FLBG C-6

1893 Words
Alex POV Pagkatapos ng pag-uusap ko kila tito Jun ay nagpaalam na ako. Sumakay ako ng Taxi at nagpahatid sa Airport. Pagdating ng Airport ay kumuha agad ako ng ticket. Habang naghahantay ng flight ay nakamasid lang ako sa paligid. Nakatingin sa mga taong dumadaan. Napapaismid ako pag may nakikita o may napapadaan sa harap ko na mag-jowa. Bitter ako at mas mapait pa sa ampalaya.   "Sus! Mag-hihiwalay din kayo, sa umpisa lang yan sweet," malakas na sabi ko ng may napadaan na magjowa.   Lumingon sakin ang babae. Kita ko ang salubong na kilay niya. Kung lalapit siya sa akin at makiki pagbangayan ay hindi talaga ako magpapatalo. Lalo na ngayon na naiinis ako dahil kay Rence. "Subukan mo lang lumapit tatanggalin ko lahat yung buhok sa ulo mo," bulong ko. Lumapit sa akin ang babae ngunit bahagya naman siyang hinatak ng kanyang boyfriend. "Miss ano bang problema mo?" inis na sambit ng babae. May mga napalingon sa amin na mga pasahero. "Wala naman, baka ikaw may problema dyan sa jowa mo," sabi ko habang ngumunguya ng bubble gum. "Aba, talagang gusto mo nang away ano?!" wika niya ulit na napalakas na ang boses. Ako naman ay nag-uumpisa na ding magalit. Tinignan ko ang lalake, muka siyang langka na tinubuan ng mukha. Ayaw kong mag-eskandalo pero nauubos na ang pasensya ko. Tumayo ako at nagpameywang. Lumapit ako sa lalaking kasama niya. Kinuwelyuhan ko ang lalake at inamoy ang leeg niya. (Amoy anghit siya ieww!) "Honey bakit hindi mo gamit yung pabango na binili ko sayo? Yan tuloy amoy chico ka ngayon." nakangiting sabi ko. Nagulat silang dalawa sa kinilos ko. Pati ang mga tao ay nakiusyoso na din at pumalibot. "Ano?! honey?!' inis na sabi ng babae. "Yeah, he's my boyfriend before. But I dumped him yesterday. Ikaw pala ang pupulot ng basura ko," ismid na sabi ko. Magaling akong umarte. Kala mo. Bago pa lumapit sa akin ang babae ay kinuha ko agad ang mga gamit ko. "Sino siya?! Explain to me! Sino siya?! pasigaw na tanong ng babae sa kasama niya. "Babe hindi ko siya kilala. I never met her----" Pak! -- Natigil ang lalaki dahil sinampal siya ng babae. "Ouch!" ngiwing sambit ng lalaki at humawak sa pisngi niyang nasampal. Naalala ko ang pagsampal ko kay Rence noong nasa Mrt kami. Buti nga. Lumapit sa akin ang babae. Alam kong sasampalin niya ako kaya pinigil ko agad ang kamay niya. "Don't you dare touch my face or even my skin dahil uuwi kang may pasa na mukha!" madiing sabi ko sabay balya ng kamay niya. Umalis agad ako. Narinig ko pang umiyak na ang babae at ang lalaki naman ay niyakap siya. "Whatever! Sad ending and they broke up after," sabi ko habang naglalakad papuntang ibang upuan. Napansin kong nakatitig pa rin sa akin ang mga nakikiusyoso.  "Hay, ano ba yan mukang eskandalosa," sabi ng isa. "Mga babae ngayon, makikipagpatayan dahil lang sa lalake," wika naman ng isa. Parang nagpanting ang tenga ko kaya inalis ko ang shade ko at tinitigan sila isa isa. Masamang titig ang binigay ko sa kanila. Iniwas nila ang tingin sa akin at lumipat ng ibang upuan. "Asar!" inis kong sabi at binalik ulit ang shades sa mata ko. Alam kong mali ang ginawa ko. Ganito ako pag may topak, kung sino-sino na lang ang napapagtripan ko. Napatingala na lang ako para pakalmahin ang sarili. Pagkatapos ay tinignan ko ang magjowa, umalis na sila. Buti hindi nila ako sinundan kung hindi mapipilitan akong pumunta sa ibang airport. Mayamaya ay natuon ang tingin ko sa taong di kalayuan sa akin, tila pamilyar siya sa akin kaya naman hindi ko inalis ang pagtitig.   Rence?! Isip ko. Hinawi ko pababa ang shades ko baka nagkamali lang ako. Kumurap-kurap pa ako baka namalik-mata lang ako. Hindi nga ako nagkamali si Rence nga. Nakasunod sa likuran niya sila Kuya Tonio at mga bodyguard niya. "Anong ginagawa niya sa Airport? Pati ba naman dito makikita ko siya?"  Napailing na lang ako. Kinuha ko ang cap ko sa bag pack at inayos ko ang shades ko. Hindi dapat nila ako makita lalo na si Rence siraulo. Sa dami nang tao siguro naman hindi nila ako mapapansin. Medyo malayo din ang upuan nila sa akin. Sigurado ako na sa high-class flight siya sasakay. Tsk, imposibleng sumakay siya sa economy flight , eh allergic siya sa maraming tao. Kung gugustuhin ko kayang-kaya kong bumili ng ticket sa high class plane na sasakyan niya. Pero mas gusto kong sumakay sa economy flight. Mas trip ko ang simpleng buhay, at ito ang laging pinapaalala sa akin ni mama nung buhay pa siya. "Na laging maging humble," bulong ko. Habang naghahantay ay may tumabi sa akin na isang matandang lalake. Sa daming upuan na bakante ay sa tabi ko siya umupo. Mayamaya ay pasimple niyang inakbay ang kamay niya sa likod ko. Kaya ako, nahulaan ko na, na m******s siya. Nilingon ko siya nakita kong iniwas niya ang tingin sa akin at inalis ang kamay niyang nakaakbay. Buti na gets na niya agad ang tingin ko. Maiksi lang ang pasensya ko lalo na sa ganitong klaseng tao. Kung si insan ay nahahabaan pa ang pasensya ako hindi. Ilang saglit pa ay nagdekwatro siya at nag kibit balikat. Naramdaman ko ang siko niya na nasa bewang ko. Parang tinataas niya malapit dun sa gilid ng dibdib ko. Saktong may bubble gum akong nginunguya. Pasimple kong niluwa at nilagay sa kamay ko. Tinaas ko ang kamay ko para mag-inat-inat. "Hay, nakakapagod mag hintay," sabi ko at pasimpleng hinulog ang bubble gum sa ulo ng m******s na katabi ko. Lumingon siya sa akin at ngumiti. "Oo nga miss," aniya. Hindi niya napansin yung bubble gum sa ulo niya.  Ngingiti ka pang m******s ka. Naiinis na ako. "Hehehe oo nga," sabi ko at tumayo na. Nakita kong dumikit na sa buhok niya ang bubble gum. Kaya bago niya pa mahalata ay umalis na ako at humanap ng ibang upuan. Pagkaupo ko ay tinanaw ko ang m******s. Nakita kong tinatanggal niya yung bubble gum sa ulo niya. Medyo dumikit pa yata kaya kumalat sa buhok niya. Lilingon siya sa akin kaya iniwas ko ang tingin sa kanya. Pasimple kong sinaklob ang hood ng jacket ko sa ulo. Natatawa na kasi ako. "Buti nga sayo m******s!" wika kong humahagikgik. Sinilip ko ulit ang m******s, mukang papalapit sa pwesto ko mabuti na lang ay inanounce na ang eroplano na sasakyan ko. Kaya nagmadali agad akong tumayo at naglakad. Mukang dadaan pa ako malapit sa pwesto nila Rence kaya patakbo akong pumasok sa eroplano. Nahagip ng mata ko na nakatingin sa akin kuya Tonio, namukhaan niya yata ako. Wala na akong pakialam basta ang nasa isip ko ay makapasok ng eroplano. Pag-upo ko sa loob ng eroplano ay nakahinga na ako ng maluwag. Ilang saglit pa ay lumipad na rin ito. Habang natatanaw ang mga ulap ay unti-unting bumabalik ang alaala ko ang araw na una kong nakilala si Rence, ang mga kalokohan na ginawa ko sa kanya, yung sa mrt pati ang  nangyari kahapon. Lahat ng iyon ay nagflashback sa akin. Napansin ko na lang na kusang tumulo yung luha ko. "Langya! Ba't ba ako naiiyak!" Kailangan ko nang kalimutan lahat at wag nang umasa na magkakaroon pa kami ng relasyon ni Rence. Wala nang pag-asa para maging kami dahil alam kong hindi talaga siya magkakagusto sa akin lalo pa na nagawa niya akong saktan. Naisip kong matulog muna para kahit papaano ay makalimutan ko ang itsura ni Rence siraulo. ___________ Rence POV Habang naghahantay sa eroplanong sasakyan ko ay pasulyap sulyap ako sa mga pasahero. Inikot ko ang paningin, para kasing may nakatingin kaya hindi ako mapakali. Nilingon ko si Tonio na nasa tabi ko. Naisip kong tanungin kong nagtext ba si Alex kung makakapasok siya ngayong araw. Pag nale-late kasi siya ay nagtetext na siya pero kanina walang text o tawag, walang Alex na dumating.   "Tonio nagsabi ba si Alex na papasok ngayon?"   "Sir hindi po siya nagtext sa akin. Kanina pa po ako naghahantay ng tawag at text galing sa kanya."    "Ganon ba," wika ko at pasimpleng nilibot ang tingin sa paligid nitong Airport. Mukang tama nga ang hinala ko hindi na siya papasok dahil sa ginawa ko kahapon. Hinawakan ko ang pisngi ko namaga medyo lumiit na, hindi na rin masakit.   "Sir gusto niyo po bang tawagan ko siya?" tanong ni Tonio.  Napailing ako, hindi dapat ako naghahanap kay Alex. Alam kong ayaw niya pa akong kausapin. "No, hayaan mo na lang siya baka may inaasikaso." Mayamaya ay napalingon ako sa babaeng tumatakbo papasok doon sa eroplano. Tila pamilyar siya sa akin.   "Sir kamukha po ni Alex." sabi ni Tonio habang nakaturo babaeng tumatakbo.   "Maybe," sabi ko. Binalewala ko ang sinabi ni Tonio. Gusto ko munang i-relax ang isip ko lalo pa't makikipag kita ako sa investor na sinasabi ni Dad.     ------------------   Alex POV   Paglapag sa Airport ay guminhawa ang pakiramdam ko. Nandito na ulit ako sa lugar kung saan ako lumaki. Paglabas ko sa Airport ay saktong tumunog sa cellphone ko. Kinuha ko para tignan kung sino ang nagtext. Si kuya Tonio.    Alex nasan ka? May sakit ka ba?   Napailing ako. Naisip kong magreply para kahit papaano ay alam nilang hindi na ako papasok.   "Hindi na ako papasok! Sabihin mo kay siraulong Rence goodbye!"   May pakiramdam ako na tatawag siya kaya tinanggal ko ang sim.Napangisi ako sa sim na hawak ko. Nakita ko ang basurahan na malapit sa akin at tinapon.   "Ba-bye siraulong hilaw," ismid na sabi ko at lumakad na.    Sumakay ako ng bus pauwi. Ordinary lang ang sinakyan ko. Mas na eenjoy ko ang sariwang hangin pag nakabukas ang bintana.   "Ang sarap ng hangin malamig," sabi ko habang nakatanaw sa bintana. Amoy ko ang malamig na sariwang hangin. Heto ang gusto gusto ko pag nandito, walang polusyon at maaliwalas ang paligid. Tinignan ko ang mga pasaherong bumaba at sumasakay sa bus. Ilang sandali pa ay nakita ko si Mang Pedring ang hardenero namin sa hacienda. May mga dala siyang gulay ititinda yata nilang mag-asawa doon sa pamilihan malapit sa hacienda.   "Mang pedring!" sigaw ko. Tumayo ako at lumapit sa kanya.   "Senyorita? Bakit po kayo nandito?" tanong niya habang nakatingin sa akin. Kinuha ko ang isang bayong na nasa isang kamay niya at inakay siya papunta sa upuan kung saan ako nakaupo. Napalingon samin ang mga pasahero dahil sa lakas ng pagkakasabi ni Mang Pedring.   "Mang pedring wag ho kayong maingay," bulong ko. Hinantay ko siyang makaupo pagkatapos ay umupo ako sa tabi niya.   "Pasensya kana senyorita hindi lang ho ako sanay na makita ka dito." sabi niya at ngumiti.    Nakita ko ang iilang ngipin niya maitim na mukang ilang araw na lang itatagal. Matanda na si Mang Pedring kasing edad siya ni Granny. Ang lola ko.   Saksi din si Mang Pedring sa love story ni Pops at ni mama. Siya ang taga abot ng sulat ni Pops kay mama noong di pa uso ang cellphone. Pag naboboring ako sa hacienda ay pinupuntahan ko si Mang Pedring, pinapakwento ko sa kanya kung paano nainlove si Pops kay Mama. Langit at lupa ang pagitan ni Pops at Mama, eto ang laging kinukwento niya. Tutol daw noon si Granny kay Mama. Kaya noong namatay si mama ay doon napagtanto ni Granny na mahal nga ni Pops si Mama dahil hindi na ito nag asawa simula ng mawala si mama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD