[4]
Chelsea's POV
Umunat ako dahil natapos ko na ang isang chapter sa fantasy story ko! Tumingin ako sa orasan at nakita ko na 7 P.M. na, wala ako naririnig sa labas or possible na sound proof etong kwarto? Kung sound proof pwede pala ako kumanta ng spongebob song hehe.
Pag tapos kong isarado ang laptop tumayo ako at naisipan kong lumabas ng kwarto, sumilip ako at wala naman nag babantay dito siguro lahat sila nasa labas. Malamang chelsea nasa labas sila mga guard nga di 'ba ang tanga ko minsan.
Kaya ako lumabas sa kwarto kasi nagugutom ako, baka meron pagkain sa ref na pwedeng lutuin or baka meron cup noodles na super unique kasi alam ko naman na hindi kakain 'yong lalaki na 'yon ng cheap noodles. Nakarating ako sa kusina at nagulat ako dahil ang laki ng ref, siya lang mag isa dito dati tapos malaki pa 'yong ref. Well, bakit pala may pake ako? It's not like magiging jowa ko siya.
Kumpleto 'yong ref niya ng mga ingredients pero hindi ko alam kung anong lulutuin ko, kung mag luluto ako ng para sa amin dalawa iisipin niya na nag pu-pursue ako sa kaniya. Alam ko na! Mag luluto ako ng menudo! Kinuha ko ang mga ingredients na kailangan ko at nakakita ko ng apron na naka-sabit.
Kinuha ko ang phone ko at nag play ako ng music dahil mas energetic ako kapag with music! Sana hindi agad siya dumating para naman ma-enjoy ko 'tong lulutuin kong menudo!
-
Lumipas ang oras at natapos ko ng lutuin ang menudo, napangiti ako dahil sobrang bango ng amoy! Bigla naman may narinig ako sa labas at parang dalawang sasakyan or tatlo ata ang narinig ko na huminto, tekha?! May bisita ba siya ngayon?! Tsaka 8:30 P.M. na! Binaba ko naman ang bowl na may laman an menudo at tinakpan ko 'yon, tinanggal ko din ang apron na ginamit ko at nagulat ako dahil bigla nalang bumukas ang pintuan at limang lalaki ang pumasok kasama na doon si Harry.
"What are you doing in the kitchen?" Tanong sa akin ni Harry at tinitignan ako ng mga kasama niya, mukhang may business meeting sila dito ngayon. Hindi ko naman sila kilala pero 'yon ang nasa isip ko.
"Nag luto ako ng ulam kasi nagugutom ako, don't mind me! I'm just gonna go upstairs at doon at ako kakain sa room!" Sabi ko at kumuha ako ng plato, nataranta naman ako dahil kakaiba talaga mga tingin ng kasama niya parang ang sama ng tingin nila sa akin. Pero wala naman ako ginawang masama!
"Kasama ba ako sa ulam na niluto mo?" Nagulat naman ako dahil bigla nalang niya hinawakan ang kamay ko kaya nabitawan ko ang pinggan na hawak ko.
"Bakit mo naman ako ginulat! Syempre hindi kita sinama! Tsaka di 'ba sinabi ko sayo pag iisipan ko pa 'yong pinag usapan natin? Hindi ako mag pu-pursue sayo kasi wala naman ako nararamdaman sayo tsaka hindi kita kilala at nandito lang ako dahil sa arrangement eme eme na 'yan!" Singhal ko at dadaputin ko na sana 'yong nabasag na pinggan nang pigilan niya ako.
"Leave it, someone will clean it." Sabi niya sa akin at huminga lang ako ng malalim sabay nag roll eyes ako, bongga talaga kapag nag roll eyes ako syempre sino ba masaya kapag may arrange marriage na ganito.
Kumuha ako ng bagong plate ulit at kumuha na ako ng rice, mukhang madami din ako na saing na rice. No choice but tirahan siya ng menudo kasi sayang naman 'yong rice, pag tapos kong kumuha ng ulam at kutsara.
"Eat well, I will be just here doing some business stuff." Narinig kong sabi pa niya at hindi na ako sumagot, dumiretso na agad ako sa taas at pag dating ko sa kwarto ko nilapag ko agad 'yong pagkain ko sa mini desk na nandito at naramdaman ko ng t***k ng puso ko na sobrang bilis!
For real, kinabahan ako dahil sa mga tingin ng mga kasama niya at tama nga ako tungkol sa business yung gagawin nila, pero dapat hindi ko na 'yon iniisip dahil kakain na ako ngayon at pag tapos kaunting pag babasa ng story ng ibang gawa ng authors! Dahil isa din akong READER!
-
Tapos na akong kumain at hindi ko alam kung pupunta pa ba ako sa baba para lang hugasan pinag kainan ko, wala naman kasi akong pwedeng tawagin like katulong para lang kunin 'tong pinggan at hugasan.
Ang tanong nandoon pa kaya sila? Binuksan ko ang pintuan ko at nagulat naman ako dahil nandito sa labas si Harry.
"Putek! Bakit nandiyan ka?! Anong ginagawa mo sa labas ng kwarto ko? Stalker ba kita?" Singhal ko at muntik ko na naman mabitawan 'yong pinggan pero this time hindi na.
"I'm here to tell you that, the food you cooked was delicious. Are you done eating as well?" Tanong niya sa akin bakit ba ine-english pa niya ako parehas lang naman kami marunong mag salita ng same language!
"Tapos na ako kumain, tsaka kapag mag uusap tayo. Pwede bang lay low 'yong speaking english? Kasi marunong ka naman mag salita ng language natin di 'ba?" Pakiusap ko sakanya at bigla naman siyang napangiti at tumawa.
"Kapag nag english kasi ako pakiramdam ko kasi ang cool, pero kung hindi 'yon yung type mo sa isang lalaki, pwede naman din ako mag tagalog." Bigla naman lumalim ng kaunti 'yong boses niya para bang nang aakit siya sa akin.
"Wala ako sinabi meron ka sa type ko, umalis ka nga diyan sa daan!" Sabi ko at buti nalang umusog siya at naka daan na ako. Mabilis akong bumaba para mahugasan na 'yong pinggan.
"So, nakahanap ka na ba ng trabaho na sinasabi mo? Kapag hindi ka pa nakahanap, pwede kita tulungan." Narinig ko naman sabi ni Harry at pag tapos ko mag hugas lumingon ako sa kaniya na kakaupo pa lang sa couch.
"Hindi pa ako nakakahanap pero malapit na, tsaka hindi ko kailangan ng tulong mo. Kaya ko sarili ko," sabi ko at aalis na sana ako ng may sabihin pa siya.
"It's up to you, but you are in my care now. It doesn't matter where you want to use your money and my money." sabi niya sa akin at nakita ko na may nilapag siya na black credit card sa lamesa.
"As if gagamit ako ng pera mo! Sayo na lang 'yan!" Sabi ko, bakit ba lahat nalang pinipilit?! 'Yang arrange marriage pilit na nga tapos pinipilit pa ako na tanggapin 'yong black card niya tsaka isa pa may pinag aralan ako at hindi ako gagamit ng pera ng may pera. Unless matagal ko na siya nakilala at naging kami tapos kinasal syempre 'yong asawa talaga ang gagastos pero 'yong ganito 'NEVER' hindi ko nga alam kung friend or lover.
Napahinto naman ako sa pag lalakad sa hallway at may na realize.
Pero what if ma-inlove ako sa kaniya?