Alex POV "Lucia alalayan mo si rence makaupo dyan sa kabayo" utos ni Granny. Pagkatapos kumain ay nakasunod agad siya sa amin hanggang dito sa kulungan ng mga kabayo. Si pops naman ay pupunta daw muna ng bayan dahil may ka meeting daw siya. "Granny pwede naman si Hector ang umalalay sa kanya para makasampa sa kabayo," sabi ko. Si Hector, siya ang taga alaga namin ng mga kabayo. Nakita kong nakaismid si Rence sa akin. Ayaw ko nga, pagkatapos ng ginawa mo kanina tingin mo tutulungan kitang makasampa!? No way! Isip ko. "Granny ako na lang po aalalay kay Sir para makasampa," sabi ni Hector. "Naku bata ka talaga, sige na Hector alalayan mo si Rence." "Salamat Granny," sabat naman ni Rence Labanos. Tinulungan ni Hector si Rence na makasampa sa kabayo. Ako naman ay kanina