Rence POV
Mahigpit ang pagkakahawak niya kaya hindi ko matanggal ang kamay ko. "Wait! Where are we going? Di ba tatawag ka ng taxi?!" Huminto kami sa paglalakad at nagtatakang binalingan ko siya ng tingin.
"Sir mag-MRT na lang tayo, mas mabilis, saka matrapik pa ngayon tignan mo," aniya sabay turo sa mga sasakyang nasa edsa.
"Ano?! mag-MRT? No! No!" pailing iling kong sagot.
"Boss ako nang bahala sayo," pilit niya sabay ngiti ng nakakaloko.
Hinatak niya ako papuntang MRT. Bumili siya ng card. I don't know kung anong tawag don. Hindi pa kasi ako nakakasakay sa MRT na sinasabi niya. Binigay nya sa akin ang card at pagkatapos ay sumunod ako sa kanya. Pinagmamasdan ko kung paano gamitin yon. Nakita kong sinuksuk niya iyon sa isang machine at nakalagpas siya sa bakal na harang kaya ginaya ko din.
Nagtataka ako bakit hindi gumagalaw ang bakal para makapasok ako. Ilang beses kong sinuksuk pero hindi siya tinatanggap ng machine.
Nakapameywang si Alex na nakatingin sa akin. Habang ako natataranta na, marami na ring tao ang nakapila sa likuran ko.
"Ay! Ano ba yan, ang tagal!"
"Sira ba yung machine?!"
"Ano ba yan?! Wala ka bang balak umuwi?!"
Naririndi na ako sa mga taong nasa likuran ko kaya tinawag ko si Alex. "Alex!"
Lumapit agad siya sa akin. "Boss sira yata yung Card mo."
Iniabot ko sa kanya. Siya ang nagsuksuk sa machine. Laking gulat ko na natanggal yung bakal na nakaharang. Tinignan niya ako. Kita kong matatawa siya. "Boss mali yung pasok mo ng card" sabi niya.
"Whatever!" sabay hablot ng card sa kamay niya.
"Ay! Hindi pala marunong, first time niya atang sumakay," wika ng taong nasa likuran ko.
Nag-uumpisa na naman akong mainis, bago pa ko maubusan ng pasensya ay pumunta ako sa pwesto ni Alex.
"Sir first time mo bang sumakay?" nakangiti siya. Naghihintay ni kami sa MRT na sinsabi niya.
"I have a car. Bakit ko kailangang sumakay dito at isa pa hindi ako sanay sa ganitong lugar," pagdadahilan ko.
"Nasira nga sir sasakyan mo di ba?!" nag-uumpisa na naman siyang mang-asar.
Di ko na siya sinagot. Mayamaya ay dumating na ang mukang train na sinasabi niya. Hinatak niya agad ako papasok. Umupo kami. Habang nakaupo ay kitang-kita ko ang mga taong nakatingin sa amin dahilan para mailang ako.
"Ang gwapo non oh?" sabi nung babaeng estudyante na di kalayuan sa amin. Tinuro niya ako sa mga kasama niya. Kaya lalo akong nailang.
"I don't like this place," bulong ko.
"Boss mukang hindi ka sanay sa public places na nakagaya nito. Saka boss kaya nakatingin sila sa atin kasi mag jowa tayo," nakangiting sabi niya.
Napaismid ako. Wala akong balak patulan yung mga sinasabi ni Alex. Mayamaya ay tinapik niya ako. "What?"
"Boss mukang naiinip ka, gusto mong maglaro?"
May kalokohan na naman siya at sigurado ako don. Umiling lang ako. "No".
Dinikit niya ang bibig niya sa tenga ko kaya natigilan ako. "Boss please, sige ka pag di ka pumayag sisigaw ako."
Nilayo ko ang mukha ko sa kanya. "Whatever!"
"Ah ganon!"
Nakita kong nagsalubong ang kilay niya mukang sisigaw talaga siya kaya tinakpan ko kaagad ang bibig niya."Okay, just keep your mouth shut."
Tinanggal niya ang kamay ko at ngumiti ng nakakaloko. "Game. Nakikita mo yung guhit na yun pag may dumaang lalake dyan ako ang panalo pag dumaan naman ay babae ikaw ang panalo."
Tinignan ko ang guhit na sinsabi niya, medyo malabo pero natatanaw ko. Mapilit talaga siya, wala naman akong magagawa kaya sapilitan akong pumayag. "Okay."
"Boss pag ako ang nanalo I-kikiss mo ako," sabi niya sabay turo sa pisngi.
Napataas ang kilay ko. "No, no, no, I wont do that."
Inirapan niya ako. "Okay, ganito nalang pag ako ang nanalo sasampalin kita. Anong gusto mo? kiss o sampal?"
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa kundisyon niya. Ayaw kong halikan siya lalo na sa public place na kagaya nito at isa pa hindi ko siya girlfriend para halikan ko. "I choose sampal" nakangiting sabi ko. Confident ako na ako ang mananalo. "And pag ako ang nananalo sasampalin din kita," dugtong ko.
Sumeryoso siya ng tingin sa akin. "Ano?! Hindi patas yon! Babae ako, pitik na lang sa noo," pilit niya.
Kahit kelan talaga ayaw niyang magpatalo. Tutal mabait pa rin naman ako ay pumayag ako. "Okay."
"Sige, game, malapit na tayo sa susunod na station,"sabi niya.
Pagdating namin sa next station ay alerto na kame kung sino ang dadaan dun sa linya. Isa lang ang pumasok dun sa pintuan at babae, hinihintay namin kung dadaan siya sa guhit. Ilang sandali lang ay dumaan ang babae sa guhit kaya yung ngiti ko abot hanggang batok. Ako ang nanalo.
"Mahina lang ha?" sabi niya ayaw niya pang ilapit ang noo niya kaya hinawakan ko ang panga niya. Napapikit na siya. Itotodo ko ang pag pitik, kala mo. Pagpitik ko nakita kong pumula agad ang noo niya kaya natawa ako sa itsura niya.
"Aray!" reklamo niya at yung katabi namin ay napalingon na samin.
"Hindi pa yon masakit," natatawang sabi ko.
"Tsk, humanda ka sa akin!" aniyang ngumingiwi ang bibig.
Muli kaming naghintay ng next station. Pagdating sa next station ay nakaabang na ang mata namin sa mga papasok. Nanlaki ang mga mata ko dahil puro lalaki ang pumasok at dumaan doon sa may guhit.
"1,2,3,4,5,6,7,8,9.." aniya habang binibilang ang mga lalaking dumadaan sa guhit.
"Hehe , Alex anong gusto mo? Magpabili ka kahit ano?" malambing na sabi ko.
Nakita kong tinaas niya ang kamay niya. Ang ngiti niya abot hanggang tenga. "Wala akong ipapabili," nakangiting sabi niya sabay hawak sa panga ko ng mahigpit.
Pak!
"Aray!"
Pak!
"Aray!"
Pak!
"Ouch!"
Pak!
"Ouch! Masakit na!"
Pak!
"Aray!"
Pak!
"Masakit na!"
Pak!
"It hurts!"
Pak!
"Tama na!"
Pak!
"Awts!" sunod-sunog kong sigaw. Ang lakas ng mga sampal niya, siyam na beses niya akong sinampal kaya parang matatanggal ang panga ko. Napatingin na rin samin ang mga tao sa MRT. Pagkatapos ng sampal ay napahawak ako sa panga ko.
"Baka may kalokohan yung lalake kaya sinampal siya ng girlfriend niya?" sabi ng matandang babae.
"Hay, mga lalake talaga, kaya ang hirap magtiwala eh," sabi naman ng isang babae.
Ano bang ginawa ko? dD ko naman siya girlfriend?! wika ko sa isip.Parang maiiyak ako dahil sa sakit ng pisngi ko. Hindi naman ako pwedeng gumanti baka sa presinto ang bagsak namin kung papatulan ko siya.
"Boss ganoon talaga may nananalo at may natatalo," nakangiting sabi niya.
Mukang wala siyang balak na makaganti ako dahil sunod na station ay bababa na kami. Di ko na siya kinausap pagkatapos niya akong sampalin. Nahalata niya siguro na malapit nang maubos ang pasensya ko. Pagbaba namin sa mrt ay pumara na siya ng taxi. Pinasakay niya muna ako.
"Boss malapit na dito ang bahay mo. Ingat ka pauwi," wika niya, mukang wala siyang balak sumakay sa taxi.
"Di ka ba sasabay?" tanong ko. Pagsumabay ka tapos ka sa akin. Nanggagalaiti na ako sa inis.
Hindi siya sumagot. Sinara niya agad yung pinto at nag-babye.
Pagdating sa bahay ay sinalubong agad ako ng aking ina. "My goodness hijo anung nangyare sa pisngi mo?" pag-aalala ng tanong ni Mommy.
"I'm okay mom," sagot ko at mabilis na umakyat sa kwarto ko.
Pagtingin ko sa salamin. Kitang kita ko na namumula pa rin yung pisngi ko kulang na lang siguro dumugo. Hinawakan ko iyon ngunit napalayo agad ang kamay ko dahil sa sobrang sakit.
"Ouch! Damn it!" nangingiwing sabi ko. "Alex!" Lagot ka talaga sa akin bukas.
************************8
Alex POV
Di maalis ang ngiti ko hanggang pag-uwi ng bahay. Kung hindi ko pa pinilit si rence na sumakay kami ng MRT ay hindi ko pa malalaman na never pa siyang nakakasakay doon. Syempre memorable experience yon na kasama ko siya. Lalo pa na ako ang nanalo sa laro namin.
Wala naman talaga akong balak sampalin siya ang akala ko papayag siya sa kundisyon ko na kiss yun pala mas pipiliin niya ang masampal kesa halikan ako. Napaisip tuloy ako na siguro nga hindi niya talaga ako magugustuhan.
"Ate Alex!" tawag ni Roberto napansin niya na kanina pa ako tulala at hindi kinakain yung pagkain nasa harap ko, nasa kusina kami ni Roberto.
Nilingon ko siya sabay subo. "Bakit?"
"Ate kanina ka pa nakangiti ngayon tulala ka naman. May dapat ba akong malaman?"
Kahit kelan talaga may pagka tsismosa itong si Roberto. Umiling lang ako.
"Wehh talaga ate?" pangungulit pa nito.
"Robert bagay ba kami ni Rence?" tanong ko. Bahala na si batman kung anung isipin niya. Hindi agad siya nakasagot napansin ko na nagsalubong ang kilay niya.
"Ate pati ba naman si Park Bo Gum aagawin mo sa akin?! Pina-ubaya ko na nga si Ji Chang Wook kay ate Annie, tapos ikaw pagtataksilan mo rin ako!?" pagda-drama niya.
Muntik ko na siyang batukan buti na lang napigil ko pa ang sarili. "Ano bang sinasabi mo? gusto mong kalbuhin kita?!"
Tumayo siya at nagpameywang sa harap ko. "Asar!" inis niyang sabi at nag-walk out.
"Ayst! Naniniwala talaga siyang babae siya," sabi ko. Mayamaya ay natawa na ako.
Alam kong naasar si Roberto sa tanong ko kaya pagkatapos kong kumain ay pinuntahan ko siya sa kwarto. Nakita kong nakatalukbong siya rinig ko din na humihikbi siya.
"Hoy Robert," wika ko at tinanggal ang kumot niya.
"Ate alex huhu!" Ang galing talaga niyang magdrama.
"Wag kang mag-alala pag naging jowa ko na si Rence ibibili kita ng gusto mo pati mga posters ng mga favorite mong korean actor bibilhin natin."
Natigil siya sa kadramahan niya at seryoso akong tinignan. "Talaga ate Alex?! promise yan?!"
Tumango ako. Nakita kong ngumiti na siya, ilang saglit pa ay niyakap niya ako. "Tama na, wag kang magdrama ha," natatawang sabi ko.
Pagkatapos naming mag-usap ni Roberto ay humiga na kami. Nakatulog na siya habang ako paikot-ikot pa rin sa higaan. Hindi ako madalaw ng antok dahil kinakabahan na ako naalala ko yung pisngi ni Rence na parang dudugo na kanina dahil sa lakas ng sampal ko. Hindi ko sana lalakasan kung mahina lang yung pitik niya sa noo ko.
"Lagot na ko bukas."
********************
Rence POV
"Goodmorning boss," bati sa akin ng mga bodyguard ko.
Halata ko sa mukha nila ang pagtataka dahil sa pisngi kong namaga. Namaga dahil sa sampal ni Alex. Nakatayo lahat sila sa harap ko. Hinanap ko kaagad si Alex. Pero mukang wala siya, alam niya siguro na pagagalitan ko siya ngayon.
"Nasaan si Alexa?" tanong ko habang nakahawak sa pisngi ko. Medyo masakit lalo na pag-nagsasalita ako.
"Boss male-late daw po siya ngayon," sagot ni Tonio.
Narinig kong may humagikgik sa mga bodyguard ko. "May nakakatawa ba?" inis na sabi ko. Napayuko lahat sila ni isa ay walang sumagot alam nila kung paano ako magalit. Huminga ako ng malalim para kahit papaano ay di ako tuluyang mainis. "Pagdumating si Alexa papuntahin niyo agad sa opisina ko," utos ko at talikod sa kanila.
Kahit pagsakay ng elevator ay kita ko sa mga empleyado ko na nakatingin sila sa akin, nagtataka kung bakit mapula ang pisngi ko. Pagdating sa opisina ay nag-lock agad ako ng pinto. Maski si Annie ay hindi ko hinarap. Nag-aalala ako at nahihiya dahil sa itsura ko.
Pag-upo pa lang sa upuan ko ay halos malukot ang mga papel na nasa desk ko. Muntik ko ng ibalya lahat ng nakapatong sa desk ko. Maya maya ay naisip kong tawagin si Tonio na nasa labas ng opisina ko. Kinuha ko ang cellphone niya at hinanap ang number ni Alex. Sakto namang naka receive ako ng text mula kay Alex.
Boss male-late po ako. Sorry.
"So, may balak kang magpa-late ngayon ha?!" inis na sabi ko pagkatapos basahin ang text niya.
*******************