Kinakabahan akong pumasok, kaya medyo nagpa-late ako. Tinext ko ulit si kuya Tonio na male-late ako pero ang totoo napilitan lang akong pumasok. Pagdating sa parking lot ay sinalubong agad ako ng mga kasamahan ko.
"Alex pumunta ka kaagad kay boss," sabi ng isa.
"Naku Alex mukang maghahalo ang balat sa tinalupan sa itsura pa lang ni boss kanina mukang.." bitin ng isa naming kasama.
"Ha?! bakit daw?!" kunot noo kong tanong na kunwari wala akong alam.
Umiling lang sila. Ilang saglit pa ay tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Kuya Tonio.
"Helloo?--" Natigil ako nang hindi si kuya Tonio ang nagsalita kundi si poging hilaw na pala.
"Come to my office now!"
Halata ko sa boses niya na galit siya kaya lalo akong kinakabahan. Hindi agad ako nakasagot.
Hello? Alex?! Alex?!
"The person you are trying to call is out of coverage area, please try your call later. Tut-tut-tut," palusot ko sana epektib pero mukang hindi. Ilang saglit pa ay bumuntong hininga siya.
"Kung di ka pupunta sa opisina ko tatanggalin nakita!"
Napapikit ako dahil sa lakas ng boses ni Rence. Pagputol ng tawag ay dali dali akong sumakay ng elevator papunta sa opisina niya buti na lang hindi lumabas si Annie sa opisina niya na katabing opisina ni Rence.
Nakita ko sa labas ng pinto si Kuya Tonio. Pailing iling siya, halata ko na may mangyayaring hindi maganda. Akmang kakatok na sana ako ay bumukas na ang pinto, si Rence ang nagbukas. Kitang-kita ko ang salubong niyang kilay, pati pisngi niyang namamaga. Nakonsensya ako sa ginawa ko sa kanya.
"Come in," aniyang seryoso.
Napalunok ako dahil sa kaba. Pagpasok ko ay ni-lock niya kaagad ang pinto at nagpameywang sa harap ko.
"Look at me, you see this?" sabi niya at tinuro ang pisngi niya.
Hindi ako makatingin sa kanya, nakaramdam na rin ako ng konsensya. "Boss hindi ko akalain na mamamaga yan," sagot ko at ang mata ko ay tinuon ko sa sahig.
"Alex! Okay lang sana na sampalin mo ako pero yung ma-mamaga ng ganito mukang wala na akong dahilan para pag-pasensyahan ka pa," aniyang nanggigigil at napahawak sa sintido niya.
Napayuko na ako at mahinang sumagot. "Boss sorry----."
"Sorry?! Damn it! Hindi ako makapag-meeting ngayon dahil sa itsura ko," galit na sabi niya. Bigla niyang hinawakan ang braso ko nang mahigpit. Kaya lalo akong kinabahan, nakita ko ang mata niya na ang-aapoy na sa galit.
"Aray boss," mahinang sabi ko. Mahigpit na ang hawak niya at ilang sandali ay binalya niya ang braso ko na halos pati ako ay muntik ng matumba.
"Dont do this again or else your fired!" sigaw niya.
Ngayon ko lang nakita ang itsura niya na galit na galit, namumula ang mukha niya pati tenga niya parang uusok. Kahit kinakabahan ay gusto ko siyang pakalmahin. "Boss, hehe. Pasensya na malayo naman yan sa bituka kaya okay lang yan," biro ko.
Tumitig siya sa akin na nanlilisik ang mata, pakiramdam ko tuloy ibang Rence ang nasa harap ko ngayon. Mukang naubos na ang pasensya niya. Humakbang siya palapit sakin kaya napa-atras ako hanggang napasandal na ako sa pinto.Hinarang niya ang dalawa niyang kamay sa gilid ko. Nakakatakot ang tingin na pinupukol niya sa akin at kasabay din nito ang takot na bumalot sa akin.
"Boss-----" wika ko na tila umurong ang aking dila. Hindi na ako nakapagsalita dahil hinawakan niya ang panga ko. Pilit kong tinatanggal ang kamay niya ngunit malakas siya, mas malakas ngayon dahil galit na siya. Ngumiti siyang tila may ibig sabihin, ngiti na nakakatakot pagmasdan.
"Boss---" Nanlaki ang mga mata ko nang madiin niya akong hinalikan. Madiin na halik na halos maghabol ako ng hinga dahil parang nasasakal ako. Hindi ko magawang sumigaw dahil sa diin ng labi niya. Natatakot na ako, nag-umpisa na ding manginig ang katawan ko.
Ilang minuto niya akong hinalikan, mas lalo akong natakot nang gumalaw ang kanyang labi at ang dila niya ay pilit na pinapasok sa loob ng aking bibig. Buong lakas ko siyang tinulak ngunit hinawakan niya ang dalawa kong kamay at dinikit iyon sa magkabilang gilid ko. Hindi ko na napigilan ang lumuha.sa sobrang takot ko ay napaluha na lang ako. Umagos ang luha ko sa pisngi hanggang sa aking labi. Wala akong nagawa dahil nanlambot na ang aking tuhod sa takot. Habang lumuhua ay patuloy lang siya sa paghalik. Madiin at mapusok, para niya akong pinaparusahan. Lalong nanginig ang katawan ko sa takot nang bumaba ang kanyang labi papunta sa aking leeg.
Tinanggal niya ang isa niyang kamay na nakahawak sa kamay ko at hinawi ang suite ko. Hinawakan niya ng mahigpit ang panloob na polo ko kaya napunit ito. Nasilip ko sa gilid ng mata ko ang strap ng bra ko. Takot na takot ako. Nawalan ako ng lakas na kahit pagtulak sa kanya ay di ko magawa. Napahagulgol na ako ng iyak.
"Tama na, please bitawan mo ako." sabi kong humihikbi. Akala ko titigil siya ngunit mas lalong dumiin ang halik niya sa leeg ko, pati ang dila niya ay humagod sa balat ko. Mas lalo akong napaluha at humagulgol ng iyak. "Rence, tama na, parang awa mo na," wika kong nakikiusap.
Unti-unti siyang tumigil sa paghalik at ilang sandali pa ay binitawan ang kamay ko. Napaupo ako at napayuko, niyakap ko ang aking mga tuhod at kinubli ang aking mukha habang humihikbi. Habang umiiyak ako hindi ko siya narinig na nagsalita. Takot na takot ako. May parte nang sarili ko ang nandidiri dahil sa nangyari. Lalo akong napaluha nang maisip ko na tila naging biktima ako ng krimen, pinagsamantalahan ng walang kalaban-laban.
Panay singhot ko habang umaagos ang luha sa aking mata na kahit ilang pahid ang gawin ko ay hindi tumitigil. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na umupo siya sa tabi ko.
"Dont cry," aniya at niyakap ako. "I'm sorry."
Tinanggal ko ang braso niyang nakayakap at tinulak siya. "Lumayo ka sakin!" sabi ko. Akmang yayakapin niya ako ulit ay sunod sunod na hampas ang ginawa ko sa mga kamay niya.
"I'm sorry" sabi niya at muling tumabi sa akin. Tila naghihintay siya kung kelan ako tatahan.
"Lumayo ka sa akin." ani kong humikbi. Tinignan ko siya mata sa mata habang lumuluha. Kaba at takot ang nararamdaman ko parang hindi siya si Rence na kilala ko. Hindi ako makapaniwala na magagawa niya sa akin ito. Muli kong iniyuko ang ulo dahil hindi ko mapigilan ang umiyak. Ilang oras din akong nakaupo sa gilid ng pinto, siya naman ay hindi umalis sa tabi ko. Nabalot kami ng katahimikan na ang tanging naririnig dito sa loob ng kanyang opisina ay ang paghikbi ko.
Nang mahimasmasan ay huminga ako ng malalim, pinahid ko ang mga luha ko.. Basang-basa ang parteng dibdib ng polo ko kaya halata ang panloob kong suot.
Inayos ko ang suit ko upang takpan ang polo kong may punit sa bandang leeg. Tumayo ako at inayos ko ang sarili, napansin kong tumayo na din si Rence siraulo.
Siraulo na ang tawag ko sa kanya dahil sa ginawa niya. Hindi ko magawang magsalita dahil natatakot pa rin ako. Basta ang nasa isip ko ay umalis na nang opisina niya dahil baka may gawin na naman siyang hindi maganda.
Pipihitin ko na sana ang doorknob pero natigil ako dahil hinawakan niya ang kamay ko.
"Alex we need to talk," sabi niya parang kalmado na siya.
Umiling ako.
Tinignan niya ako ng seryoso, bago pa ako matakot ulit ay hinatak ko ang kamay ko na hawak niya. "Please" sabi niya lalong humigpit ang hawak niya.
Hinatak ko ulit ang kamay ko kaya napabitaw siya. Bago pa ako tuluyang matakot ay tinignan ko siya. Seryoso na ako wala na sa utak ko ang makipagbiruan.
"Talk? Talk? We need to talk because of what I did to your face? Well I'm sorry, I'm sorry." Napa-english na ako dahil ayaw kong matakot ulit sa kanya.
"Alex, di ko intensyon na halikan at saktan ka," sinserong sabi niya. Mukang nakonsensya siya sa ginawa niya.
Nag-umpisa na namang gumilid ang mga luha ko sa mata kaya bago pa ito tumulo ay pinahid ko na agad. Tumango lang ako. Buti na lang binitawan niya na ang kamay ko kung hindi baka nasapak ko na siya. Alam kong may sasabihin pa siya pero wala na akong pakialam kung ano man iyon. Ang nasa isip ko lang ay umalis na rito. Kaya naman mabilis kong binuksan ang door knob at patakbong lumabas ng opisina niya. Napansin ko din si kuya Tonio na tumayo sa pagkakaupo, nagulat yata ng tumakbo akong lumabas.
Pagdating ko sa parking lot at sinalubong agad ako ng mga kasamahan ko, hindi sila nakapagsalita dahil napansin nila ang mugto kong mga mata.
Huminga ako ng malalim. "Uwi na muna ako masama kasi pakiramdam ko," pagdadahilan ko, hindi ko na hinintay ang sasabihin ng mga kasamahan ko, mabilis akong umalis sa building ng Monte Builders.
Habang nasa taxi ay kumawala na ang luha ko. Dun ko lang naramdaman ang sobrang takot, mas takot ako ngayon. Ang mahigpit niyang hawak sa braso ko, ang mata niyang galit na galit, at ang halik niya na madiin lahat ito sumagi ulit sa isip ko.
"Mam saan po kayo bababa?" tanung ng driver habang nag-ddrive.
"Manong sa may mall na lang po" sagot ko kahit humihikbi. Kahit si manong driver parang gusto ng magtanong dahil panay ang lingon niya sa akin. Hindi pwedeng makita nila tito Jun na mugto ang mata ko pati itong damit ko na may punit.
Pagdating sa mall ay dumiretso ako sa clothing area. Bumili ako ng damit. Pagkabili ko ay diretso agad ako sa CR para magpalit. Paglabas ko ay tinignan ko muna ang suit ko na nilagay ko sa paper bag.
Natatakot na akong bumalik sa Monte Builders dahil sa ginawa sa akin ni Rence. Wala na akong balak na makita siya ni maski anino niya. Pikit mata kong nilagay sa trash can ang suit ko.
Pagkatapos ay naglibot-libot muna ako para kahit papaano ay mawala sa isip ko ang takot. Hindi ko namalayan ang oras dahil inabot na ako ng gabi sa paglilibot sa mall. Pagtingin ko sa relo ay pasado alas nuebe na ng gabi. "Uwi na ako baka hinahanap na ako nila tito."
___________
Rence POV
Paglabas pa lang ni Alex ng opisina ko ay hindi na ako mapakali. Alam kong mali ang ginawa ko sa kanya. Hindi ko na kasi nakontrol ang galit ko kaya nagawa ko iyon kay Alex. Nadidismaya din ako sa sarili pag naaalala ko ang mukha niya umiiyak Naisip kong tawagan ang isa sa mga bodyguard ko at kausapin ulit si Alex. Gusto kong kausapin siya at magpaliwanag. "Si Alex?"
"Sir umalis po siya, masama daw po ang pakiramdam."
Mahabang buntong hininga ang pinakawala ko sabi ko at ilang sandali pa ay binaba ko na ang tawag. Napahawak ako sa sintido ko at tumayo. Naiinis ako sa sarili ko.Sa inis ko ay binagsak ko bigla ang mga palad ko sa mesa.
May mga natapong papeles kaya dinampot ko. Habng kinukuha ang mga papeles na nagkalat sa sahig ay nabaling ang tingin ko sa kontrata ni Alex. Napatingin ako sa pangalan niya. "Alexa Lucia Camine Lopez." Tila pamilyar sa akin ang kanyang apelyido hindi ko lang maalala kung saan o kung kanino ko narinig.
__________
Alex POV
Pag-uwi ko ng bahay ay dumiretso agad ako ng kwarto. mabuti na lang naisipan kong bumili ng pasalubong kaya ang atensyon ni Robert ay nasa pasalubong na dala ko. Hindi niya napansin ang mugto kong mata.
"Ate Alex hindi ka ba kakain? Mukang masarap itong dala mo?" tanong niya habang umaakyat ako ng hagdan.
"Busog ako Robert, kainin mo na yan. Binili ko yan para sayo."
"Salamat ate. Mukang sosyal itong pagkain."
Hindi ko na siya nilingon sa halip ay pumasok na ako sa kwarto, dumiretso sa kama at nagtalukbong. Muli na naman akong naluha. Naaalala ko na naman ang galit na galit na mukha ni Rence at ang ginawa niya. Natalo ako ni Rence. Para akong tinalo ng isang daang sundalo at iniwan nang walang kalaban-laban. Ganito ang pakiramdam ko dahil ito ang unang beses na sumuko ako. Napasuko ako dahil sa takot. Umiyak akong pinipigilan ang paghikbi. Ayaw kong may makarinig sa akin kaya habang nakatalukbong ay niyakap ko rin ang unan nang sagayon ay wala akong magawang ingay. Ayaw kong magkwento sa mga magulang ng pinsan ko dahil alam kong ipapaalam nila ito kay Pops.
"Hindi mo na ako masasaktan ulit dahil hindi na ako magpapakita sayo!" May dahilan siya para magalit pero sobra na yata ang ginawa niya.
Parang bigla akong nainis ng maalala ko ang mukha ni Rence kaya ang unan nasa tabi ko ay naitapon ko sa pinto. Saktong bumukas kaya tumama sa mukha iyon ng aking pinsan.
"Aray!" sigaw ni Robert. Napalakas yata ang pagtapon ko.
___________
Rence POV
Pag-uwi ng bahay ay nakita ko ang aking ina. Agad kong inalis ang tingin sa kanya at lumakad papasok sa may sala.
"Hijo may problema ba?" tanong niya.
"No Mom, I'm just tired."
Wala akong balak sabihin sa aking ina ang nangyari. Isa pa, hindi niya kilala si Alexa. Bihira ako mag kwento sa parents ko lalo na pagdating sa babae. Ang naikwento ko lang sa kanila ay si Samantha at Annie. Bukod sa kanila ay wala na. Napaupo ako sa sofa. Iang saglit pa ay dumating na din ang aking ama.
"Hijo you need yo go on Mr. Freddie's Hacienda tomorrow. You need to study our next project na gagawin together with him."
Tinignan ko si Dad. Parang wala naman akong kilalang Mr. Freddie na tinutukoy niya. "Mr. Freddie? Who is he?"
"Oo nga pala you don't know him. Anyway, noong pumunta siya dito ay lasing ka kaya hindi kita napakilala sa kanya. Ang pamilya niya ang may hawak ng isa sa pinakamalaking hacienda dito sa pilipinas and he also own big properties in other countries at dito sa pilipinas. We need get Mr. Freddie as an investor in our company," pahayag ni Dad. Halata sa mukha ng aking ama na hindi basta-basta ang taong tinutukoy niya.
"I see. So it means I need to pack my things for tomorrow flight."
"Yes. He expecting you to be there. I hope that you convinced him."
"I will Dad.
"I call him now para alam niyang pupunta ka bukas," wika ni Dad at kinuha ang telepono upang kausapin ang Mr. Freddie na kanyang tinutukoy. Sumenyas na lang ako kaysa kanya na aakyat na sa aking kwarto.
"Hijo, is there something wrong? bakit ka nakasimangot?" tanong ng aking ina na nakasunod sa akin.
"Mom, pagod lang ako. You dont have to worry," pagdadahilan ko. Tinigil ko muna ang pagpihit ng door knob at hinarap ang aking ina na nasa likuran ko.
Ngumiti siya sa akin, ngunit batid sa kanyang itsura na may gusto pa siyang itanong. "Hindi kita pipilitin na magkwento. Pahinga kana anak," aniya at humalik sa aking pisngi. Pagkatapos ay bumaba na rin siya.
kaagad akong pumasok at sinara ang pinto. Napahawak ako sa noo ko, hindi ko pa rin makalimutan ang mukha ni Alex. Takot na takot at lumuluha. Kanina ko lang siyang nakitang umiyak. May pakiramdam ako na baka hindi na siya pumasok bukas, pero bakit ako nag-aalala na baka hindi ko na siya makita? Dapat nga ay mapanatag na ang loob ko dahil wala na akong kaiinisan.
"s**t!" Napahilot ako ng aking noo at bapagsak na umupo sa gilid ng aking kama. Why I feel sad? I should be happy cause I wont see her anymore. Napailing ako at tinignan ang malaking closet.
Walang patutunguhan ang pag-iisip ko sa kanya, mas importante ang kompanya. Kinuha ko ang maleta para mag-impake. Bukas ako makikipagkita kay Mr. Freddie. Kaya dapat i-ready ko ang isip ko at i-relax ang sarili.
__________________
Alex POV
"Bakit biglaan naman Alex? Tumawag kana ba kay Annie?" tanong ni Tito Jun habang hawak ang isang tasang may kape.
"Hindi ko pa po natatawagan si insan. Pero sinabi ko naman po sa kanya na uuwi na ako. Namimis ko na kasi si Daddy at Granny," pagdadahilan ko.Hindi ko lang talaga maamin sa kanila ang totoong dahilan kung bakit uuwi na ako.
"Sigurado ka ba? Parang himala yata na ikaw na mismo ang uuwi sa inyo? d
Dati sinusundo ka pa dito ng Daddy mo pag pinapauwi kana," wika naman ni tita Lita.
Tumango ako. "Sigurado na po."
"Ate Alex paano yan, baka hindi na matutupad ang promise mo sa akin," sabat naman ni roberto habang naka dekwatro na nasa tabi ko.
Nangako nga pala ako na bibilhan siya ng posters. "Okay lang yan, bibigyan na lang kita ng pambili ng mga posters." sabi ko at kinurut ang kanyang pisngi. Ang sarap kasi niyang pang-gigilan dahil sa suot niyang spaghetti dress. Napa-aray siya at hinawakan ang pisnging kinurut ko.
"Ouch! ate naman eh,"
"Mamimis kita bakla,' ani ko at umakbay sa aking pinsan.
"Ako din ate Alex. E paano yan? Baka hindi na kayo magkita ni Park Bo Gum---" tinakpan ko agad ang bibig niya dahil nag-uumpisa na naman ang kadaldalan niya.
"Hehe tito, tita madaldal po talaga ito si roberto."
Napailing nalang si tito Jun. "Basta alex kung gusto mo ulit bumisita dito walang problema lagi kang welcome dito."
"Alam ko ho tito, parang magulang ko na rin po kayo." Mamimis ko ulit sila, si tito, tita, si Annie at lalo na itong si baklang Roberto.
"Ate tatawag ka sa akin ha, pag nandoon kana," sabay ni Robert at yumakap sa akin.
Parang nadadala ako ng emosyon ni Roberto, tutulo na yata ang luha ko. Mas niyakap ko siya ng mahigpit at ganoon din ang ginawa niya. Pagkatapos ay hinarap ko siya. Gusto ko siyang tanungin ng isang bagay na alam kong ikakagalit niya. Bago ako umalis, gusto kong galitin siya.
"Robert nag-patuli kana ba?" Tinakpan ko ang aking bibig upang pigilan ang pagtawa.
Nagsalubong ang kilay niya. "Ate!" sigaw niya. Halos mabingi kami dahil sa lakas ng sigaw niya na may kasama pang tili.
"Oo nga Roberto nong summer hindi ka nagpatuli. Nasa talyer kasi ako palagi kaya hindi kita masamahan." saad naman ni tito Jun.
"Pa, babae ako. Hindi ko kailangan ng tulo," sagot niyang naaasar.
"Roberto magpatuli ka next summer. Mag kikinse-anyos kana supot ka pa rin, hindi ka ba nahihiya sa mga kaklase mo at kalaro mo?" sabat naman ni tita Lita.
"Oo nga Robert, malay mo pag natuli ka maging lalake kana. Sayang naman ang gwapo mo pa naman," biro ko, totoong gwapo si Robert kaso nga lang bakla talaga siya baklang-bakla.
"Alex nagsabi kana kay Annie na uuwi kana?" pag-iiba ni Tito Jun ng usapan.
Oo nga pala wala pa lang balita si Insan sa biglaang pag alis ko. Wala din akong balak sabihin sa kanya ang nangyari sa amin ni Rence. Simula ng maging bodyguard ako ng siraulong yon hanggang sa sapilitan niya akong halikan ay walang sinuman ang nakaalam
"Kayo na lang po magsabi tito, masyado pong busy si Insan ngayon."
"Hindi ka ba magpapasundo sa Daddy mo?" tanong naman ni Tita Lita.
Umiling ako. "Hindi na po, mas gusto ko na isurprise sila sa pag-uwi ko," sagot ko mas gusto ko din ang magbyahe ng mag-isa para kahit papaano ay hindi ko na maisip si Rence.
Uumpisahan ko na rin na kalimutan siya dahil sa tingin ko malabo ng mangyari na maging jowa ko siya. Mukang magiging mortal ko na siyang kaaway dahil sa ginawa niya kahapon.
___________