Chapter 2

1160 Words
[2] Chelsea's POV Nakatingin lang ako sa kanya habang lumilipad ang isip ko, hindi ko alam kung ano ang isasagot. Hindi pa nga ako nakakahanap ng trabaho tapos ganito na agad 'yong bungad sa buhay ko! "Kailangan pa ba kita bigyan ng oras para makapag-isip?" Tanong niya sa akin at tinarayan ko lang siya, hindi ko nga siya kilala pero sinasabi niya na nakalimutan ko na siya. Baka naman may saltik sa utak 'to? Matanong nga. "Baliw ka ba?" Tanong ko out of nowhere, i-confirm ko baka kasi totoo. "Baliw sayo," nagulat naman ako sa sinagot niya, literal na baliw nga 'ata ito! Jusko, kailangan ko ng makatakas baka mahawa pa ako sa ka baliwan niya! "Hindi ako papayag sa arrange marriage na ito! Hindi naman kita kilala tapos ganito agad!" Singhal ko at kinuha ko naman iyong unan ko dito para gawin weapon, just in-case na may gawin siyang masama. "I'll tell your mom that you are acting like a child," nanlaki naman ang mga mata ko at agad akong umalis sa kama at hindi ko namalayan na ipit paa ko sa kumot, mabilis naman niya ako nasalo. "You're scared, I know but trust me. Sasabihin ko sayo kung sino ba ako at kung hindi mo pa din ako maalala mag kakaroon tayo ng deal para lang maalala mo ako," ang dami niyang sinabi, mapag kakatiwalaan ko ba talaga siya? "Anong klaseng deal ba 'yan? Don't tell me kagaya 'to sa mga teleserye na gagawin mo 'yong mga ginagawa mo dati if ever meron ka ginawa na hindi ako aware." Sabi ko sa kaniya at unti-unti ko inalis 'yong kamay niya sa bewang ko. "Anong sinasabi mo na teleserye? Anyway, about the deal. We will go to a place where I met you," sagot niya sa tanong ko, hindi ko talaga alam 'yong mga sinasabi niya, wala akong idea! What if nag papanggap siya na kilala niya na ako just to take me!? Kasi nga arrange marriage?! Pero if na papanggap siya edi sana ngumisi na siya at obvious na nag papanggap siya, pero hindi ko nakikita sa expression niya 'yon. All I can see, is that his eyes wanted something. "Okay, everything is like shocking kasi sa akin. So can you give me a time or a days just to think about everything? Kasi nakakagulat talaga as in!" Sabi ko sakanya at ramdam ko 'yong t***k ng puso ko sobrang bilis! Ang hirap kasi mag isip parang fino-force talaga ako nag mag isip agad agad like as in! "Pwede ka naman mag isip pero you need to sign the arrange marriage talaga, gusto mo ba makarinig ng kung ano from your parents?" Sabi niya sa akin at tama naman siya, if nag sabi ako sa parents ko na hindi ko pipirmahan agad at kailangan ko muna mag isip, parang sinaktan ko na din sila. Pero buhay ko 'to! Bakit kailangan nilang mangielam? "Tama ka naman ayoko makarinig ng kung ano sa parents ko, pero kasi ang bilis talaga! Ganto nalang, I'll sign the arrange marriage papers and then if we go like live in, pwede separate 'yong rooms? I still need to think talaga and if napag-isipan ko na tanggapin ka sa buhay ko either as friend or lover, papayag ako na puntahan natin 'yong sinasabi mo na place where you met me, kasi hindi ko talaga alam 'yong sinasabi mo na matagal mo na ako kilala, or if ever you saw me pero I'm not aware." Sabi ko at at huminga naman ako ng malalim, iniisip ko na nga 'yong pag hahanap ng work tapos dumagdag pa 'to. "I'm sorry, if I surprise you. Pero sige, we live in pero separated rooms. Probably hindi mo maalala kasi madami talaga nangyari dati." Sabi niya sa akin, bakit niya ba sinasabi talaga 'yan? Kung kilala ko siya edi sana kilala din siya ng parents ko pero hindi! Hindi siya kilala! What if stalker ko siya? We never know na stalker ko siya in high school days! "Hindi ko talaga alam sinasabi mo na marami nangyari! Tara let's go downstairs and I'll sign the papers na." Sabi ko at nauna akong lumabas sa kwarto ko, pag baba ko halata sa parents ko na inaabangan kaming dalawa at nakangiti pa talaga sila?! What the heck? Lord, dapat talaga sa under the sea ako nakatira hindi dito. Mas okay pa makipag live-in kay spongebob. "Nakapag desisyon ka na ba? Sayang talaga itong opportunity about arrange marriage, para naman may tutulong sayo anak!" Sabi ni mama at umupo naman ako to check the papers, hindi ako umiimik binabasa ko lang 'yong nakasulat sa papers. Inabot sa akin ni papa 'yong ballpen. "Buti naman at nakapag decide kana, magiging maayos ang lahat anak." Bumuntong hininga naman ako after ko malagay signature ko pero nagulat ako ng mabasa ko 'yong name ng lalaki na magiging asawa ko. Harry Klark Miller? Pamilyar 'yong name niya parang may nakilala ako dati in my high school days, pero ibang iba naman itsura ng lalaki na 'yon! Pero nakakausap ko 'yon tapos after niyon bigla siya nawala so I never bother to remember that guy. What if 'yon ang ibig niyang sabihin? Pero bakit parang napaka-special ko naman sa kaniya, if mabilis siyang nawala? "Time to pack my things I guess? Pero maliligo muna ako," I tried to smile kahit na alam kong dismayado ako sa mga nangyayari ngayon, pero may pag asa pa naman mabago ang lahat, pag tayo ko umakyat na agad ako at ginawa ko na ang dapat kong gawin. Makalipas ng isang oras natapos na din ako i-pack lahat ng kailangan ko, nakasuot lang ako ng jeans na pantalon tapos 'yong top ko is fitted na crop-top. Ganto kasi ako mag style sa sarili ko when it comes to fashion, pag bukas ko ng pinto nagulat ako dahil nakaabang na si Harry at kinuha niya ang dalawang luggage ko. Habang yakap ko ang spongebob plushie ko. "Mag ingat kayo sa biyahe anak!" Sigaw ni mama at pag labas namin nagulat ako dahil ang daming lalaki sa labas na naka suit, teka mga kasama niya ba 'to? "Mga kasama mo ba 'to? Mga friends mo to witness the arrange marriage?" Tanong ko at nailagay na niya sa likod ng car garage ang luggages ko. "Mga guards ko sila, pumasok ka na sa loob dahil kailangan ko na pumunta sa office pag ka hatid ko sayo sa bahay ko," saad niya sa akin at confuse pa din ako, ang dami naman niyang guard, siguro kriminal siya? Pero impossible kasi ang sosyal ng mga guard niya hindi kagaya sa nakikita ko sa anime na mukhang gangster tapos may mga tattoos. Ang awkward ng moment na ito, hindi ko alam kung ako ba 'yong unang gagawa ng topic or siya. Pero nasa isip ko pa din 'yong pangalan niya familiar talaga, matanong nga mga old friends ko dati if may nakausap ako na guy na may name na Harry.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD