FLBG C-7

2195 Words
Alex POV   "Mang Pedring mukang ilang araw na lang itatagal ng ngipin mo," biro ko sa kanya saka tumawa. Hindi pikon si Mang Pedring sa lahat ng kasama ko sa hacienda ay siya lang ang nakakabiruan ko.   Ngumiti si Mang Pedring, parang pinakita niya pa ang iilang piraso niyang pangil. Yun na lang kasi ang natira niyang ngipin. "Ikaw bata ka puro ka kalokohan," aniya at tumawa rin.   "Senyorita may hawig sayo ang mama mo. Maganda ang mama mo noong nasa edad mo siya. Lalong nahuhumaling ang mga lalake sa kanya dahil bukod sa maganda siya ay mabait siya. Yun nga lang walang nagtangkang manligaw dahil palaban ang mama mo. Tanging ang Daddy mo lang ang naglakas loob."    Nakangiti akong nakikinig sa kanya. Halos makabisado ko na din. "Kamusta ho ang hacienda? Si Daddy at si Granny?" tanong ko.   "Naging malungkot nung umalis ka," sabi niya sabay kamot sa ulo niyang napanot na.   "Mang pedring wala naman ho kayong kuto ba't ka kumakamot?" natatawa na naman ako.   "Makati kinagat yata ako ng lamok" natatawang sabi niya. Marunong din siyang bumalik ng biro.   "Mang pedring nandito na ako kaya sigurado akong magulo at maingay na naman ang hacienda." Ako kasi ang nagpapagulo sa hacienda ni Pops. Kahit magalit siya sa akin ay nandyan naman si Granny. Siya ang kakampi ko sa tuwing nagagalit sa akin si Pops.   Ilang saglit pa ay nakarating na rin kami sa last station ng bus kung saan kami bababa.Tinulungan ko si Mang Pedring buhatin ang mga bayong niyang dala. Pagkababa namin ay pumara muna ako ng tricycle para pasakayin siya.May tumigil na tricycle, ipapasok ko na sana ang mga bayong ay bigla na lang may sumakay sa loob. Isang lalaki na mataba, napansin ko na may tattoo siya braso. Kala niya siguro matatakot niya ako ng itsura niya.   "Hoy! Bumaba ka dyan! Pumara ako ng tricycle hindi para sayo!" sigaw ko na halos lahat ng nasa tabi namin ay napatingin sa amin.   Napansin ko si Mang Pedring na natakot sa lalaki. "Senyorita sa ibang tricycle na lang po ako sasakay. Si Brando po yan. siya po ang siga dito," ani ni Mang Pedring.   Wala sa bokabolaryo ko na magpatalo lalo pa na inagaw ng tabatsoy na toh ang tricycle na para kay Mang Pedring. "Hindi pwede Mang Pedring," inis na sabi ko.Lalo akong nainis nung tinapon ng tabatsoy ang mga bayong na nasa loob na ng tricycle.   "Basura! Bakit kayo nagpapasakay ng matanda na may dalang  basura!" ssinghal nito sa driver. Nakita ko driver na natakot na rin.   Nagpanting ang tenga ko."Basura?! Anung basura? Eh gulay at isda ang laman nito!" inis sa sabi ko. "Tumahimik ka dyan!" "Ano! Tabatsoy!" Di ko na napigil ang sarili ko.  Tinadyakan ko siya sa loob ng tricycle. Narinig kong napa aray siya kaya pinalayo ko na si Mang Pedring pati ang driver.   Lumabas si baboy sa tricycle. Halata ko na galit na galit siya dahil namumula na ang mukha at tenga niya. Nanlilisik din ang mata niya. "Ang lakas ng loob mong tadyakan ako, humanda ka sa akin!" sigaw niya at sumugod sa akin. Ang bagal niyang sumugod dahil sa katabaan niya.    Akmang yayakapin niya ako ay nakaiwas agad ako. Sinipa ko ang puwet niya kaya sumubsob siya sa kanal. Pagbangon niya ay puno ng putik at dumi ang mukha niya. Nag-umpisa na ring  magkumpulan ang mga taong naroon. Sunod-sunod na tawanan ang narinig ko dahil sa itsura ng baboy na halos puro putik ang mukha.   "Baboy! Ang laki mong damulag lampa ka naman!" natatawang sabi ko. Sumugod ulit ito ngunit nakaiwas ulit ako. "Lagot ka sa akin!" Sumugod uliy siya at agad naman akong umiwas ako ngunit mabilis niyang nahawakan ang isa kong braso. Hindi ko matanggal dahil sa higpit ng hawak niya. Hinatak niya ako kaya napayakap siya sa akin.   "Ang bango bango mo naman," sabi niya sabay singhot sa leeg ko.  "Yuck! Hindi ka lang baboy! m******s ka rin!" Parang kinilabutan ako sa ginawa niya. Naramdaman ko na parang aamuyin niya ulit ang leeg ko kaya siniko ko siya ng malakas. Napabitaw siya sa akin at nangingiwing hinawakan ang kanyang sikmura.   "Lampa! Baboy!" sigaw ko. Lalong nanlisik ang mata niya. Susugod ulit siya. Kaya pumorma na ako. "Lapit!" sigaw ko ulit.   Tumakbo siya papunta sa akin kaya sinipa ko ng malakas ang panga niya. Bumulagta siya sa tabi. Babangon pa sana siya pero mukang nawalan na siya ng malay. Sabay-sabay na nagpalakpakan ang mga taong nanonood na may kasama pang hiyawan.   "Idol!"   "May nakatalo na din kay Brando!" sigaw ng mga tao.    Si Mang Pedring naman ay nasa tabi ko na bitbit ang mga bayong niya. "Senyorita umalis na po tayo bago pa nila malaman na anak ka ni Don Fred."    Hindi alam ng mga tao na anak ako ni Pops. Pag lumalabas kasi ako ng hacienda ay tumatakas ako. Ayaw kasi ni Pops na palabasin ako para daw sa seguridad ko. Kaya ang mga taong nandito ay walang ideya kung sino ako. Ang nakakakilala lang sa akin ay ang mga magsasaka sa bukid at ang mga katulong na nasa mansyon.  Tumango ako kay Mang Pedring. "Papasakayin na po muna kita," sabi ko at sumenyas sa tricycle na malapit sa amin.   "Mang pedring kita na lang po tayo sa hacienda bukas," bulong ko. Tumango lang siya at nagba-bye na. Ako naman ay tumawag din ng tricycle, magpapahatid lang ako doon sa bayan kung saan ang hacienda ni Pops.   _______________ Rence POV "Sir nagtext na po si Alex," sabi ni tonio, Kakalapag lang eroplano namin sa Airport nang mga oras na iyon. "What did she said?" tanong ko habang nililibot ang tingin sa loob ng airport. Tinignan lang ako ni Tonio. Hindi siya sumagot. "Why?" tanong ko ulit. Iniabot niya sa akin ang cellphone at pinabasa ang mensahe ni Alex. "Hindi na ako papasok sabihin mo kay siraulong Rence! Goodbye!" Sasakit yata ang ulo ko sa mensahe niya. Napailing ako at binalik kay Tonio ang cellphone. Gusto kong pakalmahin ang sarili dahil gusto kong pigilan ang inis. "Lets go, Mr. Freddie is waiting to us."  Paglabas namin ay nandoon na naghihintay ang sasakyang susundo sa amin papunta sa hacienda kung nasaan si Mr. Freddie. Pagkakita ko pa lang sa sasakyan ay alam kong hindi basta-basta ang taong kakausapin ko. Mercedes Benz SUV ang sasakyan at halatang bagong modelo lang ito. ---------------- Habang nasa byahe ay kitang-kita ko ang magandang tanawin sa labas ng bintana. Malawak na lupain. Berdeng palayan, mga ibon na lumilipad, mga baka at kalabaw. Bahay kubo, pati ang mga naglalako ng gulay sa tabing kalsada. Simple lang ang buhay ng mga taga roon pero nakikita ko sa mukha nila na masaya sila. Mayamaya ay nahagip ng paningin ko ang babae na bumaba ng tricycle. Siya yata ang babae kanina sa airport na tumatakbo. Namukhaan ko siya dahil sa suot niya at cap niya. Parang may hawig kay Alex. Iniwas ko bigla ang tingin sa babae. Bakit siya pupunta rito? Besides, kila Annie siya nakatira. Kamukha niya lang siguro.  "Sir may problema po ba?" tanong ni Tonio. "Nothing, " sagot ko at umiling.  Lumipas pa ang ilang minuto ay nakarating na kami sa malaking gate ng Hacienda. Napatingin ako sa arko nito na nasa itaas."Lucia Hacienda Lopez."  Heto siguro ang pangalan ng hacienda ni Mr. Freddie, ngunit bakit ganon? Tila pamilyar ang pangalan na ito. ------------------- Alex POV Pagbaba ko ng tricycle ay nakita ko ang sasakyan ni Pops. Hindi niya siguro ako nakita na naglalakad.   Nagtaka ako. Parang ibang tao ang nasa loob ng sasakyan, hindi kasi masyadong tinted ang salamin ng sasakyan ng aking ama kaya maaninag ang sakay nito sa loob. "May bisita yata si Pops." Nagpatuloy ako sa paglalakad, habang papalapit sa hacienda ay panay na ang bati sa akin ng mga nakakakilala sa akin. "Senyora Lucia!" tawag ng isang matandang babae. Lucia ang tawag sa akin pag nandito ako sa hacienda, ito kasi ang lagi nilang naririnig kay Granny. Ang totoo niyan ayaw kong tinatawag akong lucia para kasing losyang. "Magandang araw po" bati ko sabay ngiti. Lumapit sa akin ang matandang babae. "Senyora ngayon na lang po ulit kita nakita." Ngumiti ako. "Galing po akong maynila." Tumango ang matanda. "Sige ho senyorita, maglalako pa ho ako ng gulay," wika nito at lumakas na paalis dala ang bilaong may lamang gulay at karne. Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad. May mga batang naglalaro sa daan, nagtatakbuhan at nagtatawanan. Ganyan ako nong kabataan ko, puro laro lang ang nasa isip ko. Takbo dito, tago doon, at madalas doon sa palayan nakikigapas ng palay sa mga magsasaka.    Huminto ako malaking gate kung saan ako nakatira. Nasa itaas ng malaking gate ang pangalan nitong hacienda. "Lucia Hacienda Lopez." Ganoon pa rin ang pangalan ng arko. Pangalan ko pa rin ang nakalagay, ilang beses na akong nakipag-usap kay Pops na palitan pero wala yata siyang balak. Nakabukas ang malaking gate kaya naman hindi ko na kinailangan pang tawagan si Pops para buksan ito. Binaybay ko ang daan patungo sa mansyon. Habang naglalakad  ay nakita ko ang iilang magsasaka na palabas naman ng Hacienda. Binati nila ako. "Magandang araw ho senyorita." wika ng isa.   "Magandang araw din ho. Tapos na po kayong mananghalian?" tanong ko. Tuwing tanghalian kasi ay nagpupunta sila sa mansyon para kumain. Huminto muna ako sa paglalakad. "Opo senyorita," sagot ng isa. "Masarap ho talagang magluto si Yaya Fely." Si yaya Fely kusinera namin, simula pagkabata ko ay kusinera na siya ni Granny. "Opo,  mauna na po kami senyorita, marami pa pong palay ang gagapasin sa bukid," sabat naman ng isa. "Sige ho," sagot ko at sila ay lumakad na patungo sa bukid. Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad hanggang sa matanaw ko ang malaking pintong nakabukas. Nasa tapat nito ang sasakyan ni Pops na nakita ko kanina sa daan. "Sino kaya ang bisit ni Pops?"   Mula sa aking kinatatayuan ay naririnig ko na ang boses ng aking ama. Malaki ang boses nito na kung hindi mo siya kilala ay aakalain mong galing sa ilalim ng lupa ang nagsasalita. "Saglit lang, magpapasuyo muna ako na magdala ng inumin," sabi ni Pops at lumakad patungo ng kusina. Pagpasok ko ay natanaw ko agad si Granny na naka-upo sa tumba tumba niyang upuan na malapit sa pintuan. "Apo! Lucia! Lucia" wika ni Granny na tuwang-tuwa. Lumapit siya sa akin at yumakap. "Granny! na mis kita!" nakangiting sagot  ko. Pagkatapos ng yakap ay binaling ko ang tingin ko sa mga taong naroon. Halos lumuwa ang mata ko dahil ang mga bisita niya ay nakatulalang nakatingin sa akin. Kilala ko sila Kilalang-kilala. Lalo na ang maputing lalaki na kulay labanos at matangkad. "Rence?!" "Alex?!" kunot noo nitong sambit. "Lucia kilala mo sila?" tanong naman ni Granny. Oo Granny siya lang naman ang nanakit sa akin kahapon. Litanya ko sa isip. Hindi ko masabi kay Granny dahil pag sinabi ko gulo ang aabutin namin. Kailangan ko makaisip ng dahilan para makaiwas sa tanong ni Granny. "Granny, masakit po yata ang ulo ko. Parang nahihilo ako Granny," drama ko sana makalusot. Hinawakan ko ang noo na tila nahihilo. "Naku Lucia magpahinga kana. Bakit kasi hindi ka nagpasabi na uuwi ka ngayon," pag-aalala ni Granny. Inalalayan niya ako paakyat ng hagdan.  Sinulyapan ko sila Rence at Kuya Tonio pati ang mga bodyguards na nakasama ko. Halata ko sa mukha nila ang pagtataka. Sandali pa ay lumabas na rin si Pops galing sa kusina. Nakasunod sa kanya si yaya Fely na may dalang juice at tinapay. "Alexa?! himala yata at umuwi ka?!" tanong ni Pops at umupo sa sofa. "Pops mamaya na lang tayo mag-usap, masakit ang ulo ko," dahilan ko. Sumasakit dahil dyan sa labanos na nasa harap ko. Nais ko sanang iboses ngunit sinarili ko na lang baka mapahiya lang ang labanos na toh. Napaismid ako ng magsalubong ang tingin namin ni labanos. Pinanlakihan ko siya ng mata. Lagot ka sa akin! magtutuos tayo! Kala mo! Seryoso ang tingin niya, napansin ko na parang nangingiti siya. Aba talagang gusto mong saktan kita.  Nanggagalaiti na ako sa inis buti na lang hindi napansin ni Granny ang salubong kong kilay. Nagpatuloy kami ni Granny sa pag-akyat sa hagdan. Pagpasok sa kwarto ay naka-alalay pa rin si Granny hanggang sa makaupo ako sa tabi ng kama. "Granny mamaya na po tayo mag-usap pwede po ba?" nakangiting sabi ko. Tumango si Granny. "Sige Lucia, mukang marami kang ikukwento sa akin," wika nito ay yumakap sa akin.  Pagkatapos ay tumayo na siya at lumabas ng kwarto. Pagsara nito ng pinto ay nakahinga ako ng maluwag. Tumayo ako at ni lock ang pinto. "Bwisit! Bakit nandito sila Rence?! Pambihira minamalas nga naman oh!" pabagsak akong humiga sa kama. Kinuha ko ang unan na nasa gilid ko. Tila lumabas ang mukha ni Rence sa unan, kaya naman niyugyog ay pinagsusuntok ko iyon hanggang sa lumabas ang mga bulak na laman nito. "Deads kana!" inis kong sabi habang sinusuntok ang unan. Umalis na ako sa pagiging bodyguard niya kala ko hindi ko na siya makikita pero ngayon nandito siya sa hacienda at mukang magtatagal pa siya. "Walang hiya kang labanos ka! Lagot ka sa akin!" Hinampas ko ang unan at binato iyon sa pinto kaya naman nasira na ito ng tuluyan. __________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD