Chapter Thirteen
"Tattiiiii…" mabilis akong lumayo kay Nicholas nang marinig ang tinig ni Cristo. Nagsalubong ang kilay ni Nicholas na mabilis na hinuli ang kamay ko saka muling kinabig at mariing hinalikan ang labi ko. Hindi ko alam, pero sa larong sinisimulan so, sobra akong nag-e-enjoy. This is so fun.
Akmang papatong na ito nang muling kumatok si Cristo.
"Stop."
"Ano bang problema ng taong 'yan? Hindi ba pwedeng magtao po muna s'ya sa gate. Bakit sa mismong pinto na ng silid mo?" ani nito na halata talagang hindi natutuwa.
Lalo't tigas na tigas ito. Dama ko ang mainit nitong katawan na tiyak na Ang init ay aakyat sa ulo nito kapag nabitin ito.
"M-agbihis na tayo." Nahihiyang ani ko rito.
"No."
"P-lease, N-icholas…" kunwari'y pa na hindi makatingin dito. Waring nahihiya sa naging action.
Marahan na bumuntonghininga ito.
"Mauna ka nang lumabas. Ayusin mong mabuti ang sarili mo." Mariing bilin nito. Tumango ako rito saka binalot ang sarili ng robe.
Mabilis na nagbihis at nang handa nang humarap kay Cristo na ang lakas din talaga ng apog na pumasok sa bahay ko ay hinarap ko na ito.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya.
"Pinapunta mo ako rito. Tumatae pa ako noong nabasa ko 'yon, kalahati pa lang nabawas. Makikitae muna ako." Ani nito pero mabilis kong hinila pasara ang pinto.
"Doon na lang sa banyo sa kusina. Napakababoy mo naman." Ani ko rito saka hinila ang damit nito at tinungo namin ang banyo sa kusina.
Nang marating namin ay patakbo itong pumasok doon.
Ilang minuto lang ay si Nicholas naman ang lumabas ng kwarto. Maayos na ang itsura nito. Pero blanko ang expression ng kanyang mukha.
Umupo ito sa katabing upuan ko.
"Hindi ka pa aalis?" tanong ko rito.
"Hindi."
"Ayos ka lang ba?" tanong ko pa. Umiling ito. Gwapong masungit ang dating ng lalaki. Ang lakas makakuha ng atensyon. Salubong ang makapal nitong kilay. Mariing nakalapat ang labi.
"S-orry sa nangyari kanina." Ani ko rito. Ngunit hindi ito tumugon.
"Alis na ako." Ang labo rin ng isang ito. Basta na lang tumayo at nagmartsa paalis. Tinatawag ko pa s'ya pero hindi na n'ya ako pinansin. Nang lumabas si Cristo ay pawis na pawis ito.
"Nakaraos din." Ani nito na ngingisi-ngisi. Medyo baboy rin ang isang ito.
"Ano nga pa lang kailangan mo?" tanong ko rito.
Sumimangot ito.
"Ikaw ang nagpapunta sa akin kanina."
"Tumawag ba ako sa 'yo?" takang ani ko. Ginugulo rin ang isipan nito.
Sumimangot ito at tumango.
"Hindi nga kita gaanong naintindihan." Ani pa nito.
"Ah, samahan mo ako. Gala tayo."
"I-hire mo na lang kaya akong bodyguard mo."
"Kailangan mo ba ng work?"
"Oo, eh. Gipit kasi kami ngayon. May sideline naman ako pero hindi naman always panalo."
"Nagsusugal ka?"
"Hindi, 'no. Basta, cool 'yong sideline ko."
"Namamakla ka." Ani ko rito. Naalala ko 'yon sa night market.
"Grabe ka naman."
"Nakita kita." Ani ko rito. Mabilis itong nag-iwas nang tingin.
"Gumala na nga lang tayo. Ang dami mong tanong." Sabi nito sa akin saka hinawakan na ang braso ko.
"Yuck!" maarteng lumayo ako rito saka winisikan ng hand sanitizer ang parteng nahawak nito.
"Ang arte mo naman. Nagsabon naman ako."
"Baboy." Ani ko rito saka nagpatiuna ng lumabas.
"HIJO? SINO 'YONG babaeng kasama mo kagabi?" na hinto ako sa paghakbang papanhik ng mansion nang marinig ko ang tanong ni Lola. Nagpasya akong harapin ito.
"Si Tatti po, La. S'ya 'yong nabangit ko noong nakaraan na bagong lipat dito sa Santa Estrella at nabanga ko." Ani ko rito.
"Gano'n ba, mabuti at hindi mo napuruhan. Ang gandang bata." Ani ni Lola.
"Si Lolo nga po pala?" galing din akong prisinto after kong manggaling kay Tatti. Nakausap ko na ang imbestigador. Walang makitang CCTV sa crime scene. Impossible kasing sa ibang lugar s'ya pinatay saka dinala roon sa banyo. Masyadong maraming tao.
Mahahalata agad kung binuhat lang doon.
"Umalis, may kakausapin lang daw."
"Akyat na muna po ako sa kwarto ko."
"Hindi mo ba bibisitahin ang Mommy mo?" tanong nito sa akin. Mabilis naman akong umiling.
"Magpapahinga na muna po ako." Ani ko rito. Pero bago pa ako makatalikod sa Lola ay may yumakap na sa akin mula sa likuran.
"Bata, umalis ka na rito sa mansion na ito. Mga demonyo ang nakatira rito. Umalis ka na. Umalis ka na..." mabilis kong inawat ang pagwawala ni Mommy.
"Stop." Mariing ani ko rito.
"Inuunti-unti na nila kayo. Uubusin nila kayo. Salot ang Lolo mo, uubusin nila kayo."
"Angelica, stop it." Seryosong saway ni Lola rito."Nasaan ba ang mga nurse mo?"
"Hindi kasi ako baliwwww, hindi!" sigaw nito.
"Sinusumpong ka na naman. Uminom ka muna ng gamot mo upang kumalma ka." Ani nito.
"Ihahatid ko na po s'ya sa taas." Ani ko kay Lola.
Nang tumango ang matanda ay iginiya ko na si Mommy papanhik sa hagdan.
"Umalis ka na rito, hindi ka na dapat bumalik pa. Ang Lolo mo, s'ya ang pumapatay. Maniwala ka sa akin." Ani nito.
"That's so impossible, Mom." Ani ko rito. Kaya mahigpit din ang bantay nito at hindi hinahayaang makalabas at kumausap ng iba dahil tiyak na may kung ano na namang sasabihin, eh.
She's sick. Dahil na rin kay Daddy at Lolo. Pero kahit gusto ko itong ialis sa lugar na ito ay hindi naman papayag ang daddy ko at si Lolo rin mismo.