Rence POV Sinundan ko ng tingin si Alex habang umaakyat sa hagdan. Kailangan kong kontrolin ang inis ko dahil nandito ako ngayon sa bahay nila. "Rence, halika dito samahan mo ako manuod," wika ng lola ni Alex. Tumango ako at umupo katabi ng sofa kung saan siya nakaupo. "Lola ano pong papanoorin natin?" tanong ko habang nakatingin sa telebisyon. "Hijo, Granny na lang itawag mo sa akin, tutal parang apo na din kita," tugon nito at tinignan ang remote na hawak. Mukang nahihirapan siyang tignan dahil namimikit na ang mata nito sa kakatitig sa remote. "Lola ano po bang panonoorin niyo?" "Si FPJ, yung si pandecoco," aniya. Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni lola dahil hindi naman ako nanunuod ng T.V. Kilala ko si FPJ ngunit ang pandecoco na sinasabi niya ay hindi ko kilala