PRINCESS
“Whut?! Shunga ka ba Fifi? Bakit umaayaw ka sa ganyan?” malakas na tanong sakin ni Marlo.
“Heh! Wag ka ngang maingay dyan, mamaya nyan mapalabas tayo dito sa coffeeshop na to eh!” pabulong na sabi ko sa kanya habang nakatungo dahil halos lahat yata ng tao dito sa loob ng StarBean eh nakatingin saming dalawa.
“Hindi ko lang kasi ma-dig kung bakit umaarte ka pa at tinanggihan mo yung radio program na binibigay sa’yo. Promotion yon day! At pag may promotion, mas dadami yung anda mo. At pag marami ka ng anda, gogorabels tayo kung saan-saan tapos libre mo!” excited na sabi nya.
“Manahimik ka dyan Marlo! Ang layo na agad ng naabot ng imagination mo. Hindi promotion to, wala namang dagdag sa sweldo to no! At isa pa, tinutulungan ko lang si Joel kaya ako pumayag. And don’t worry, hindi na ko makakatanggi dahil pinapirma na nila ko ng kontrata. Ibig lang sabihin non, oras na umayaw ako o nagback-out ulit ako, pwede nila akong idemanda.”
“Hoy Fifi! Marla ang pangalan ko at hindi Marlo. Eww, itsura kong to, tinatawag mo kong Marlo. Kaloka ka ha! Hindi naman ako magbabangs ng ganito at magmumuk-ap ng ganito para lang matawag sa nakakadiring pangalan na yon!”
“Fine, Marla na kung Marla” kibit-balikat ko. Napakaarte talaga ng baklang ‘to. Yun naman talaga yung pangalan nya.
“Good. And btw, excited na kaming lahat sa bago mong program”
“Mar—“ I was about to say Marlo again pero nakitang pinaningkitan nya ko ng mata. “La. Happy?” nakita ko naman na agad syang ngumiti sa sinabi ko. “As I was saying, hindi sakin yung program na yon. Sabi nila, isang gabi lang daw akong maghohost non habang hindi pa pwede si Andy.”
“Sure ka?” takang tanong nya.
“Yeah”
“Pero ang sabi kasi samin---“
“Marla, just ONE night okay?” Interrupt ko sa sasabihin nya.
Well, yun naman talaga yung sinabi sakin ni Joel. And ayokong maging katrabaho ng matagal si Jarmaine dahil sigurado kong hindi lang kami magkakasundo non. I don’t like her and I know that she doesn’t like me din. And alam ni Joel na madali akong magalit or mapikon kaya alam kong hindi yun papayag na maging magkatrabaho kami araw-araw nung ‘beach’ na yon.
“If you say so Fi.”
“Pero naisip ko lang, bakit ako yung pinili nila? Bakit hindi ikaw? Kung lalaki yung kailangan nila, bakit hindi si DJ Beckyboomboom yung isalang nila”
“Hindi ba sinabi sa’yo ni Joel?”
“Ang?”
“Na magiging assistant mo ko sa program. Dalawa tayo don ni! Hindi mo masosolo ang peym dahil kasama mo ang peymwhore!” natatawang sabi nya.
And my face lightened because of what he said. Ayun naman pala eh, may makakasama naman pala ko, bakit hindi agad sinabi sakin ni Joel? Eh di sana hindi ako namomroblema ng ganito. Lech!
“Seriously Mar—La?!” nakangiting tanong ko sa kanya.
“Ahuh!”
“Phew! Yun naman pala eh. They should’ve told me agad diba? Eh di sana hindi na sila nahirapan sa pagpilit sakin”
“Oh my gosh! Baka surprise yun bek. Lagot ako nito kay Fafi Jowl pag nagkataon.”
“Don’t worry, I won’t tell him.”
“Eh papano kung mapansin nila na hindi ka nagulat?”
I looked at him with a ‘seriously Marlo’ face.
“Bek, have you forgotten that you’re talking to the best theater club president when we were in college?”
“Yeah, oo nga pala. Best actress, best director, a beauty queen, an athlete, dean’s lister, etc. etc. Sabi nga nila, the perfect girl. Pero hanggang ngayon, NBSB pa rin.”
“Really Marlo? Hanggang ngayon issue pa rin sa’yo yang pagiging NBSB ko?”
“Marla ok?” pagcocorrect nya sakin. “And hindi naman kasi yun yung issue dito. Ang issue dito bek is yung obsesyon mo sa bestfriend mo.”
“Excuse me?”
“Ulitin ko gusto mo?”
“Nah, no need. I heard it. I just can’t believe that you used that word. I’m not obsessed with him. It’s just a simple crush”
Bigla naman nya akong tinaasan ng kilay.
“Simple crush mo yang mukha mo! Ikwento mo yan sa octopus!” natatawang sabi nya. “Hello, unang-una, hindi naman ComArts yung gusto mong course talaga noon diba? Ang sabi mo sakin, gusto mong maging pulis. I don’t know why pero yun yung sabi mo. Pero dahil may radio station si BESTFRIEND at sinabi nya na maganda yung boses mo and bagay maging DJ, kinarag mo ko dyan sa course na yan”
“Na alam kong pinagpapasalamat mo sakin dahil dun mo nakilala yung boyfriend mo diba?”
Bigla naman syang ngumiti na parang kinikilig pa. Oh eh di sya na yung masaya yung lovelife. Ako na yung single. Tse. Hashtagbittermuch.
“Wag mong baguhin yung usapan. Hello Fifi, hindi lang simpleng crush yan, ilang taon na ba yan? 10 years na yan beh. Buryong na buryong na yang paghanga na yan. Remember last month, after natin gumraduate, andami-daming nag-offer sa’yo ng magagandang posisyon sa ibang mga companies pero tinanggihan mo lahat at pumayag kang maging ano? Taga-play ng kanta sa radio station”
“Unang month pa lang naman kase bek. Alangan namang maging boss agad ako diba?”
“Hindi naman pagiging boss yung gusto mo eh. Yung BOSS natin mismo” natatawa pang sabi nya.
Tinaasan ko lang sya ng kilay.
“Seriously bek, hindi yan simpleng crush or gusto lang, clearly, you’re besotted with him”
“Whoa! Big word bek. Besotted.” Natatawang sabi ko. At san na naman nya kayang quotation nabasa yon?
“Wag kang tumawa kase seryoso ako”
“Weh?”
“Pa-big word-big word ka pa dyan. Big bird yung kailangan ko!” natatawa na rin nyang sabi.
“Eww, kadiri ka talaga! Ang bastos mo kahit kelan?”
“Huh? Anong bastos don?”
“Big Bird, duh!”
“Hoy, kung bastos yun eh di sana hindi na sya ginamit sa sesame street! Eh di ibig sabihin bastos din yung nagsulat non? Bek, nasa nag-iisip kasi yan, wag kang masyadong bastos yung isip”
Whoa! At talagang nagback-fire sakin yung sinabi ko ha. Bwiset talagang Marlo ‘to, ang daming alam. Tse!
Nagtatawanan kaming dalawa ni Marlo nang biglang may tumawag sakin. Agad naman kaming napatingin pareho at bigla akong kinabahan ng makilala ko yung taong yon.
Agad syang lumapit sakin at nagbeso. Oh my gosh!
“Princess Hija. Nasabi sakin ni Joel na pumayag ka daw na maging host sa launching nung bago naming program” nakangiting sabi nito sakin.
“Yes tito. Alam nyo naman pong hindi ko matatanggihan yung anak nyo eh”
“Good. Buti naman. Namroblema nga sya nung hindi pumwede si Andy kaya nagpapasalamat ako dahil tinanggap mo yon.”
“Walang anuman po Tito” nakangiting sabi ko.
“Oh, btw, kasama ko si Joel, gusto nyo bang sumama samin sa table? May inaayos lang sya sa kotse eh” yaya nito samin ni Marlo.
Umiling naman ako dtto.
“It’s okay Tito. We were about to leave na rin naman eh”
“Ah ganun ba? Next time na lang siguro.”
Tumango naman ako sa kanya.
“So papano, dun na muna ako ha. And goodluck sa first hosting job mo okay?”
“Thanks Tito.”
Yun lang at bumalik na ito sa table nila. Whew! Kinabahan ako don.
“Wow, ang bongga mo talaga bek! Close na close kayo ng biyenan mo ah!”
Nagkibit-balikat lang ako.
“Oh well, maliit na bagay” natatawang sabi ko.
“Well, well. Pag nakita mo kaya yung nakikita ko ngayon, makakatawa ka pa Fi?” sabi nya habang nakatingin sa may likuran ko.
Agad naman akong lumingon kaya biglang nawala yung ngiti ko sa mga labi.
Biglang naningkit yung mga mata ko nang makita ko si Joel at si I-don’t-wanna-say-her-name na magkaholding hands.
“Sila na?” narinig kong tanong ni Marlo.
“NO!”
“Sigurado ka?”
“Yeah, dahil alam kong hindi naman papayag Joel na mapabilang sa mga lalaking niloko lang ng babaeng yan!”
“Maka-niloko ka naman. Wala naman tayong proof day! Pawang kachismisan lang yan sa office ng mahahaderang chismosa don na inggit na inggit sa kagandahan ni Maine.”
“Marlo, sino ba yung kaibigan mo? Sya o ako?”
“Ikaw.”
“Eh bat parang kinakampihan mo sya?”
“Wala akong kinakampihan bek. I’m just giving her that benefit of the doubt. Hindi natin sya ganun kakilala so wala tayong karapatan na husgahan sya or sabihin na manloloko sya just because, nakadate nya halos lahat ng guys sa office”
“Yeah right. Ah basta, hindi ako papayag na gawin nya kay Joel yung ginawa nya sa iba!”
“Sige nga, anong gagawin mo? Sasabihin mo sa bestfriend mo na mahal mo sya? Go! Hindi kita pipigilan. It’s about time”
Malungkot na tumingin ako sa kanya.
“I can’t”
“Dahil natatakot ka?”
Tumango lang ako.
“Ah yun naman pala eh, so papano ba yan? Sasamahan na lang kita sa isang sulok para magmukmok kapag naging sila na talaga.”
“Hindi nga magiging sila.”
“At bakit naman? Maganda si Maine at gwapo naman si Joel kaya bagay silang dalawa.”
“Dahil ako yung mahal ni Joel.” Derechong sagot ko.
“O? Sinabi ni bestfriend mo yon?”
“Nope, feel ko lang.”
“Feel mo lang?”
“Yeah, nararamdaman ko na natatakot lang syang sabihin sakin kase baka bigla ko syang i-reject at masira yung friendship naming dalawa”
“O tapos?”
“Hinihintayin nyang maging ready ako”
“Jusko day te! Hindi ba nya alam na ilang taon ka nang ready?”
“Eh wag ka na kasing kumontra”
“Okay sige, tapos?”
“Tapos feeling ko, yayayain nya kong magdate after nung paghohost ko tapos ipagtatapat na nya sakin kung ano man yung nararamdaman nya.”
“Tapos?”
“Hindi na ako magpapakipot, sasabihin ko sa kanya na mahal ko din sya.”
“Tapos?”
“Tapos non, yayakapin nya ko and ikikiss nya ko---“
“And they lived happily ever after ang peg. Ang bongga no? Tapos bigla ka na lang daw magigising sa panaginip mo.” Natatawang sabi nya.
“Kontrabida!” inis na sabi ko. Papano kase, bigla kong naalala yung panaginip ko. At hinding-hindi ko ikkwento sa baklang ‘to yon dahil alam kong pagtatawanan nya lang ako.
“Lakas mo kasing makapantasya te. Para kang si Tasya Pantasya”
“The who?”
“Basta sa mga komiks-komiks! Baka kasi nakakalimutan mo din na lalaki yung tingin sa’yo ng bestfriend mo! Sa ganda mo yang te, lalaki yung tingin nya sa’yo. Sakit no?”
“Kasalanan kasi ni Jenny yon eh!”
“Sinisi mo pa yung tao. Eh diba ikaw yung nagpresinta na hipan yung mga mata nya nung napuwing sya na aksidenteng nakita ng bestfriend mo kaya inakala nyang you’re into girls.”
“Eh kase!”
“Yan ang ayaw ko sa’yo eh. Yung kahit alam mong ikaw yung may kasalanan, naghahanap ka pa rin ng ibang tao para masisi. Charoterang ‘to!”
“Pwede ba---“
“OMG beks! Alam ko na!”
“Ang?”
“Yung magiging name mo sa program?”
“Subukan mong---“
“Don’t worry hindi DJ Beachy” natatawang sabi nya.
“O ano nga?”
“Ikaw si DJ Charotasya, ang babaeng charotera na mahilig magpantasya. O diba bongga?!” nagpapapalakpak na sabi nya.
“Parang ang pangit namang pakinggan yung mahilig magpantasya, parang bastos”
“Ang sabi ko nga sa’yo, nasa nag-iisip yan!”
“Eh—“
“O sige nga, may naisip ka na bang mas okay don?”
“Fine. Isang gabi lang naman”
“Yeah, isang GABI ka lang magpapantasya”
Bigla ko naman syang hinampas sa braso.
“Bakit na naman?”
“Pag sa’yo talaga nanggagaling, hindi magandang pakinggan, lalo na yung pakakasabi mo!” natatawang sabi ko.
“Day, bastos ka lang kasi mag-isip!”
“Tse! Tara na nga at baka bigla ko pang sugudin si Joel don dahil nagtataksil sya sakin!”
“Wow ha, sana lang alam nyang pinagtataksilan ka nya no!” sabi pa ni Marlo habang nakasunod sakin.
Bigla kong naramdaman na may nakatingin sakin habang papalabas kami pero hindi ko na lang nilingon dahil baka makita ko pa kung gaano kasweet si Joel sa babaeng beachera!
Charot!