[3]
Chelsea's POV
Nakarating kami sa bahay niya at pag tingin ko sa labas, nanlaki mga mata ko dahil mansyon 'yong bahay niya. Paano ba mag explain ng isang bahay? Kailangan ko pa ba i-explain? Basta mansyon 'yong itsura niya, tsaka hindi pa naman sure kung mag ta-tagal kaming dalawa na mag kasama sa iisang BAHAY.
Inalis ko 'yong seat belt ko at nagulat ako dahil bubuksan ko na sana 'yong pinto ng car, bigla ito binuksan ng guard ni Harry, wala naman ako nasabi ngumiti na lang ako as sign of gratitude.
"Ang ganda naman ng house mo, ikaw lang ba nakatira dito or kasama mo 'yong family mo?" Sawakas naka buo na din ako ng topic, wala naman masama sa tanong ko.
"Kasama ko 'yong kapatid ko pero hindi naman siya palagi umuuwi, don't worry he won't do anything to a woman like you." Sagot niya sa tanong, bakit biglaan sinabi niya na wag ako mag alala na walang gagawin 'yong kapatid niya? Tsaka sino ba 'yong panganay?
"Ikaw ba 'yong panganay?" Tanong ko at nakapasok na kami sa loob ng mansyon niya, napanganga ako dahil sobrang ganda ng loob din, kung gaano ka ganda 'yong nasa labas. Maganda din 'yong loob niya.
"Yes, and if you are going to ask if he's the same as what I'm doing right now. My answer will be no, tinutulungan lang niya sa mga work na hindi ko nagagawa if may occasion ako kagaya nito." Sabi niya sa akin at huminto kami sa may gitna mismo habang ako namamangha pa din. Gusto ko tuloy mag tour mag isa dito, pero what if maligaw ako? May house maid ba sila? Syempre meron 'yan mayaman sila! Ano ba 'tong nasa isip ko! Bakit pati bahay iniimbestiga ko.
"Is that so ba? May maid ba kayo dito? Mukhang kailangan mo na kasi makabalik sa work mo, baka pwede siya na lang 'yong mag asikaso sa akin," sabi ko habang ngumingiti-ngiti ako sakanya.
"Wala akong house maid dito, pero may mga guard ako na pwede mo naman utusan. Ayaw mo ba makausap muna ako?" Tanong niya sa akin at nagulat naman ako, umatras ako ng kaunti kasi ang sabi niya pag bibigyan niya ako makapag-isip tapos ngayon mag uusap agad kami ngayon?! Saan naman mapupunta 'yong topic namin if ever?
"Akala ko ba hahayaan mo ako makapag-isip muna? Tsaka may isa pa akong importante na iisipin which is mag hahanap ako ng trabaho, so hindi priority 'yong tungkol sa iisipin ko kung tatanggapin ba kita as friend or lover." Pag papaliwanag ko sakanya at nagulat naman ako ng tanggalin niya 'yong coat niya, pero hindi niya ako nilapitan. Pumunta siya sa sofa at umupo doon habang minamasahe niya 'yong noo niya.
"I'm sorry if everything is sudden. Sanchez, take her to the room I assign for her." Wala naman ako nasabi sa sinabi niya, pero buti nalang nakaramdam siya sa mga nangyayari ngayon, sinundan ko naman 'yong Sanchez na inutusan niya.
"So, Sanchez ba talaga pangalan mo or family name mo 'yan?" Tanong ko sa guard at hindi naman niya ako pinapansin, inutusan ba niya na wag ako kausapin? Ang boring naman kung ganun, wala ako makakausap ni isa dito except if I ask for help.
Huminto kami sa isang room at nakalagay doon 'yong pangalan ko, bakit parang pinag handaan?! Alam ba niya na pipirmahan ko talaga 'yong papers na 'yon?! Hindi nalang ako umimik at pumasok nalang ako habang tinulungan ako ni Sanchez na buhatin 'yong mga gamit ko.
"Salamat Sanchez, okay lang kahit hindi mo ako sinagot sa tanong ko kanina," sabi ko sabay ngumiti ako pero nagulat ako ng hindi pa siya umaalis.
"Sanchez is my family name, my name is Thomas. You can call me anything." Nagulat naman ako dahil napaka galante ng pag papakilala niya sa akin, ganto ba lahat ng guard ni Harry?
"Okay--okay, you can go now." Sabi ko pati ako napapa-english, second language ko lang ang english. Hindi ko alam na pati 'yong guard mag e-english. Jusko naman ano ba 'tong pinasok ng buhay ko, mas mabuti sana sa under the sea ako tumira talaga.
Tinignan ko naman 'yong magiging kwarto ko at simple lang naman 'yong design niya. Pero gusto kong palitan 'to kaso nga lang wala akong pera to do that! So I really need to find job first right here right now! Sinumulan ko muna ayusin 'yong mga gamit ko bago ako gumamit ng laptop ko.
-
Pag katapos kong maayos ang mga damit ko pati na din ang plushie na talaga ko na dinisplay ko sa kama ko, hindi naman nag tanong si Harry sa akin kung bakit may plushie ako na dala. Syempre iisipin niya na normal sa mga babae mag karoon ng plushie. Either it's big or small.
Umupo ako sa desk na may mirror, ang ganda niya at kulay white siya. Pero gusto ko light pink or dark pink, ang simple lang talaga ng mga kulay na nakikita ko sa kwarto ko. Nilapag ko na ang laptop ko at nag hanap ako ng outlet kasi alam ko 50% battery 'yong laptop last time ko na gamit kagabi lang.
Nakahanap ako ng malapit na outlet at napangiti ako dahil hindi ako mahihirapan. Binuksan ko na ang laptop at nagulat naman ako dahil may notif sa email ko. Eto na 'yata 'yong mga sagot sa ibang company na in-applyan ko!
Unang tinignan ko ay ang company about writings, since mahilig ako gumawa ng stories like fantasy walang halong romance since I never experience romance naman. Pero if I will learn, I might write, pag tingin ko sa mail na dismaya ako dahil hindi ako na tanggap dahil hindi daw popular ang fantasy sa company nila.
Ang hirap talaga i-apply ang fantasy story na ginagawa ko as of now, kasalanan ko bang wala akong experience sa romance?! Bakit kasi mag popular ang romance! Ngumuso naman ako at tinignan ko ang ibang nag mail sa akin so basically tatlo ang sumagot sa akin at ni isa wala akong nabasa na "Accepted".
"Siguro mag apply muna ako sa isang store for time being, pansamantala para masimulan ko na savings ko for everything." Buntong hininga ko at binuksan ko naman ang files ng fantasy story ko at naisip kong i-update at i-post online. Wala pa naman tumatanggap sa work ko so pansamantala din nasa online para naman may makabasa din na may interest sa fantasy genre.