21

800 Words
Chapter 21 Gumagalaw pa ang mata nito. Sinusubukan luminga-linga ngunit dahil sa lason na kasama sa aking kuko ay hindi nito magawa. Kailangan kong magmadali. Isinampa ko s'ya sa kama. Nandidilim ang paningin ko sa babaeng ito. Natigilan ako nang mapagmasdan ang taas na parte ng dibdib nito. May tattoo rin ito ng Monteleban warriors. Ibig sabihin nakita nito ang nangyari sa pamilya ko. Tumulong din ba s'ya noon? Mas lalong nabuhay ang galit. Inilabas ko ang patalim at sinimula ko ang paborito kong gawain. Nakangisi ako habang ginagawa ko iyon. Satisfaction talaga para sa akin na makita ang takot na expression ng isang tao habang ginagawa ko ito. Ibig sabihin effective ang kakayahan ko para maningil sa mga demonyo. Ginuhitan ko ang makinis nitong braso gamit ang patalim. Pahaba iyon. Dahil hubad ito ay ginuhitan ko rin mula balikat patungo sa t'yan hangang paa n'ya. Sunod ang mukha nito. Nadaanan pa ng patalim ang kanyang mata ngunit sa buong durasyon ng madugong eksena ay tumatawa lang ako na parang baliw. Kung hindi pa nagsalita si Tori ay hindi pa sana ako titigil. Pinutol ko rin ang dila nito. Puro kasinungalingan lang naman ang nasasabi nito. Humihinga pa ito pero tiyak na kung hindi maagapan ay mauubusan ito ng dugo. Pagkatapos ko roon ay nagtungo ako sa banyo at naghugas. Ang gown na may mantya ng dugo ay mabilis ko lang na hinubad at inilagay sa paper bag. Sunod ay nagpalit ako nang kaparehong gown at waring walang nangyari na lumabas ako ng silid. Hawak na ni Tori ang lahat ng CCTV dito. Kampante akong walang kahit na anong evidence na makukuha. Nakita ko si Nicholas pero nilagpasan ko ito. After all hindi naman ako nito kilala sa ayos kong ito. Iniwan ko ang party na may ngisi sa labi. Bago ako umuwi sa bahay ay nagpalit na ako nang simpleng kasuotan saka dumaan sa sekretong lagusan ng bahay. Sinunog ko muna ang lahat ng ginamit ko upang tiyakin na walang evidence na makukuha sa akin. Pagkatapos ay pumasok na ako sa kabahayan. "May lalaki sa gate ng bahay mo." Imporma ni Tori sa akin. Natigilan ako. Sa isang side ng dingding ay ipinakita ang part ng gate, kung saan naroon si Cristo na waring naghihintay sa akin. Hindi hagip iyon sa surveillance camera ni Nicholas na ikinabit n'ya rito sa bahay. Kaya panatag na panatag ako. Bumuntonghininga ako saka dumeretso na sa silid. Wala akong pakialam sa taong iyon. Sasakit lang ang ulo ko. Pagpasok ko sa silid ay nagsimulang bumuhos ang ulan. Kaya naman nakasimangot na lumabas akong muli. Bitbit ang payong na tinungo ko ang gate at pinagbuksan ito. Basang-basa na ito ng ulan. Walang kibo nang pagbuksan ko ng gate at humakbang na papasok. Pagpasok namin sa bahay ay agad akong nagtungo sa kusina para ipagtimpla ito ng kape. Dumeretso naman ito sa banyo. Kapal din ng mukha, eh. Bahay n'ya? Kumuha na lang ako ng bagong twalya at isinabit sa labas ng pinto ng banyo. Saka ako pumanhik sa silid ko. Manigas s'ya sa lamig. Nag-shower muna ako bago humiga sa kama. Papikit na sana ako nang mag-ring ang phone ko. "Nicholas?" ani ko na napabangon agad. "I'm on my way to your house. Bakit nandyan si Cristo?" parang galit ito. "P-aano mo naman nalaman? kunwari'y tanong ko rito. "Damn." Ani nito. "Tinatamad na akong tumayo. Si Cristo na ang bahala sa 'yo." Ani ko rito saka pinutol na ang tawag. Biglang na ubos ang energy ko ngayon. "WHAT ARE YOU DOING HERE?" salubong ang kilay na tanong ko nang pagbuksan ako ni Cristo ng pinto. "Ikaw, anong ginagawa mo rin dito? Jowa ka ba?" ani nito sa akin na mas lalong ikinasalubong ng kilay ko. "No." "Pareho lang pala tayo. Pasok ka." Ani nito sa akin. Nakatapis lang ito ng tuwalya. Halatang katatapos maligo. Masama ang timpla ko ngayon. Bago ako umalis ng party ay nagkagulo nang matagpuan ang bangkay ng newscaster sa isang silid. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari rito sa Santa Estrella. Ang tanging naisip ko na takbuhan ay Tatti. Kinakalma ako ng taong ito. "Saan ka pupunta?" takang tanong ni Cristo ng akma na sana akong papanhik ng hagdan. "Tsk. Hinihintay ako ni Tatti." Tipid na ani ko rito. "Bakit? Anong mayroon sa inyong dalawa?" awat nito sa akin. "Wala ka nang pakialam doon." Ani ko na tinabig ang kamay nitong umawat sa pag-akyat ko. Nasa mukha nito na naguguluhan ito pero pinanood na lang ang pag-akyat ko. Nang pihitin ko ang doorknob ay hindi man lang iyon naka-lock kaya pumasok ako sa silid. Nakahiga na si Tatti. Mabilis kong isinara ang pinto at naghubad ng damit. Tanging boxer lang ang itinira ko saka sumampa sa kama at niyakap ito. Wala itong reklamo at hinayaan lang naman ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD