20

951 Words
Chapter Twenty "Akala siguro no'ng pumatay hindi s'ya tutugisin sa ginawa n'ya. Tauhan pa rin ni Boss Sigfrid 'yan. Tiyak na hindi papayag si Boss na gano'n na lang ang ginawa sa tao n'ya." Ani ng babae na may hawak ng champagne glass kaharap ang mga katrabaho nito. Kasalukuyan silang nasa isang party at walang kamalay-malay na nagmamatyag na ako. "Galingan mo pa sa pagkalap ng mga news, para mas matuwa si Boss Sigfrid sa 'yo." Waring kinikilig na ani ng kasama nito. "Well, dapat lang. Feeling ko pa naman magiging soon-to-be father-in-law ko na s'ya." Ani nito. "Ibig sabihin nagkikita pa rin kayo ni Paul Monteleban? 'Di ba, buhay pa ang asawa no'n?" "Buhay nga, baliw naman. Hindi no'n maibigay ang pangangailangan ni Paul at kayang-kaya kong ibigay iyon sa kanya." "Baka naman pwede mo akong isabit, matikman ko lang si Paul." "Gusto mo ba? Wait, magkikita kami ngayon." Ang ibang kasamahan nila'y nagprisinta na rin. Wiling magpakarat ang mga animal. Inilapag ko sa table ang wine na iniinom ko. Elegante ang suot kong evening gown ngayon. Walang makakakilala sa tunay kong mukha dahil may suot akong mask na hinding-hindi mahahalata na mask lang. Nadala rin sa make up kaya naman confident akong pumasok sa party na ito. "Balita ko nandito raw 'yong apo ni Boss Sigfrid. Gwapo rin 'yon." "Sino? Si Nicholas Monteleban ba? Ang nag-iisang tagapagmana ng mga Monteleban." "Bakit nga ba s'ya lang ang pamamanahan? Ang daming anak at apo ni Boss Sigfrid." "Tsk, ang bobobo n'yo. Si Paul Monteleban lang naman ang tumulong sa pagpapalago ng negosyo ng kanyang ama. Tama lang na sina Paul Monteleban ang makinabang...ah, kami pala ni Paul." Kinikilig na bumungisngis ang babaeng newscaster. Beatriz Adarna. The fvcking newscaster. Nirerespeto ng lahat pero kung makikita lang nila ang tunay nitong pagkatao ay tiyak na masusuka ang mga ito dahil masyado itong baboy. "Ayaw mo bang tikman din si Nicholas Monteleban?" biro ng isa pero tumalim ang tingin ko rito. "Why not? Mukhang magaling mambalibag sa kama ang batang iyon. Let's see." Ani ni Beatriz Adarna. Pasimpleng humakbang ako palapit sa mga ito. "Excuse me." Mahinhin ang tinig na ani ko sa mga ito. Nakaharang sila sa daan patungo sa restroom kaya naman kailangan kong kunin ang atensyon nila. "Who are you?" takang tanong ng Beatriz."Ngayon lang kita nakita sa ganitong pagpupulong." Marahan akong ngumiti. "I'm Shaira." Ani ko rito. Saka inilahad ang kamay. Ngunit tinignan lang nito iyon. "Sino ang nag-invite sa 'yo?" ani nito sa akin. "Oh, I'm with my father." Nakangiti ko pa ring tugon. "Who?" "Why? Ibabalita mo rin ba?" ani ko rito. "You know me?" biglang na boost ang confidence nito. "Yeah, napanood kita sa local news. 'Yong show na rito lang sa Santa Estrella." Ani ko rito. Saka ako ngumisi."Excuse me." Ani ko rito. Nang mapatapat ako rito ay kinindatan ko pa ito. Nakakatuwa rin pa lang makinig sa mga tsismisan ng mga ganitong uri ng babae. Ipagmamalaki 'yong bagay na dapat itinatago na lang nila dahil nakakahiya. Pero wala eh, proud na proud pa kahit nakakasuka ang ginagawa nila. Patungo na ako sa rest room ng aksidenteng mabanga ako nang kasalubong ko. Mabilis na humapit sa bewang ko ang lalaki na mukhang na bigla rin sa pagkakabungo namin. Paul Monteleban. "I'm sorry, Miss..." ani nito na titig na titig sa akin. Saka bumagsak ang tingin nito sa aking dibdib. Like father like son. Mabilis akong lumayo rito. Saka akmang lalagpasan na ito nang pigilin nito ang kamay ko. "What is your name?" tanong nito. Dama ko ang tingin ng grupo nila Beatriz Adarna sa amin ni Paul. Kaya naman para asarin pa ito bahagya kong inilapit ang labi ko kay Paul saka nagsalita. "I'm Shaira." Ani ko sabay tapik sa balikat nito saka dumeretso na sa banyo. Wala naman talaga akong gagawin dito pero nag-stay pa rin ako sa loob at kunwari'y nag-retouch. "Pumasok na si Paul at ang grupo ni Beatriz Adarna sa mansion." Imporma ni Tatti sa akin. I ask her na tulungan ako sa gagawin ko ngayon. Hindi ako nito tinanong kung bakit damay ang newscaster sa gagawin ko. Mukhang naunawaan naman nito na wala rin akong balak sabihin dito kung bakit. Basta damay ang mga taong magsasalita ng hindi maganda sa aking pamilya. Tinungo ko ang lugar na sinasabi nito. Kampante akong walang makakakilala sa akin dahil hindi naman permanente ang mask na suot ko. Susunugin ko na lang later. "Eat my pvssy." Malaswang ani ni Beatriz mula sa loob ng silid. Nilagpasan ko ang silid na iyon at pumasok ako sa kabilang silid. "May connecting door ang dalawang silid. Iisang banyo lang ang nag-uugnay sa dalawang silid na 'yan." Pagpasok ko sa silid ay nakita ko kaagad ang pinto."Busy sila, pwede kang pumasok sa banyo." Pumasok nga ako. Sa sobrang busy ng mga tao sa kabilang silid hind na nila namalayan na nanonood na ako sa kababuyan nila. Hindi si Paul Monteleban ang nasa gitnang bahagi ni Beatriz. Iba ang sinabihan nito ng ganoon. Kung 'di isa rin sa mga girls na kasama nito. Napakababoy nila. Habang si Paul Monteleban ay abala sa isa pang babae na nakadapa na lang at waring hindi na gumagalaw. Matagal din akong naghintay. Nang tumayo si Beatriz agad akong bumalik sa kabilang silid dahil patungo ito sa banyo. Walang kahit na anong saplot. Pakanta-kanta pa ito. Nagkubli ako sa pader pero nang bumukas ang pinto at biglang pumasok si Beatriz sa silid na kinaroroonan ko hindi ko na ito binigyan pa nang pagkakataon na makabalik sa kabila. Ang matalim na parte ng aking kuko ay ikinalmot ko sa kanyang mukha. Hinayaan ko lang ding bumagsak sa sahig ng waring mawalan ng lakas ang kanyang katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD