alam kung anong itsura mo eh."
"Pero mababasa ko naman sa iba't-ibang social networks yung pangbabash nila dun sa DJ na maririnig nila mamaya diba?"
"Sus okay lang yon beks, pwede mo din gamitin yung account mo para i-bash yung sarili mo. Hindi nila malalaban na ikaw yung DJ na yon" natatawa pang sabi nito.
Agad ko naman syang sinamaan ng tingin. Imbes na palakasin nya yung loob ko eh parang tuwang-tuwa pa sya na mababash ako. Ugh! This is why I'm not fond of this social media thingy, andaming bashers. Magkamali ka lang onte, pupunahin ka agad. Ni hindi ka man lang bibigyan ng chance na magpaliwanag. And yung mga taong mahilig magbash, kung makapagcomment sila, akala nila, kilalang-kilala nila yung tao, pero wag ka, na sabi-sabi or a chismis lang nakuha yung kung anumang nalaman nila.
Okay, medyo lumalayo na tayo sa problema ko ngayon. Tsk. What will I do? Somebody please help me.
"Nervous?" narinig kong tanong mula sa likod ko.
At bago pa ko makapagsalita, ang bwisit na Marlo, bigla ba naman akong iniwan mag-isa para kausapin tong babaeng to.
Taas-noo akong humarap sa kanya.
"Are you talking to me?" talagang pinuno ko ng confidence yung boses ko dahil ayokong makita nya na mahina ako.
"Well, if nakakapagsalita siguro yung mga gamit sa likod mo, siguro sila yung kinakausap ko." Nakangiting sabi pa nya sakin.
Hah! The nerve! At nakuha pang magpakapilosopa ha! Pero in fairness medyo nawala yung kaba ko dahil don ha. I really wanted to smile dahil sa joke na yon, pero I tried to stop myself from smiling.
"Funny" sarcastic na sabi ko.
"Of course I am. And I made you smile" mas lalong lumapad yung ngiti nya.
"What? No! Bakit naman ako ngingiti sa'yo ha Maine?!" nakataas ang kilay na tanong ko. Medyo nagtaray ako ng onte para i-hide yung embarrassment na nararamdaman ko. C'mon Princess, why did you let her see your smile? She's an enemy remember? The girl who's trying to steal your one true love.
"But I— Fine." She sighed. "If it will make you feel any better, hindi ko nakita yung smile mo, and hindi ko rin napansin na kanina ka pa nakatitig sa mukha ko" seryosong sabi nya pero nakita kong pinipigil lang nya yung ngiti nya.
At bakit ko naman sya tititigan? Wag nga sya. Shufal ng fes!
"Excuse me?" mas lalong nagtaray yung boses ko. "Maybe it's the other way around" sabay tingin ko sa kanya ng derecho.
Nagulat ako nang bigla syang lumapit sakin. As in malapit na malapit. And habang lumalapit sya kanina, nakatitig lang sya sakin.
"You think so?" mahinang sabi nya.
"Uh, pwede bang umisod ka kahit konti lang? Hindi kasi ako makahinga eh" medyo nagtapang-tapangan pa ko habang sinasabi yon. Kahit ang totoo, parang gusto ko nang mapaupo dahil nanlalambot yung tuhod ko.
"Papano kung ayoko?"
"Papano kung gusto ko?" sabi ko sabay tulak sa kanya. Pero hindi malakas ha, yung mahinang tulak lang para lang medyo lumayo sya sakin.
"Whoa! Chill! Galit ka kaagad eh." Natatawang sabi nya.
"Feeling close ka kase!"
"Ayaw mo ba?" sabi nya na akmang lalapit na naman sakin.
Ugh! This girl's freaking me out! Ano bang problema nya? Gusto ba nyang matakot ako sa kanya para hindi ako humadlang sa kanila ni Joel?
"Are you trying to scare me?" tanong ko sa kanya.
"Why? Natatakot ka na ba?"
"Nah! Asa ka! At kung plano mong takutin ako para lang mapasayo na talaga si Joel, sorry ha, pero hindi mo ko ako matatakot at hindi ako papayag na saktan mo lang din sya tulad ng ginawa mo sa ibang lalaki dito sa office."
Halatang nasaktan sya sa sinabi ko pero agad ding nakabawi at ngumiti sakin.
"Is that the reason kaya parang lagi kang galit sakin? Na feeling mo may gusto ako kay Joel?"
Tumingin lang ako sa kanya at hindi sumagot.
"You're barking at the wrong tree my dear. Wala akong planong agawin si Joel sa'yo."
Takang tumingin lang ako sa kanya.
"Yeah, you heard it right. Hindi ko gusto si Joel at wala akong planong paibigin at saktan sya. Pero hindi ako papayag na maging kayong dalawa."
Hindi na lang ako nagsasalita dahil ayoko nang pahabain pa yung usapan naming dalawa dahil kanina pa ko nanlalambot sa mga titig at hawak nya sakin na hindi ko alam kung bakit. Ni hindi ko na nga masyadong maintindihan yung mga sinasabi nya eh. At wala na rin ako sa huwisyo para magtanong kung bakit ayaw nyang maging kaming dalawa ni Joel.
"Ayaw mo bang malaman kung bakit?"
Lumunok muna ako bago nagsalita.
"B-bakit?"
"I'll tell you later. After ng launching ng program mo. Pinuntahan lang kita ngayon kase gusto kitang igoodluck and gusto kong sabihin sa'yo na wag kang kabahan. Just be yourself my Princess at sigurado akong magugustuhan ka rin nila" nakangiting sabi nito bago tuluyang umalis sa loob ng booth.
Saka lang ako nakahinga ng maluwag. Gosh Princess, what's happening to you? Natatakot ka na ba talaga sa babaeng yon? Magpapatalo ka na ba sa kaaway?
Napasimangot ako nang maalala yung holding hands nila ni Joel pero biglang napangiti nang makita kong papalapit sakin yung boyfriend ko. Chos! Okay, dahil maganda naman yung smile mo, kakalimutan kong nagtaksil ka sakin kahapon.
"Ready ka na Princess?" nakangiting tanong sakin ni Joel.
"Yeah" nakangiting sabi ko sa kanya.
"Asus, kailangan lang palang si BESTFRIEND yung magtanong para mawala yung kaba ng bagong DJ eh" singit ni Marlo sa usapan.
Tse sya! Nung kaninang kailangan ko sya dito dahil kausap ko yung kaaway, wala sya. Tapos ngayong gusto ko namang masolo si Joel, susulpot sya bigla?!
Napangiti naman si Joel dahil sa sinabi ni bakla. Humanda ka talagang Marlo ka mamaya! Pag ako nabuking nitong si boyfriend, kakatayin talaga kita.
"Kinakabahan ka ba?" nakangiti pa ring tanong sakin ni Joel.
Nahihiyang tumango naman ako.
"Chill Princess, kaya mo yan. Malaki yung tiwala ko sa'yo. Magugustuhan ka nila." Sabi nya na akmang hahawakan yung mga kamay ko, pero biglang ginambala ng isang malakas na katok sa labas.
"Magsstart na yung program. Lumabas ka na dyan Joel!" narinig kong sabi ni Maine. At parang namalikmata lang ako na nakita ko na masama yung tingin nya sa bestfriend ko. Yung tingin na binibigay ko sa kanya everytime nakikita ko syang lumalapit kay Joel.
Oh well, baka mali lang ako. Mamaya ko na iisipin yon.
"Marlo, ready ka na?" narinig kong tanong nya kay Marlo.
"Yes Maine!"
"And Princess?" nakangiting tanong nya sakin.
Tumango lang ako sa kanya.
Muntik na kong mapaubo nung kumindat sya sakin bago lumabas ulit ng booth. Bwiset!
This is it! Eto na yung start ng kalbaryo ko. Ugh! Kinakabahan talaga ko pero sabi nga ni Joel my labs, para sa kanya to kaya kailangan kong ibigay yung best ko para naman maging karapat-dapat ako para sa kanya. Charot!
Ilang saglit pa ay pinindot na nila yung OBB.
"Para sa mga pusong sawi. Sa lahat ng sinaktan, nasaktan, sinasaktan, at masasaktan pa lang. Sa mga umasa, pinaasa at aasa pa lang. Worry no more! Nandito na ang inyong kakampi, at taong makikinig sa lahat ng mga pasakit nyo sa buhay. My name is DJ Beckyboomboom ang pinakamagandang becky sa buong universe!"
"At ako naman po pinakamagandang dyosa na makikinig at dadamay sa mga problema nyo sa pag-ibig. Ako naman po DJ Charotasya, ang babaeng charotera na mahilig magpantasya na nagsasabing, walang taong paasa kung walang assumera, charot!"
Nakita namin na sumenyas si Maine na may caller na agad na kailangan naming kausapin. O gosh, this is it pansit!
"Tingnan nyo nga naman mga chokaran! Meron agad tayong caller. Mukhang ready na syang humingi ng payo mula sa ating Love Guru na si DJ Charotasya! Ready ka na beks?!" nakangiting tanong sakin ni Marlo.
"Kahapon pa beks. Kaya go lang, ipakausap mo na yang caller na yan sakin!" sana lang hindi nila mapansin na kabado talaga ko. AJA Princess.
"Wow, excited ang charoterang 'to. Sige nga, tingnan nga natin ang galling mo!" sabay mute ng mic nya. "Go bek, kaya mo yan! Baback-upan kita!" sabay kindat nya sakin.
"Naman! Ako pa?" mi-nute ko din muna yung mic ko. "Thanks Marla. Loveyou!" sinumulan ko na din kausapin yung caller. "Okay, Hello Ms. Caller! Good Evening sa'yo. May I have your name please?"
"Jin--ny po!" sagot naman nito.
"Sorry hindi ko sya masyadong maintindihan. Okay lang ba kung isspell mo?"
"Syor DJ Charutira! My neym is, Jinny. Letter Ji, as in Julina, Letter E as in etlog, N as in nars, N ulit as in nubimber, tapos po, Y as in yuyu!"
"Oh I see. Jenny, right?"
"Yes po! Jinny!"
"So Jenny, kamusta ka naman?"
"Eto po, hindi masyadung ukie."
"Pwede ko bang malaman kung bakit?"
Nagulat ako nang bigla itong umiyak sa kabilang linya. Agad ko naman mi-nute yung mic ko at nagpapanic na tumingin kay Marlo na tatawa-tawa lang sa tabi ko.
"Bek ano yan?" tanong ko sa kanya.
"Relax bek, uso yan. Go, icomfort mo na!"
"Ha? Papano?"
Narinig naming kumatok na naman si Maine kaya nagsalita agad ako.
"Sige lang Jenny, iiyak mo lang yan. Don't worry after mo mailabas yan, mababawasan yung sakit na nararamdaman mo" pag-aalo ko dito.
My god! I'm not really good at this. At etong si Marlo, parang walang planong tulungan ako.
"Ih kasi po DJ Tasya, inlab po kasi ako eh" sabi nya sabay iyak ulit.
Fudge! Bakit ba iyak sya ng iyak? Papano kami matatapos nito? Nakakaloka!
"Tapos? Umiiyak ka ba dahil niloko ka, sinaktan ka lang, pinaasa?"
"Hindi po." Sagot nito habang humikbi-hikbi pa.
"Pwede mo bang i-share samin kung ano yung nangyari?"
"Ganito po kasi yon. NBSB po ako ngayon kase inlove po ako sa bestfriend ko" simula nya sabay iyak ulit. Seriously? I rolled my eyes nang makita kong nakangiti si Marlo.
"Interesting" bulong nya sakin.
"Continue Jenny"
"Ayun nga po. Mula po kasi nung mga bata kami, mahal ko na po sya. Akala ko po mahal nya din ako kase super sweet po nya sakin, kering, and lahat po ng gusto ko binibigay nya. So inassume ko na mutual yung feelings namin sa isa't-isa. Tapos nung araw na akala ko liligawan na nya ko kase sabi nya may meron syang surprisa sakin, so niyaya nya akong magdinner. Tapos nagulat na lang ako nung bigla nyang ipakilala yung gerplen nya! Syempre nung time na yon ayokong magpahalata na nasasaktan ako pero hindi ko talaga kinaya kaya nagpaalam agad ako tapos---tapos---" hindi nya natapos yung sinasabi nya dahil umiyak na naman sya. Jusko nakakaloka si Ate ha! Ako nga, ilang babae na yung pinakilala sakin ni Joel pero hindi naman ako ganyang ka-OA magreact.
"I'm sorry to hear that Jenny." Nakikisimpatyang sabi ko sa kanya. Shet! Hindi talaga ko magaling sa mga ganitong bagay e.
"Ano po bang dapat kong gawin DJ Tasya?" umiiyak pa rin na sabi nya.
"First of all Jenny, tigilan mo na yung kakaiyak mo kase hindi lang naman ikaw yung nag-iisang tao na nainlove sa bestfriend nya. Marami kayo (tayo) na masyadong umasa dahil sa sweetness ng bestfriend nyo. Rule number 1 pag may bestfriend ka, Wag kang mag-aassume kase masasaktan ka lang. Tingnan mo nga yung nangyari sa'yo"
"Tingin nyo po ba dapat ko pong ipagtapat sa kanya yung nararamdaman ko? Malay nyo po kasi pinagsisilos lang ako nung bestfriend ko kaya nya pinakilala sakin yung babae"
"Hmm, ikaw lang yung makakasagot nyan Jenny. Nun bang pinakilala sa'yo nung bestfriend mo yung girlfriend nya eh para bang pinagseselos ka lang nya? O masaya talaga sya dun sa babae?"
"Yung nakita ko pong tingin nya dun sa gerplen nya, kapareho po ng tingin na binibigay ko sa kanya" malungkot nyang kwento.
"Aray ko. Pero siguro naman dun pa lang alam mo na kung anong dapat mong gawin diba?"
"Pero nasasaktan po ako pag nakikita ko silang magkasama"
"Natural lang naman yan kase mahal mo nga yung bestfriend mo. Pero naisip mo ba na what if masaya na talaga sya dun sa girlfriend nya, na mahal nya talaga yon, sasabihin mo pa rin ba yung nararamdaman mo kahit alam mong hindi ikaw yung mahal nya?"
"Papano po kung magbago bigla yung isip nya pag sinabi ko yon? Na marealize nya na ako talaga yung mahal nya?"
"Hmmm, nagegets ko naman yung point mo eh. And tulad ng sabi ko, nasasayo naman yan, kung tingin mo, may pag-asa ka sa kanya, eh di go! Pero kung tingin mo eh makakagulo ka lang sa kanya, wag na lang. Kung mahal mo sya, hindi ka magiging selfish, mas iisipin mo yung happiness nya kesa sa happiness mo. Alam mo yon, yung kahit ang sakit-sakit na para sa'yo nung ginagawa nya, pero nakikita mo syang masaya, hahayaan mo lang eh. Ang importante kase, masaya sya. Try to let go, or itry mong tumingin sa iba. Malay mo kaya feeling mo eh inlove na inlove ka sa kanya eh dahil kayong dalawa yung laging magkasama, yun bang parang itinatak mo na sa isip mo na sya na talaga yung para sa'yo. Try mong makihalubilo sa iba at magpapasok ng ibang tao dyan sa puso mo. Pupusta ko sa'yo, mas magiging masaya ka." Nakangiting sabi ko. Whoa! San nanggaling yon?
Nakita kong napangiti si Marlo at pinalakpakan ako. He also mouthed 'goodjob beks' bago sya magsalita sa mic.
"Wow! As in wow! Nice one DJ Charotasya! Sabi nga nila, love is never selfish! So Jenny, anong plano mo ngayon?"
"Susundin ko po yung sinabi ni DJ Tasya, tama po sya, baka kaya po ganito yung nararamdaman ko eh dahil wala akong ibang taong pinapasok sa buhay ko kundi sya lang. At malay din natin, nandito lang pala sa tabi-tabi yung taong para sakin talaga, hindi ko lang makita kase sa isang tao lang yung tinitingnan ko. Maraming salamat po DJ Becky and lalo na sa'yo DJ Tasya, mas ok na po yung pakiramdam ko ngayon. Hindi po talaga ako nagkamali na kausapin kayo. Salamat talaga" masayang sabi ni Jenny.
Napangiti naman ako dahil don. Ang sarap pala kapag alam mong may natulungan. Yung may napagaan ka ng loob dahil sa advice mo.
"Anytime Jenny. Be happy okay?" nakangiting sabi ko.
"Salamat sa pagtawag Jenny, dahil dyan, para sa'yo tong kantang 'Tuloy pa rin' ng Neocolors." Narinig kong sabi ni Marlo bago namin tuluyang mi-nute yung mic.
"Gagi ka! Nung ako yung humihingi ng advice sa'yo, kung anu-ano lang yung sinabi mo, pero may tinatago ka palang pagka-Love Guru dyan sa katawan mo!" sabi nya sabay hampas sakin. Kasalukuyang tumutugtog non yung kanta na dinedicate nya kay Jenny.
"Aray ko naman beks! Eh hindi ko rin nga alam kung saan nanggaling yon eh!" natatawang sabi ko.
"Pero in fairness beks, I'm so proud of you. Ikaw din ba hindi magiging selfish at hahayaan mong maging masaya si Fafi kay Maine?" bulong nya sakin.
"Tse! Hinding-hindi mangyayari yon!"
"Sinasabi ko na nga ba eh! Charotera ka talaga kahit kelan!" natatawang sabi nya.
"Oh well. Hahaha!"
Yun lang at narinig na naman namin yung katok ni Maine.
Nakangiting tumingin ulit sakin si Marlo.
"Ready ka na sa next caller?" tanong nya sakin.
Nakangiting tumango naman ako sa kanya. Pero bago pa ulit kami magsimula mag-on air, lumapit muna sakin si Maine habang hindi nakatingin si Marlo.
Biglang nagsitayuan lahat ng balahibo ko nang bigla syang bumulong sakin.
"Anata Ga Hoshii" yun lang at patay-malisya syang lumabas ulit sa booth.
Ano daw yon? Minura nya ba ko?
Charot!