FLBG C-11

1580 Words

Rence POV   Habang nakasunod kay Alex ay palihim ko siyang pinagmamasdan. Pag lumilingon siya sa akin ay agad kong iniiwas ang tingin. Sa ginawa niyang paggamot sa sugat ko ay tila marami siyang alam sa hacienda nila. Marunong din siyang makihalubilo sa mga tao, hindi lang pala puro kalokohan ang alam niya. Marunong din siyang makisama.   "Labanos di ka ba nagugutom?" tanong niya ng hindi ako nililingon. Tinignan ko ang aking wrist watch, pasado alas dyes na nang umaga.   "Hindi," matipid na sagot ko.   "Halika punta tayo doon sa sapa mamingwit tayo ng isda," sabi niya at pinatakbo ang kabayo.   Pinatakbo ko din agad ang aking kabayo sa bilis magpatakbo ni Alex kahit isang segundo lang ako huminto ay talagang iiwanan niya ako.  "Your hungry?" tanong ko habang nakasunod sa kanya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD