[1]
Chelsea's POV
~OHHHHHHH Who lives in a pineapple under the sea? SpongeBob SquarePants!~
Narinig ko ang ringtone ng phone ko napakuha agad ako at pinatay iyon ka agad, napahinga ako ng malalim sabay bumangon. Narinig ko bigla ang ingay sa baba. Anong meron na naman sa baba? Buti nalang ngayon araw pahinga ko sa paghahanap ng trabaho.
"Papayag kaya si Chelsea?" Narinig ko ang boses ni papa.
"Anong papayag?" Tanong ko habang umuunat ako. Lumingon naman sa akin si mama at ngumisi siya sa akin.
"Halika dito pasaway ka anong oras na ngayon ka lang na gising!" Hinatak niya ako papalapit sa dalawang lalaki na naka-shade. Kamukha nila iyong sa spongebob na pulis na isda pfft!
"Ano na ba kasi 'to ma?" Tanong ko at tinuro-turo niya iyong kamay niya sa papel at pag tingin ko nagulat ako sa nabasa ko sa papel.
"ARRANGE MARRIAGE?! ANONG KLASENG JOKE NA NAMAN 'TO MA?!" Singhal ko dahil pangalawang beses na nangyari ito pero nakatakas ako doon sa una, sino ba itong nirereto ni mama sa akin na naman?!
"Pag kakataon mo na 'to! Para naman may tutulong sayo kapag naka hanap ka ng trabaho!" Napabuntong hininga ako at napaisip ako kung ano dapat kong gawin, tatakas na naman ba ako?
Wala naman ibang paraan di 'ba?! Ready na ako tumakbo anytime, kahit hindi pa ako naliligo! In 3..2..1.. TAKBO!!!
Tumakbo ako palabas ng bahay pero nagulat ako dahil may natamaan ako sa harapan at napahawak ako sa noo ko dahil kasing tigas ba naman ng bato yung natamaan ko, nauntog ba ako sa pader?! KATANGAHAN NA NAMAN BA ITO?!
"BAKIT KASI ANG DAMING PADER SA BAHAY NAMIN!" Singhal ko habang hinihimas ko ang ulo ko at pag angat ko ng ulo ko nanlaki ang mga mata ko.
Nakatitig sa akin ang isang matangkad na lalaki, naka suot siya ng formal at mukhang ibebenta 'ata ako ni mama at papa tapos dinahilan lang nila na 'Arrange Marriage' iyong pinakita nila sa akin!
"Mahal ko pa 'yong buhay ko mas mahal pa sa buhay mo! Kaya kung binabalak mong ibenta laman loob ko siguraduhin mong mabilis ka din tumakbo KAGAYA KO!" Singhal ko at tutulak ko na sana siya ng bigla niyang iharang ang dalawang kamay niya.
"MAMA AYOKO NETO! PAPA TULONG!" Sigaw ko at nag pupumiglas ako.
"You are still the same," napahinto naman ako sa pag pupumiglas ng mag salita itong lalaking pumipigil saakin, anong sinasabi niyang I'm still the same?! Mukha bang nag babago mukha ng mga tao?! Malamang hindi! Kung pinanganak kang maganda o panget hanggang pag tanda mo na dadalhin iyon!
"Malamang sa malamang the same pa din ako alangan mag bago ako at maging lalaki? Syempre 'yon maiiba iyon!" Pinilit ko pa din mag pumiglas.
"Pfft, anong sinasabi mo? Ito na ba epekto nung iniwan kita?" Ano bang sinabi ng lalaki na 'to? Hindi ko nga siya kilala! Kailangan makagawa ako ng Plan B. Which is mag panggap akong nahimatay para ibalik ako sa kwarto ko at mag kukulong ako sa kwarto ng buong araw!
"Tigilan mo ako sinasabi mo! Tulong--" Sinadya kong putulin ang sasabihin ko at nag simula na akong um-acting ng nahimatay ako.
"What the f**k?! Help me here! She fainted!" Ayan kasalanan niyong lahat 'yan! Buti nalang magaling ako um-acting dahil simula bata pa lang ako natuto na ko ng ganto para lokohin sila mama at papa pfft!
Naramdaman ko naman binuhat ako at naririnig ko ang mga halong salita na hindi ko na pinansin at inintindi pa, as long as makabalik ako sa kwarto magiging maayos na ulit ang lahat!
"Pag pasensyahan mo na anak ko Mr. Miller, kakausapin ko siya mamaya tungkol sa marriage at para mag kakilala kayo ng maigi." Nakakainis pinipilit talaga ni mama 'yong gusto niya.
Mas gusto ko pang tumira nalang sa under the sea kung saan nakatira si SpongeBob. Ewan ko ba simula noong grumaduate ako, nag simula na siya mag hanap ng magiging boyfriend o asawa ko dahil wala daw ako nakilala kahit isa nung nag aaral palang ako.
Ang sarap sabihin na nag aral po ako para matuto hindi mag hanap ang love life. Pero kung may tinadhana talaga sa akin edi go lang ng go hanggang sa ma-fall, hindi 'yong ganto na sa pilitan.
Naramdaman ko ang kama ko na malambot at hindi ko muna dinilat mata ko inantay ko na masarado ang pintuan, 'yong marinig ko iyon dinilat ko agad mata ko at nagulat ako dahil nandito pa din iyong lalaki nag humarang sa akin.
"Ba--Bakit nandito ka pa din?!" Nauutal tuloy boses ko! Mukhang rapist pa 'ata itong isa na 'to! Lagot na!
"I know it was just an act, kilalang kilala na kita." Napakagat ako ng labi ng sabihin niya iyon, paanong kilalang kilala na niya ako? Ni hindi ko nga siya kilala.
"Wag ka na mag panggap na kilala mo ako, sinabi na din iyan sa kin ng unang lalaki na in-arrange sa akin ni mama dati! Hindi ako mahuhulog sa patibong mo! Manigas ka!" Suminghal ako pag tapos kong sabihin iyon at ngumuso ako.
"You already forgotten about me, that's sad." Hindi ko inaalis tingin ko sa kaniya dahil baka kung ano gawin niya sa akin.
"Ang kulit mo hindi nga kita kilala!" Naramdaman ko ang drawer ko at naalala ko na meron akong small knife in case someone broke our house in the future.
"Ikaw ba iyong nag arrange ng marriage na 'yon o si mama?! Sabihin mo nalang sa akin iyong totoo at baka ma-spare ko pa buhay mo!" Singhal ko at mabilis t***k ng puso ko, sino ba naman hindi kakabahan?! Nag tatapang tapangan ka na naman Chelsea!
"Bakit ako matatakot sayo?" Nagulat naman ako ng unti-unti siya lumapit.
"Tanggapin mo iyong 'Arrange Marriage' at malalaman mo kung bakit kita kilala." Sabi niya, dito na ba mag sisimula iyong pag bagsak ko? Na fail ako sa plan a at b ko! Shuta!
Dapat talaga sa under the sea na lang ako nabuhay at hindi sa realidad na ito! Hindi ako mailigtas ng papa ko at ang nanay ko naman ay konsintidor!
Omg Chelsea ngayon lang napasok ang gantong sitwasyon sa buhay mo, katapusan ko na ba? The end na ba yung happy moments ko? Wala pa nga akong trabaho the end na agad!