18

824 Words
Chapter Eighteen Flashback "Daliaan n'yong magligpit. Dalhin lang natin ang mahahalagang bagay." Karga-karga ako ng aking amang si Clibus Santilian. Mahigit ang yakap ko sa aking ama. Dahil dama ko ang tensyon sa paligid namin. Nagkukumahog si Mama at ang dalawang nakatatanda kong kapatid. "Anong nangyayari, Papa?" tanong ko sa aking ama."Aalis po ba tayo? Paano po ang mga kalaro ko rito? Maiiwan po sila, Papa." "Anak, hindi na tayo ligtas dito. Kailangan nating umalis na." Nasa tinig nito ang takot. Pakiramdam ko pa nga'y malabo na kaming makabalik dito sa Santa Estrella once na umalis na kami. Hindi ako binibitiwan ni Papa. Panay rin ang silip nito sa pinto at bintana namin. "Dalian n'yo na." Ani pa ng aking ama. "Halina kayo…nasaan ang isa mo pang anak?" ani ni Mama Clairel. Bitbit na nila ate at Kuya ang mga bag namin. Habang karga pa rin ako ni Papa. "Ano po ba ang nangyayari, Papa?" tanong ko rito habang palabas kami ng aming bahay. Madilim na, umaambon pa kaya naman pinandungan ako ni Papa. Ngunit bago pa kami makalabas sa tarangkahan ay mabilis na akong pinasiksik ni Papa sa malaking paso. Nang pasimple kong tignan ang dahilan ay mabilis kong natutop ang bibig ko. Maraming armadong lalaki ang naroon. Galit na galit, ay, hindi lang pala lalaki. May mga babae rin na may hawak ng sulo. Nasa mukha nila ang galit habang nakaharang sa gate namin. Pumasok ang dalawang lalaki na may hawak na baril. Magkamukhang-magkamukha ang dalawang ito. Mukha silang mag-ama. Mukhang ka-edad lang ni Papa ang isa. "Ano sa tingin n'yo ang ginagawa ninyo? Sa tingin n'yo ba ay makatatakas kayo sa ginawa ninyo? Ang mga Monteleban lang ang batas sa lugar na ito. Magbabayad kayo sa ginawa ninyo sa asawa ko." Sigaw nang galit na galit na lalaki. "Wala akong ginawa sa asawa mo. Itinuturo mo ako, samantalang ikaw naman ang gumawa no'n sa kanya." Galit ding sigaw ni Papa. Takot na takot ang mga kapatid ko at ang aking ina. Ganoon din ako. Sa nakikita kong galit sa mga taong narito ay pakiramdam ko'y hindi kami ligtas sa lugar na ito. Pinigil ko ang maiyak. Upang hindi ako mapansin ng mga ito. Nanganganib ang pamilya ko. Sa edad kong ito, ito ang unang pagkakataon na makaramdam ako ng ganitong takot. Bata pa ako, pero tiyak kong dadalhin ko ito hangang sa pagtanda ko. "Dito na kayo sa Santa Estrella mamamatay. Tinitiyak ko 'yan." Kahit gusto kong lumabas ay hindi ko magawa. Wala rin naman akong magagawa. Hindi ko pa kayang protektahan ang mga ito. Nang simulan nilang bugbugin ang pamilya ko. Para na lang akong na estatwa at 'di nakagalaw pa sa pinagkukublihan. Napanood ko kung paano nila bugbugin kasunod ay sunugin ang pamilya ko… "TATTI! TATTI!" sunod-sunod na yugyog ang gumising sa akin. Kapos ang hangin na napabalikwas ako ng bangon. Sumigid ang kirot sa gitna ko sa biglang pagkilos. Nanginginig pa ang katawan ko na dahan-dahang sulyapan ang nagtatakang lalaki na tulad ko ay wala ring saplot na nakalarawan ang labis na pag-aalala sa mukha nito. "Why?" ani nito na kinabig ako at mahigpit na niyakap."Nightmares?" ani nito. Nanginginig pa rin ako. Sa tuwing iyon ang panaginip ko hindi agad nawawala ang ganitong reaction sa katawan ko. Kahit pa mahigpit akong yakap nito. Kahit pa ibinubulong nito na panaginip lang iyon. Malinaw na malinaw sa akin iyong pangyayari na dahilan kung bakit nawasak ang buhay ko. Kung bakit naging ganito ako. Kitang-kita ko kung paano nila bugbugin sina Papa, sa tuwa pa ng demonyong Sigfrid Monteleban na iyon gumamit pa ito ng kutsilyo at hiniwa ang mukha ng aking ama. Sinunog nila ang pamilya ko. Si Kuya Trent, bali-balitang inabutan din ng mga Monteleban at ng taong bayan. Ganoon din ang sinapit sa magulang at mga kapatid namin. "Ikukuha kitang tubig." Ani ni Nicholas. Masyado itong mabait sa akin, ang hindi nito alam kasama ito sa plano ko. Lahat sila, lahat ng kadugo ni Sigfrid Monteleban ay pagbabayarin ko. Wala akong ititira sa kanila. Magbabayad sila. Nang makabalik ito ay may bitbit na itong tubig. Ininom ko iyon na habol pa rin ang paghinga. "Ano ba ang napanaginipan mo at grabe ang reaction mo?" worried na tanong nito. Iniabot ko rito ang basong pinag-inuman saka bumaba ng kama na hindi ito pinapansin. "Tatti..." tawag nito sa aking ngunit pumasok na ako ng banyo. Sumunod ito sa akin saka ako mabilis na kinabig at mahigpit na niyakap. Nakatalikod ako rito. Ayaw ko itong makita. Nananalaytay sa dugo nito ang dugo ng mga demonyong sumira sa pamilya ko. Ayaw kong makita ako nitong miserable pa rin dahil sa nakaraan ko. "Tell me, what's wrong?" masuyo ang tinig na tanong nito sa akin. "N-othing..." tipid na ani ko rito saka humugot nang malalim na buntong hininga. Akmang lalayo ako rito ngunit mas humigpit pa ang yakap nito sa akin. Saka nagsimulang patakan nito ng halik ang batok ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD