CHAPTER TWO
PRIANNE
"Pri, what's up? You are spacing out again," rinig kong sabi ni Kaylee nang ihinto niya ang paglalaro sa video game console na dala niya. "Is there something that is bothering you?"
It is not something, it is someone. Gusto ko mang sabihin sa best friend ko na siya na naman ang iniisip ko pero alam kong magagalit lang siya sa akin. Baka i-untog niya pa ako sa pader dahil wala akong kadala-dala.
Isang buwan na ang nakalipas, isang buwan nang sila ni Maica pero bakit ito pa rin ako? Bakit siya pa rin ang gusto ko? Bakit hindi ako makausad?
"Paano kaya kung hindi ako umamin sa kanya dati? Siguro okay pa rin kami hanggang ngayon," bigla ko na lang nasabi habang nakatitig sa mga sasakyan sa labas ng bintana.
"Pri naman, do not let the thought of him ruin your mood. Field trip natin ngayon, we are here to enjoy and not to reminisce," saway niya agad sa akin. Tumango na lang ako at sumandal sa bintana ng bus. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kaya inalog-alog pa ni Kaylee ang balikat ko para lang gisingin ako.
"Wake up, Little Miss Sunshine!" sabi niya pa. "Hey, Pri! Nandito na tayo, nagpapamigay na ng tickets si Ma'am dela Paz."
Dumilat ako at sumilip sa bintana. Nandito na pala kami sa amusement park, ang last destination para sa field trip namin.
"Parang ang bilis ng biyahe," sabi ko pa sa kanya at sinabi niya namang mag-ayos muna kami ng kaunti bago bumaba sa bus. Pagkatapos naming mag-ayos, bumaba na rin kami at lumapit sa class adviser namin para kumuha ng tickets.
Ilang sandali pa ay sumunod na rin si Gian na bumalik sa bus dahil naiwan niya raw ang wallet niya. Si Pierre naman, kanina pa nakababa dahil pinuntahan niya pa ang girlfriend niya sa kabilang section. Kaming tatlo lang nina Kaylee at Gian ang magkakasama pero okay lang ‘yon dahil mag-e-enjoy pa rin naman kami.
"Oh, kasama natin sila?" bulong ni Kaylee sa amin ni Gian nang makita niyang naghihintay sa amin sina Pierre sa isang souvenir shop malapit sa entrance. Marami kasing stalls dito sa ground floor ng amusement park.
"Hayaan mo na, Kaylee," mahinang sagot naman ni Gian sa kanya at nang lumapit sina Pierre ay nakipag-high five pa siya rito. Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang pag-irap ni Kaylee nang makita naming hindi lang pala si Maica ang kasama ni Pierre kung hindi pati na rin ang iba pang 'alipores' ng girlfriend niya.
"Sama-sama na tayo," aya pa ni Pierre at ngumiti pa siya sa amin—I mean, ngumiti pa si Pierre kina Kaylee at Gian. It was as if I was not there. Para akong hangin na hindi nag-e-exist.
Ngumiti rin si Maica pero halatang napilitan lang siya. Well, hindi naman niya kami kailangang ngitian kung ayaw niya. Wala namang umo-obliga sa kanya.
"Ang ganda naman palang ngumiti nitong girlfriend mo, Pierre," I can sense the sarcasm in Kaylee's tone. "Parang mata-tae lang," bulong niya pa kaya bahagya akong natawa pero hindi naman namin ipinahalata iyon.
"Mahilig palang mambola 'tong si Kaylee 'no, bee?" nakangiting sabi ni Maica at nag-a-alangan siyang nginitian ni Pierre. Alam kasi niyang sarcastic lang si Kaylee. Sa tinagal-tagal ba naman naming magkakaibigan, eh.
Bumaling si Maica kay Kaylee at ngumiti. But this time, hindi na plastic ang ngiti niya dahil akala niya, binigyan siya ng compliment ng best friend ko.
"Thank you," duktong pa ni Maica. Paniwalang-paniwala siya na pinuri talaga siya ng best friend ko. Nagpigil na lang ako ng tawa, si Gian naman umiling na lang kay Kaylee.
"It was nothing, really," sagot naman ni Kaylee habang nagpipigil din ng tawa niya. Simple tuloy siyang sinamaan ng tingin ni Pierre at nagkibit-balikat lang ang best friend ko.
"Bee, pupunta lang kami sandali ng mga friends ko sa comfort room. Retouch lang," paalam pa ni Maica kay Pierre.
Pierre nodded and then he smiled at her. 'Yung ngiti na kahit minsan, hindi ko nakita sa kanya kapag ako ang kaharap niya.
"Sige lang, hon. Hintayin kita dito, ha?" malambing pang sagot ni Pierre sa kanya. Pinapanuod ko lang sila kaya nang mapatingin sa akin si Maica, nagsalubong agad ang mga tingin namin.
"Teka lang, bee. I forgot something," sabi niya pa kay Pierre bago siya ngumisi sa akin.
Sunod na lang na nakita ko, hinahalikan na ni Maica si Pierre sa harap ko. Para tuloy akong timang na nakatayo lang habang pinagmamasdan ko sila, ni hindi ako makagalaw para lumayo o tumalikod man lang kaya laking pasasalamat ko kay Gian nang hilahin niya ako palayo.
"Pri, tara! Nagutom ako bigla," aya niya pa at mabilis siyang tumuro kung saan. "Ang alam ko, may siomai stall banda ro'n. Puntahan na muna natin."
Alam kong palusot lang ni Gian iyon. Kaya nga mahal na mahal ko itong lalaki na 'to. He is always to the rescue, ang swerte-swerte tuloy ng best friend ko sa kanya.
If only she knows...
"Ugh! The nerve! I hate her! Akala niya ba hindi ko nakita ang pag-smirk niya sayo bago niya halikan si Pierre? She did that on purpose!"
Sunud-sunod ang pag-ra-rant ni Kaylee nang makalapit siya sa amin ni Gian dito sa may siomai stall. Napahawak pa siya sa may sentido niya dahil sumasakit daw ulo niya kay Maica.
"Tapos ang tawagan nila, honey at bee? HONEY BEE?! Good god, wala na bang mas co-corny pa ro'n?!"
Ang amusing panuorin ng best friend ko habang naiirita siya. Mas affected pa talaga siya sa akin. Ang sarap tuloy sa pakiramdam na may nasasandalan ka. Kahit papaano, pakiramdam mo hindi ka nag-i-isa.
"Chill!" tatawa-tawa pa si Gian habang inaabutan siya ng gulaman. "Inumin mo nga muna 'to para naman lumamig iyang ulo mo kahit papaano."
"Thank you, Gian."
Kulang na lang mabilaukan ako sa siomai na kinakain ko sa tamis ng pagkakasabi ni Kaylee ng 'thank you' kay Gian. Parang kulang na lang ipulupot ni Kaylee ang buhok niya sa daliri niya para magpa-cute, eh.
Hay nako, sana umamin na lang sila sa isa't isa dahil ako nahihirapan sa setup nila. Pwede naman, wala namang problema kung tutuusin.
Napaisip tuloy ako, pwedeng komplikado rin pala kahit pa gusto niyo ang isa't isa.
"Pri, okay ka lang ba?" tanong ni Kaylee nang mapansing tahimik ako.
I nodded and I even managed to smile. I am trying my best, sinusubukan kong balewalain ang lahat. Pero masakit pala talaga, 'no? Masakit pagmasdan ang taong gusto mo na masaya sa iba.
"Oo naman," matapang na sagot ko. Talo na nga ako, eh. Lalo lang akong magpapatalo kapag patuloy akong magpapakita na nasasaktan ako. I have to be strong for myself.
"Pri!" biglang sabi ni Kaylee at bigla niya akong hinigit sa braso ko sabay baling niya kay Gian. "Uy, pupunta lang muna kaming sa comfort room, ha? Parang sumama ang tiyan ko bigla."
"Sige," tumango pa si Gian. "Hintayin ko na lang kayo ro'n sa labas, malapit sa Surf Dance."
Nag-thumbs up na lang ako sa kanya dahil nagmamadali na si Kaylee. Sobrang sakit na raw kasi ng tiyan niya. Pasaway kasi, eh. Pati baon ko kanina, siya ang kumain.
Papasok na sana kami sa comfort room pero bigla niya ako hinila sa gilid na para bang may pinagtataguan kami. Ano ba naman itong best friend ko, kanina pa hila nang hila.
"Shhh!" saway sa akin ni Kaylee at inilapit niya pa ang index finger niya sa bibig niya para patahimikin ako.
Napakunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan kung bakit ko kailangang tumahimik. Given naman na maingay itong amusement place kasi maraming tao. Weird.
"Bakit?" curious kong tanong.
"Just listen," bulong niya.
Sumunod na lang ako sa sinabi niya at agad akong napatakip ng bibig nang marinig ko kung sinu-sino ang nag-u-usap-usap doon sa loob ng comfort room.
"Uy Maica, jackpot ka kay Pierre, ah! God, he's so hot. It is a plus pa na mayaman siya. Kumbaga noong nagpa-ulan si God ng blessings niya, wide awake si Pierre kaya nasalo niya lahat," pahayag ng isang babaeng nasa loob ng comfort room. She is one of Maica's friends, I can tell.
Nakilala agad namin kung sinu-sino ang mga nagsasalita. It is because we are batchmates so kahit hindi kami close, familiar pa rin kami sa mga simpleng bagay tulad ng boses. Siguro, sila-sila lang ang tao sa loob kaya malaya silang nakakapag-usap-usap tungkol sa ganitong bagay. Marami naman kasing comfort rooms dito sa amusement part.
"No, mali ka. Siya ang maswerte sa akin kasi kasama ako sa blessings na nasalo niya," pagmamalaki pa ni Maica.
Wow, talk about being humble, ha?
"Paano si Alvin? I mean, sino ba talaga sa dalawa, Girl? 'Di ba boyfriend mo rin siya? Good thing nga at hindi siya kasama ngayon because of his training. Kung hindi, malaking gulo panigurado."
"Don't worry girls, ginagamit ko lang naman si Pierre para magselos si Alvin. Gusto ko lang namang makuha ang atensyon niya. Wala na kasi siyang time para sa akin. Puro basketball na lang inaatupag niya. Buti pa ang bola, mahal niya," paliwanag naman ni Maica.
Susugod na sana si Kaylee sa loob pagkatapos niyang marinig ‘yon kung hindi ko siya napigilan. Now is not the right time and this is not the right place. Bukod pa ro'n, si Pierre ang dapat mag-settle nito, hindi kami.
"Ito lang Maics, ha? 'Wag mong hintaying mangyari na kasabay nang pagkawala niyang si Pierre, mawala rin sa'yo si Alvin. Ikaw din ang masasaktan sa huli."
Pagkatapos naming marinig ang usapan nila, para akong nanghina. Dapat masaya ako, 'di ba? Dahil ito na, kaharap ko na ang karma ni Pierre, isasampal ko na lang sa mukha niya para maramadaman niya rin ang sakit na ipinaramdam niya sa akin.
Pero hindi, eh. Hindi ganun ang nararamdaman ko ngayon. Imbis na matuwa ako, mas nangibabaw lang ang sakit, nasasaktan lang ako para sa kanya.
Nasasaktan ako kasi alam kong masasaktan siya.
Natauhan ako nang bigla akong hilahin na naman ni Kaylee.
"No, Pri! May alam tayo kaya kailangan nating sabihin! Kailangan 'tong malaman ni Pierre!"
"T-teka lang... akala ko ba masakit ang tiyan mo?" pag-iiba ko ng usapan. Parang hindi ko kasi gusto kung saan pupunta 'to.
Hindi ako sang-ayon sa gusto niyang gawin. Tulad nga ng sinabi ko, si Pierre ang dapat mag-settle nito at hindi kami. Ayokong makialam.
"Umurong na dahil sa narinig ko. Halika na kasi!"
Gusto kong matawa sa sinabi niya pero ayaw kong sirain ang moment ng best friend ko, seryosong-seryoso kasi siya.
"Pri, please!"
Naglalambing na siya habang pinipilit ako at patuloy niya akong hinila. Pinagtitinginan na rin kami ng ibang dumadaan kasi mukha kaming tanga at para kaming nagta-tug-of-war dito.
"Kaylee, malaking gulo lang 'yan! Hayaan na lang natin si Pierre. Mahirap pa kapag sa atin nanggaling 'yan. Sa tingin mo ba papaniwalaan niya tayo?" pakikipagtalo ko sa kanya.
"Ano ka ba? Sa tingin mo ba hindi malaking gulo kapag nalaman ni Pierre na may alam tayo pero hindi natin sinabi sa kanya? Sasabihin niya, hinayaan natin siyang magmukhang tanga!" balik naman sa akin ng best friend ko.
"P-pero..." magdadahilan pa sana ako pero tuluyan nang nagtagumpay si Kaylee sa paghila sa akin at kulang na lang ay kaladkarin na niya ako.
"Oh, ito na pala 'yung dalawa," bungad ni Gian nang makita niyang naglalakad kami ni Kaylee palapit sa kanila. Nakatayo sila ni Pierre malapit sa Surf Dance at nakasandal doon sa barricade.
"Check mo kaya sila Maica, bro? Para makasakay na rin tayo sa rides," suhestiyon pa ni Gian at tumango naman si Pierre. Aalis na sana siya para sundan ang girlfriend niya na mukhang nasa comfort room pa rin hanggang ngayon pero pinigilan siya ni Kaylee.
"Pierre, we need to talk," seryosong sabi ni Kaylee sa kanya at halatang nagtaka naman agad si Pierre.
"Bakit, Kaylee? May nangyari ba?" tanong niya pa at umiling agad si Kaylee.
"Sa amin wala, pero sa girlfriend mo mayro'n," sabi niya pa kaya parang kinabahan agad si Pierre.
"Ano!? I’m getting worried! Tell me!" pagpupumilit niya at tumingin pa siya sa akin na para bang gusto niyang magsalita rin ako. Napapikit na lang ako.
Sana tama ako sa gagawin ko.
"Ah—eh Pierre, kasi.. ano... uhm.. n-narinig namin sa labas ng comfort room ni Kaylee 'yung pinag-uusapan nila Maica. Sabi niya n-niloloko ka lang daw niya. Si... a-ano.. k-kasi si Alvin 'yung totoo niyang boyfriend."
Napayuko na lang ako pagkatapos kong magsalita. Ayaw kong makita reaction niya, natatakot ako.
* * *
PIERRE
"Seriously?" Nakuha ko pang tumawa at umiling. Lumapit ako sa kanya at bahagya siyang napaatras. "That is all you got, Pri? 'Yan lang ba ang mayro'n ka para sirain ang relasyon namin?"
"I... I am just telling you the truth," mahina niyang sabi.
"You will really go that low just to break us? You are unbelievable," iiling-iling kong sabi at pumagitna naman si Kaylee sa amin.
"Pierre, that is enough!" angil niya sa akin at tinulak niya ako palayo sa best friend niya. "Magkasama kami kanina kaya pareho lang kami ng narinig. Si Alvin ang totoong boyfriend ni Maica. She is just using you!"
"Tell me that this is all a joke, please. Nagbibiro lang kayo, 'di ba? Stop playing tricks on me," nagtitimpi kong sabi.
"I'm sorry, Pierre. Nagsasabi lang kami ng totoo," umiling pa si Kaylee at muli naman akong lumapit kay Prianne. Sinubukan pa akong pigilan ni Gian pero tinabig ko lang ang kamay niya.
"Pri, why are you doing this? Bakit ba sinisiraan niyo ni Kaylee si Maica sa akin!? Sa tingin mo ba, kung paniniwalaan ko kayo, iiwan ko siya at pipiliin kita?" sarcastic akong nagpakawala ng tawa at napayuko naman siya. "Ayaw ko sa'yo. Dalawang salita! Bakit ba hindi mo maintindihan 'yun? Bakit ba ayaw mong mawala sa buhay ko? Tumigil ka na! Itigil mo na 'to!"
"Bro, tama na. This is not the right place to argue," pigil naman ni Gian sa akin nang tumaas ang boses ko.
Sabay pa silang nagulat ni Kaylee nang sampalin ako ni Prianne. Lalong dumami ang mga nanunuod sa amin dahil sa ginawa niyang 'yon. Napahawak na lang ako sa pisngi ko at nang muli ko siyang tignan, nakita kong umiiyak na siya.
"S-sorry, ha?" humihikbi niyang sabi. "Kahit alam kong hindi ka maniniwala, sinubukan ko pa rin. Kahit alam kong mangyayari 'to, sinabi ko pa rin sa'yo ang alam ko. Kasi ayaw ko lang naman na magmukha kang tanga, kasi ikaw lang ang iniisip ko. Wala akong gusting makuha rito. P-pero hindi mo naman kailangang ipamukha na ayaw mo sa akin... kasi ang sakit-sakit na nga na ayaw mo akong paniwalaan, eh."
Pinunasan niya ang pisngi niyang basang-basa dahil sa pag-iyak. Nag-iwas na lang ako ng tingin dahil guilty na naman ako, napaiyak ko na naman siya. Pero siya naman ang may kasalanan, eh. Kung sana hindi niya 'to ginawa, wala sana kaming problema.
"Tanga nga ako, 'di ba? Sabi nga nila tanga ako, eh. Pero ito na pala 'yun, dito na pala ako titigil. Nakakapagod ka kasing magustuhan, Pierre. Nakakapagod maging concern sa'yo. Kaya s-sige, lalayo ako kung 'yan ang makakapagpasaya sa'yo," patuloy niya pa at niyakap na lang siya ni Kaylee. Masamang tingin pa ang ibinigay niya sa mga nakapalibot sa amin pagkatapos niyang iyuko si Prianne.
"Mawalang galang na ho sa inyong lahat, pwede bang umalis na lang kayo? Project lang po ito sa school, hindi chismis" inis na sabi niya pa kaya nagsiyukuan ang mga taong nanunuod sa amin na para bang napahiya sila at dali-dali silang nagsi-alisan. Kaming apat na lang ang natirang nakatayo ro'n habang maraming tao pa rin ang naglalakad sa paligid namin.
"Kaylee... babalik na lang ako sa bus," rinig kong sabi ni Prianne sa best friend niya at agad naman akong sinamaan ng tingin ni Kaylee.
"I'd rather go with you than stay here. Masyadong masama ang hangin dito," sabi pa ni Kaylee at napailing na lang ako.
"Ikaw ba, Gian? Sasabay ka ba sa amin?" tanong niya pa kay Gian. "Useless na rin namang mag-stay rito. Hindi na rin naman tayo mag-e-enjoy. Nakakahiya, gumawa pa tayo eksena."
"Susunod na lang ako sa inyo, Kaylee. May pag-u-usapan lang kami ni Pierre. Tawagan mo na lang ako kapag may kailangan kayo," sagot ni Gian sa kanya at tinanguan lang siya ni Kaylee bago sila umalis ni Prianne.
Inaya ako ni Gian na maglakad-lakad at naupo kami sa isa sa mga bakanteng pwesto na nakita namin sa food court malapit sa Pirate Adventure.
"Pierre..." seryoso niyang bungad sa akin. "Wala akong kinakampihan sa inyong tatlo. Ang sa akin lang, sana nakinig ka muna kina Kaylee kanina."
"Pinagbibintangan nila ang girlfriend ko, bro! Anong gusto mong gawin ko?" sagot ko sa kanya.
"And you think they will go that low just to break you and Maica apart? That is really silly. Kaibigan mo pa rin naman sila, I am sure they are only concerned about you," balik niya sa akin at diretso niya pa akong tinignan.
"Anong gusto mong gawin ko, 'Pre? Syempre kay Maica muna ako maniniwala, sa kanya muna ako makikinig bago sa ibang tao," pakikipagtalo ko at umiling naman siya sa harap ko.
"Bro, kaibigan mo kami. Hindi kami ibang tao. We have been friends since the sophomore year. Hindi ko naman sinasabi na 'yung dalawa lang ang kailangan mong pakinggan pero you have to consider both sides, hindi lang ang kay Maica," paliwanag naman niya kaya napaisip ako.
"You know what? I better talk to Alvin to clear this up," sagot ko na lang sa kanya at tumango naman siya.
"Mabuti pa nga kung gano'n," sang-ayon niya pa. "Pero bro, ihanda mo ang sarili mo kapag nalaman mo ang totoo. Dalawa lang 'yan, eh. Mali ang pagkakaintindi nina Kaylee sa narinig nila at mag-a-apologize sila sa'yo. O... tama sila at ikaw ang gago na hihingi ng sorry dahil sa mga sinabi mo kanina."
"Walangya naman, bro! Akala ko ba wala kang kinakampihan? Parang mayro'n, eh!" sabi ko naman sa kanya at nagkibit-balikat siya.
"Foul kasi ang mga sinabi mo kanina," punto niya at tinapik niya ako sa balikat pagkatapos niyang tumayo. "Susunod na ako sa kanilang dalawa, I will just check up on them."
"Dito na lang muna ako, bro. I will look for my girlfriend," sagot ko sa kanya at nagpaalam na kami sa isa't isa bago kami naghiwalay ng direksyon.
Sana lang talaga, wala akong pagsisihan kapag nalaman ko na ang totoo.